Press Release
February 19, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' ambush interview at the World Trade Center

Q: on Bakers Fair?

MAR: Mahalaga itong Bakers Fair dahil sa bansa natin ngayon, mahigit sa 20,000 ang mga bakeshops sa ating buong bansa. At ang bawat bakeshop na ito, ay may isang entrepreneur ito, isang maliit na Pilipino na nagtatayo ng negosyo, may special recipe o kaya ginagawa lang ang mga native na produkto sa bawat lugar. Mabilis na negosyo ito, mabilis na maipundar, maraming nabibigyan ng trabaho ito. At dapat suportahan natin ang mga bakeshops dito sa ating bansa.

At umpisahan natin ito sa pamamagitan ng murang pautang, long-term at mababang interest, fixed. Nang sa ganun ang bawat bakeshop ay makapagbigay ng trabaho at hanapbuhay sa napakarami ng ating mga kababayan.

Q: May sinabi sila sa inyo kung affected sila nitong financial crisis because of the prices of their ingredients?

MAR: Well, ang reklamo ng mga bakeshop owners ay katulad din ng reklamo ng mga ordinaryong Pilipino. Nakikita nila sa pandaigdigang pamilihan, bumababa ang presyo ng trigo, katulad din ng presyo ng langis. Pero dito sa atin hindi pa bumababa ang produkto na pinagmumulan ng trigo o ng langis na ito.

Kung baga sa langis, ang presyo nito noon na $150 per barrel, ngayon ay nasa $30 per barrel na lang ang krudo. Pero bakit dito sa atin, nasa P30 per liter pa rin ang presyo ng diesel. Ganun din sa arina at trigo. Ang trigo last year sa international market, nasa $800 per metric ton, ngayon nasa $300 to $330 per metric ton. Pero bakit dito sa atin ang arina mahal pa rin, nasa P850 to P860 per bag pa rin. Kaya hirap na hirap ang mga bakeshop owners natin. Nakikita nila na kapag pataas, mabilis ang pagtaas ng presyo ng arina. Pero kapag pababa, sobrang bagal naman.

Kinakailangan talaga ang aksyon ng gobyerno dito nang sa ganun ay mapilitan na pantay lamang ang laban.

Q: Anong department dapat ang in-charge diyan?

MAR: Well, dito sa trigo at arina, ang Department of Agriculture at ang Department of Trade and Industry. Mahalagang-mahalaga na pumasok sila dito, alamin nila ang dynamics ng pagpresyo ng mga produktong ito, meron nga bang kartel, meron nga bang pagku-kuntsaba, dahil lahat tayo, hindi lang ang mga bakeshop owners ang naaapektuhan nito, pati tayong mga nag-aalmusal ng pandesal.

Nung ako po ay DTI secretary, piso ang pandesal kada 20 grams po. Ngayon, P3 na! Eh hindi naman natin maintindihan kasi sa international, magmula $800 per metric ton ng trigo, ngayon nasa $330 na lang, halos 1/3 ang ibinaba ng presyo. Pero dito, tumaas ang presyo ng pandesal at arina.

Q: Wala kayong balak na imbestigahan ito?

MAR: Titingnan natin. Magpapatawag po tayo ng miting nang sa ganun ay malaman natin ano ba talaga ang takbo ng presyo at ano ang dapat na maging takbo ng presyo? Hindi tama ito. Bumababa na ang presyo sa pandaigdigang pamilihan ng trigo na ginagawang arina na siyang basic ingredient sa paggawa ng nooodles at ng tinapay, samantalang dito sa atin hindi bumababa at nagmamahal pa nga.

On approval of Baselines bill

Q: Nag-i-insist ang China over their claim on the Spratlys.... Yung sa atin ung Regime of Islands ang baselines natin di ba?

MAR: Well, nasa Tsina kung ano ang gagawin nila. Ang nasa atin, gawin natin kung ano ang dapat nating gawin. Proteksyunan natin ang ating teritoryo, proteksyunan natin ang ating claim. 'Wag nating isu-surrender ang ating claim ng basta-basta na lang kasi magagalit ang Tsina, magagalit ang Vietnam, ang Malaysia o ano pa mang ibang bansa. Proteksyunan natin ang ating teritoryo, proteksyunan natin ang ating claim. Tapos dun na sa international courts o sa United Nations magbabakbakan. Huwag nating i-surrender kahit anong bahagi ng ating bansa.

Q: How do you define the Regime of Islands, na that it's not part daw of the territory of our baselines?

MAR: Itong Regime of Islands, kasama ito sa UNCLOS, ito 'yung United Nations Convention on the Law of the Sea, ibig sabihin itong mga nakasakop ng Regime of Islands hindi ito sinusurrender ang ating claim. Sinasabi lang natin na kinikilala natin na habang nag-ke-claim dito, meron ding ibang nag-ke-claim. Iyon lang ang sinasabi, hindi naman nito sinasabi na sinusurrender natin ang ating claim. At dapat huwag nating isurrender kahit anong bahagi, kahit isang metro kuwadrado ng ating teritoryo, huwag nating isurrender. Proteksyunan natin ang ating bansa, proteksyunan natin ang ating teritoryo.

Q: Hindi kaya magkaroon ng problema between RP and China, particular na sa trade?

MAR: Eh kung magkaroon nga ng gusot, eh ano? Ano ba ang mas mahalaga dito? Ang pinaka-mahalaga dito, depensahan natin ang ating teritoryo. Ako hindi ako papayag na mawala kahit isang metro kuwadrado ng ating teritoryo. Ito ay kasama sa ating bansang Pilipinas, proteksyunan natin ito, panindigan natin ito.

Q: Kahit na nagde-depend tayo sa China sa ibang products natin?

MAR: Hindi naman. Ganyan talaga 'yan eh. Hindi naman pwede lahat na lang ibibigay natin sa kanila. Ang importante dito, ang ating claim diyan sa Spratlys ay madepensahan natin, ma-proteksyunan natin. Gamitin natin ang United Nation, ang International Court of Justice, gamitin nating itong mga international na mga ahensiya na ito para matulungan tayo. Hindi naman puwede na dadaanin ito sa karahasan o sa giyera o sa putukan.

Una, talo tayo. At pangalawa, hindi naman ito ang tamang paraan para ma-resolba ito. Pero dahil lamang na mas malaki ang Army nila, mas malaki ang Navy nila, ano su-surrender na tayo? Hindi ako papayag nun. Dapat tayo, ako pro-proteksyunan ko ang ating teritoryo.

On Fertilizer Fund Diversion scam

Q: Sir, ilalabas na ngayon ang committee report dun sa P728 million fertilizer fund scam. Ano ba ang laman ng report? Aabot ba ito sa plunder?

MAR: Malinaw dito sa fertilizer fund scam na nagkaroon ng isang malawakang panloloko, ng malawakang scam, na nakawin ang pera ng ating mga kababayan at itong pera na ito ay gamitin sa pamumulitika. Malinaw na malinaw iyon sa pattern, kung kanino ibinigay itong mga projects na ito, at malinaw na malinaw din iyan na sa pamamagitan nitong mga projects na nakita natin ay over-priced at nagkaroon pa ng ghost delivery. Dapat mahablaan, kasuhan dito sila Joc-Joc at ang lahat ng mga kasama dito sa fertilizer fund scam na ito.

Q: Aabot kaya sa plunder ito?

MAR: Maaari kasi mahigit sa P50 million ito eh. Pwedeng plunder ang ikaso dito, at kung anuman ang dapat na ikaso, kailangan file-an ng kaso ang mga ito, at makalaboso ito.

Kaya nananawagan ako sa Ombudsman, kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Gawin mo ang iyong trabaho,napakarami na nito. Dito sa Euro Generals, umamin na iyong general na siya ang may kagagawan nito, na siya ang nagkamali dito, na sa publiko ito, pero bakit hanggang ngayon wala pang kaso, wala pang trial? Dito sa Joc-Joc, ang tagal-tagal na nito. Nung unang Senado, binigyan na kayo ng report. Ngayon, bibigyan na naman kayo ng panibagong report. Wala na naman kayong gagawin. Noon sa Supreme Court, iyong Supreme Court na ang nagsabi na itong computerization ng elections, nung unang pag-computer ng elections, sinabi na nito na may pagkakamali dito pero wala pa ring ginawa ang inyong tanggapan.

Gawin niyo po ang trabaho ninyo nang sa ganun ay ma-proteksyunan ang pera ng taong bayan.

Q: Will President Arroyo be included in this fertilizer scam?

MAR: Sa ngayon wala pa namang nagtetestigo na kasama si GMA dito. Pero hindi naman ako naniniwala na ganit0 kalaking pera, P 728 million, ay gumalaw sa gitna ng eleksyon na hindi alam ng pangulo.

News Latest News Feed