Press Release
March 2, 2009

Transcript of ambush interview with Sen. Richard J. Gordon

ON BOLANTE

Question: Sir, sabi ni Jocjoc wala naman daw evidence against him?

Sen. Gordon: Syempre sasabihin nya yun eh numero unong sinungaling siya eh. Hindi ba harap-harapan na lahat sila (mga testigo) ay pareho ang sakit nila? So I don't expect him to agree with it (committee report).

Q: But you maintain na malakas ang ebidensya ninyo?

Gordon: Yes. Alam nyo ang pinakamalakaing rason kung bakit ako naniniwala na magsisisungaling siya from the documentary testimonial evidence, kasi tatakbo siya. Kakandidato siya sa Capiz. I just got a text na tatakbo siya sa Capiz.

Q: Accurate ba yun info sir?

Gordon: I got it from a source in Iloilo. Hindi ninyo napansin na lahat ng fertilizer ay doon dumapo sa lugar na yun, sa Capiz. You will recall na isa sa mga rekomendasyon doon sa report ko na hindi na siya dapat maupo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. Ang tawag ko d'yan ay "Tapang-Apog"

Q: So deadma lang kayo doon sa hamon na public debate?

Gordon: Mahirap makipag-debate sa sinungaling.

Q: Sir anong distrito siya? Congressman?

Gordon: Governor yata.

Q: Governor? Hindi Congressman.

Gordon: (Reading text messages from his phone) Ang sinasabi dito, "for your information, Jocjoc Bolante is running for governor in Capiz." Matagal ko nang naririnig yan pero siguro nagdeklara na siya kagabi.

Q: Sir sino yun source, hindi nyo babanggitin ang pangalan.

Gordon: He is a civilian, actually he is from Iloilo. Pero gala yun. Dati naglalako siya sa entire region ng product sa tobacco company. Kaya lagalag yan..

ON ZTE

Q: Sir doon sa letter ni Sen. Allan asking for another hearing...?

Gordon: Sana itinuloy na nya, yun lang pala ang intensyon nya. Sabi niya hindi niya gagawin ang report samantalang yun ang agreement. Uulitin ko, ako ang nagtuloy ng Tourism Bill kahit nawala na sa akin yung komite. Ganun din kay Sen. Honasan, itinuloy niya ang sponsorship niya. Bakit hindi niya (Cayetano) gawin yun. Lahat kami yun ang agreement. Siya kasama doon. Umatras pa siya sa agreement. Ngayon banat pa siya nang banat. Hindi ko na papatulan yun.

Q: So kailan kayo makapaglalabas ng report?

Gordon: Ipapaalam ko sa kanila kung gusto pa nilang tumawag ng hearing pero nagawa ko na yung first draft. Siguro by the time we come back from the recess ay tapos na yun, hopefully.

Q: So hindi ninyo iga-grant yun request ni Sen. Allan?

Gordon: I will take it up with the majority mamaya sa meeting. Hindi naman ako nagdi-decide kung walang permiso ang majority. Wala naman nadadagdag. Yun sinabi naman niya doon sa Lower House ay ganuon pa rin yan. Mahirap. Hihintayin nating matapos ang lahat ng magsasalita.

Q: Sir you can secure naman document ng kanyang testimony (De Venecia) sa House?

Gordon: He can always submit it to us if he wants to. We don't have to call him. Kase medyo polluted ang source...magkakaibigan yan na nagkaka-away-away (sa kontrata). Yun anak ni Joe De Venecia, bawal yun sa batas. Si Abalos, nasa Comelec umaabot ng China...ZTE ang nini-negotiate.

ON OMBUSDSMAN GUTTIEREZ

Q: Sir yung isyu ni Guttierez, nai-file na po yun impeachment sa House , sa tingin nyo magpo-progress ba yun?

Gordon: Unang-una, that vindicates our position na dapat siyang mag-resign na and no less than...one of the stalwart lawyer of the country...Sen. Salonga, filed the impeachment proceedings. In fact hindi na ako makapag-comment doon dahil dito aakyat yun eh. At dapat pag-ingatan yan kase si Abalos noong araw naramdaman niya na mai-impeach siya kaya nagresign na siya kaagad.

Q: So possible rin mag-resign din siya?

Gordon: I do not know. Basta yun ang nakalagay sa report ko and I stand by it.

ON POLL AUTOMATION

Gordon: Ako'y nananawagan sa mga kaibigan ko sa House na kung maaari ituloy na nila ito (approval of supplemental budget) sapagkat hindi magandang tignan na pagkatapos nating tinalakay ito at lalo na 1997 pa yung original law, pagkatapos nagawa itong RA 9639, yung batas na na-file ko ay makikita nyo talaga na pinaghirapan yan ng Upper House saka ng Lower House. Ang masasabi ko lang diyan sana ituloy na nila sapagkat mas magastos kung dalawa pa ang gagawin nila, na yung pag national eh computerized tapos yung sa baba hindi. Ano naman ang ipapaliwanag nila sa tao kung bakit nila ayaw yan? lumalabas na sila ay baka may maitim na balak o merong mga taong may maitim na balak na gusto nila pagdating sa Lower House hybrid para makakatulong sa kanilang kampanya yon.

Q: Kung makakalusot sa Kongreso papasa ba ng Senate bago mag-adjourn?

Gordon: Yes. Kayang habulin yan.

Q: Special session?

Gordon: Ako naman basta may special session aatend ako, walang problema, nandito lang naman ako.

News Latest News Feed