Press Release
February 14, 2009

Transcript of Senator Mar Roxas' interview in DWIZ with Jarius Bondoc

On Senate investigation on the pre-need companies

Q: What have you found out about Legacy in your inquiry?

MAR: Una at pinakamatindi ay itong Legacy ay isang malawak na panlilinlang, isang malawak na raket para nakawin ang pera ng tao. Malinaw na malinaw ito. Ginamit ang mga loopholes sa batas. Ginamit yung kahinaan ng mga regulator. Ginamit yung mga kahinaan sa pagbabantay para makuha itong pera na ito na sa ngayon ay bilyun-bilyon ang nawala.

Q: 14 billion ang nawala mula dun sa 13 na rural banks?

MAR: Tama, sa rural bank lang yan. I-dagdag pa natin yung bilyon mula sa mga pre-need planholders, at hindi pa nabilang dyan yung mga investors na na-enganyo na mag-invest ng kanilang hard-earned savings dito sa mga kumpanyang ito.

Q: Kasama na dun si House Speaker Prospero Nograles sa mga investor naman?

MAR: Kasama siya doon at marami pang mga pangalan na nakita ko doon sa listahan.

Q: Sa mga nakita ninyong pag-exploit sa maraming loopholes sa batas, sa tingin ninyo kailangan ng legislation dito?

MAR: Itong mga loopholes na ito, hindi naman magiging loophole ito kung ginawa ng regulator yung kanilang trabaho. Naging loophole ito kasi naging pabaya yung mga regulator, at pangunahin na dito yung Securities and Exchange Commission. Yung SEC, makapangyarihan yan. Napakatindi ng poder, ng powers ng Securities and Exchange Commission. Kasi ilang taon na ang nakalipas dinahilan nila na marupok ang Legacy na ito, pero pinabayaan pa rin nila na magpatuloy sa kanilang negosyo. Kung meron mang pinakamalaking kapalpakan�yun ang sa Securities and Exchange Commission.

Q: They are trying to balance two responsibilities�yung responsibility nila sa mga mamimili at sa mga mamimili ng pre-need plans at yung ikalawa ay yung responsibility nila sa capital build-up na hindi raw nila masyadong inaanunsyo.

MAR: Mali ito. Mali itong pananaw nila. Ang panunahin nilang tungkulin ay protektahan ang kanilang mga depositors, tungkulin nilang protektahan ang mga namimili nitong pre-need na ito.

Q: So ang nakikita ninyo hindi na kailangan ng legislation based dun sa inquiry na ginawa ng mga Senador tungkol dito sa Legacy kundi kailangan ninyong puntiryahin yung mga regulators for sitting on its job?

MAR: Malinaw na malinaw yun. Actually noong simula katamaran lang e. Tapos, baka hindi naman nila alam ang ginagawa nila�katangahan. E paulit-ulit e. So baka naman kapabayaan, hindi sila tamad, hindi sila ignorante pero pabaya lang talaga�negligence. E paulit-ulit e. ilang beses pa ba natin hahayaan ito? Hindi ba tayo natuto dun sa CAP, sa Pacific, sa PET plans, andami na nito�halos 30 na ang nagsara. Bakit ganun pa rin ang Secuirities and Exchange Commission?

Q: Tapos meron pang apat ngayon na ayaw nilang i-anunsyo? Pwede po ba yun?

MAR: Yun nga e. Nasa diskresyon nila e. Kaya para sa akin dapat talagang palitan ang liderato nitong SEC. Mawalang-galang na lang po kay Chairman Barin�kaibigan ko yan. Masakit sa akin na sabihin ito kasi. She is doing her best pero sa tingin ko yung isang inosente e hindi natin dapat na piliting makilangoy sa mga pating at mga buwaya. E kakainin lang siya niyan e. Mga tuso itong mga ito e. Kaya, tingnan mo na lang kung ano ang nangyari? Hindi ba tayo natuto dito sa CAP? sa Pacific? Ilang milyon ang nawala dito sa savings ng ating mga kababayan.

Alam mo ang pinakamasakit dito, at ito naman ang pinaglalaban ko dito na ang ating mga kababayan ay ginawa nila kung ano ang tama. Nagsakrepisyo sila. Nagtabi sila ng pera. Isiniguro nila, sa tingin nila yung edukasyon ng kanilang mga anak. E ginawa nila ang tama. E sino ba ang failure dito? Yung gobyerno na inaasahan na proprotekta ng mga interes nila. So ang inaakala nilang ligtas, sigurado na yung kinabukasan ng kanilang mga anak, ngayon natutuklasan nila na bula lang pala ang hinahawakan nila. Para sa akin maging mas masigasig ang SEC para habulin ito.

Q: So papaano natin ma-eensure na mai-sosoli ang pera ng 14 na bilyong deposito ng mga depositors nitong nasa rural banks tsaka yung ilag bilyon pa ibinayad doon sa mga pre-need plans?

MAR: Dito nagpapakita ng kahinaan at kapabayaan ng mga regulator e. Kung ako lang e, dapat na natanggal na ang mga assets nitong Delos Angeles na ito. Nakita naman natin dun sa hearing na meron siyang magagarang sasakyan. E bakit hindi pa na-Sheriff ito? May yatte, may mga mansyon.

Q: Ano ang sabi ni Delos Angeles? Pinapaturn-over na ba nya ito sa gobyerno?

MAR: Pinipilit niya na sapat daw yung halaga ng mga trust funds. Ang punto dito e bakit si Delos Angeles ang nagdedesisyon? E dapat i-attach natin yan at kung kulang at least nakuha na natin. E kung sobra e di isoli natin sa kanya. E siya yung nangako sa ating mga kababayan e. Para sa akin this is criminal negligence. This is criminal estafa. Dapat may mga managot dito at kung hindi man sa administrayon na ito, sigurado sa susunod na administrasyon ay may mananagot dito.

Q: Dating hepe po siya ng NHMFC?

MAR: Nasa gobyerno pa nga dati. Biruin mo binigyan ng napakalaking honor e estapador pala.

Q: Dati rin palang jueteng lord ito e?

MAR: Nabasa ko sa kanyang testimonya. Pinagaaralan ko yung mga lumabas dun sa impeachment hearing at nabanggit nga ang pangalan niya.

Q: Yung mga borrower baka pati yung malintikan ang mga utang?

MAR: Maaari. Pero sa totoo lang sa laki ng pinsala at hirap na binigay niya dito sa mga inosente� andito pa lang tayo sa Legacy andami na.

Q: Papaano po ang gagawin ng mga nabiktima ng rural bank depositors saka ng mga pre-need plan buyers dito sa Legacy?

MAR: Well, dun po sa rural banks, sa mga depositors ng banko, meron pong PDIC yan. Kaya hindi sila masyadong nalalagay sa alanganin. Kaya hindi ibig sabihin na balewala na lang at papabayaan na lang natin. Ang mas mahalaga dito yung pre-need planholders lalong lalo na sa edukasyon. Yan talaga ang gusto kong tulungan dahil wala silang pinanghahawakan�walang PDIC, walang insurance. Kaya dapat talaga na ma-Sheriff itong mga ari-arian ni Delos Angeles nang sa ganoon ay makasiguro tayo na mabayaran itong mga pre-need plans na ito.

Q: Paano makaka-avail ng ino-offer ninyong free legal assistance?

MAR: Tumawag lang po. Kasi lahat po ng reklamo, ipagsasama-sama yan sa isang class action e. Para hindi yung kada isang depositor kelangan pa e mag-file ng sarili nilang kaso.

Q: Tatawag po sa inyo o pupunta sa opisina ninyo?

MAR: Pwede pong pumunta sa opisina. Pwede pong tumawag sa amin. Nagbigay po kami ng hotline. Pwede pong mag-text. Magbigay po ng detalye at kokontakin kayo ng mga abogado.

Q: Ano po ang hotline?

MAR: 0919-627-6927. Tumawag lang po o mag-text. Bigay po ang pangalan at konting detalye. Tatawagan po kayo ng abogado. Kasi ipagsasama-sama itong mga kaso. Hindi po kayo nagiisa. Lahat po ito isasama-sama natin. Papa-filan natin ng kaso. Ang kaso po natin dito ay criminal estafa.

Pambihira talaga itong SEC, tayo pa ang gumagawa ng trabaho nila. Binigyan na nga ng budget, binigyan na nga ng kapangyarihan, kinakailangan pa na ang pangkaraniwang mamamayan ang siyang maghahabol-habol. Kung hindi ka high blood, mahaha-high blood ka e.

Q: May deadline ba?

MAR: The earlier the better. Wag nating hintayin na next year pa.

Q: Ano ang dapat nilang dalhin?

MAR: Yung photocopy lang po ng kanilang plan. Wag pong original a. Photocopy lang ng official receipt ng mga binayad nila o kaya kung cheke ang ginamit, photocopy ng cancelled check. Patunay na nagbayad sila. At kahit ano pang pruweba na pinanghahawakan nila.

Sa ating mga tagapakinig, leksyon po ito. Alam ko po na pinagkakatiwalaan natin ang ating mga kamag-anak, ang ating mga classmate, ang ating mga kabarkada. Pero kahit hindi nila kasalanan, dahil siguro hindi rin nila alam, tayo pa rin po ay mag-ingat. Huwag po tayong agad-agad na magtiwala dito sa mga napakagandang ibenebenta sa atin na hindi kapani-paniwala. Kadalasan, itong mga hindi kapani-paniwala, raket po yan. At ito po yan, tulad ng nakita natin sa Legacy.

Q: Nabiktima rin ang sarili nilang empleyado.

MAR: Biruin mo walang sinanto, kahit yung mga empleyado nila biniktima nila. Pambihira talaga.

News Latest News Feed