Press Release
February 26, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' interview with Joel Zobel of DZBB

On World Bank report

Joel: Ano nangyari sa briefing na ginawa ng World Bank sa Senado?

MAR: Malinaw na hindi ginawa ng Ombudsman ang kanyang trabaho, inupuan niya at pinatulog niya. Pinanindigan po ng World Bank ang kanilang findings, ang kanilang report, 'yung kanilang pag-disqualify sa mga kontratistang ito sa kadahilanang pagkukuntsaba. Ang malinaw na lumabas dun ay noong Mayo 2006 ay binigyan na nila ng impormasyon ang ating Ombudsman na may naaamoy sila, may nararamdaman silang nangyayaring pagkukuntsaba.

Simula nun, sabi ni World Bank, wala naman silang pinanghahawakan. To quote in English, "we started from the same information base." Ibig sabihin, parehas lang ang pinagbasehan ng pinagsimulan nung May 2006, wala rin silang hawak, wala rin silang dokumento. Ang alam lang nila may mga senyales na nagkukutsaba ang mga kontratista.

Joel: As early as May 2006 pinaalam na sa Ombudsman?

MAR: Oo, pero walang nangyari. Ngayon, tuloy natin. One year later, November 2007, may resulta na 'yung imbestigasyon ng World Bank. At ang resulta nila, meron prima facie, meron talagang basehan na may pagkukutsaba. Ito 'yung tinatawag na Referral Report. Itong Referral Report ay pormal na ibinigay sa gobyerno natin bilang pagsimula ng pormal na imbestigasyon.

Nung May 2006, may pakiramdam sila, may senyales, in other words, may indication na may pagkukuntsaba. Inimbestigahan nila ito. One year later, mukhang may prima facie. In other words, parang nag-file ng information. Pinaalam din sa Ombudsman, ibinigay din sa Ombudsman 'yung report, eight pages ito, documented na ibinigay sa Ombudsman natin. So ayun, one year later, 2008, 'yung information na sinimulan nila ay may paghatol na. Hinatulan na nila na talagang may pagkukuntsaba at itong 7 kumpanyang ito diskwalipikado na.

Joel: Itong mismo ang World Bank?

MAR: Oo. Ngayon, malinaw na kung ang isang ahensiya katulad ng World Bank ay pursigido at talagang gustong malaman kung ano talaga ang nangyayari sa pera, may magagawa namang paraan para malaman ang katotohanan. Samantala, ang ating Ombudsman na may kapangyarihan para magpagtawag ng witness, may kapangyarihan para mag-subpoena, may kapangyarihan para magbulatlat ng mga dokumento... ang lawak ng kapangyarihan ng ating Ombudsman para malaman ang katotohanan. Ano ang ginawa? Bokya.

Joel: May Ombudsman ba tayo?

MAR: Siguro ung O ng Ombudsman, para sa bOkya, walang ginawa eh.

Joel: Ano ang magiging development sa Senado nitong World Bank report na ito? Inilipat na ba ito sa Senate Blue Ribbon Committee?

MAR: Tama. Kasi naman kami dito sa Economic Affairs, napatunayan na po namin na hindi po matanggap po ng Ombudsman, eto yung pruweba, ito yung dokumento galing sa World Bank. At ang sabi naman ng World Bank, malinaw na malinaw: hindi kami ang pulis ng Pilipinas. Hindi kami yung law enforcement agent. Hindi kami yung Ombudsman. Kaya lahat ng itong impormasyon na ito ibinigay namin sa autoridad ninyo. Ngayon, kung hindi ninyo aaksyunan ito, kung wala kayong mali dito, kung para sa inyo ay okay lang ito, e nasasainyo na yun. Pero para sa amin hindi okay ito, dinis-qualify namin ang mga ito.

'Yan ang nakikita na pagkakaiba. Kung ang isang ahensya e pursigido para sa tuwid na paggastos ng ating pera tulad ng World Bank na konkreto. E kung ang isang ahensya tulad ng Ombudsman e ang tingin nila sa trabaho nila e pagtakpan ang lahat ng kapalpakan ng gobyerno na ito, e talang bokya ang aksyon.

Joel: There are efforts para patalsikin, may hakbang ang Kilos Bayan vs Merceditas Gutierrez, impeachment sa House?

MAR:Maganda na i-file ito pero hindi ko na inaasahan na may mangyayari dito. Pero baka naman makonsiyensiya ang ating mga kongresista, bigyan nila ng daan ito.

Tingnan mo ito, under oath, sumumpa, basa TV, itong heneral na ito na si Dela Paz, sinabi niya kamalian ko 'yun, ako ay nagsinungaling sa Customs form, ako 'yung kumuha ng pera ng walang otorisasyon, ako na, inako ko na lahat itong kamalian na ito. Naka-oath iyan ha, naka-TV iyan...may kaso ba? Bokya!

On Neric Acosta issue

MAR: Ito pahabol lang ito ha. Kanina may headline na kinasuhan daw ng Ombudsman ang ating Rep. Neric Acosta. Hindi ko pinapawalang-sala si Neric ha, kasi ka-partido ko 'yan eh. Pero malinaw na malinaw na harassment ito. Biro mo sa dami ng kasong maaaring i-file, bakit itong lumang-lumang kaso na cleared naman ng COA, bakit ito ang finile niya? May kopya ako ng clearance eh.

Joel: Sabi nagpakitang gilas daw po? Kasi oposisyon eh.

MAR: Hindi lamang nagpakitang gilas pero pinakita niya na partisan talaga siya, na talagang binabawian niya ako bilang pinaka-pangunahing kritiko niya . Wala siyang mahanap sa akin kasi malinis naman talaga tayo, kaya kapartido ko na na-clear ng COA ang kanyang sinampahan ng kaso.

News Latest News Feed