Press Release
March 3, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR CHIZ ESCUDERO AT SESSION HALL

On poll automation...

... dahil baka mamaya mauwi nga tayo sa mas mabilis na halalan pero mabilis ding kwestiyonableng halalan, sa pag-uusap ng budget isa yan sa dapat alamin at liwanagin Kung masagot... ang timetable din naman yata ng komite ay ang pagresume ng Kongreso sa darating na Abril, depende nga kung nasa kanila na yung mga kasagutan sa mga tanong na yon, pagliliwanag ang aming hinihiling at hihilingin at hindi pagharang kundi pagliliwanag lamang para maipaliwanag din sa taong bayan ano ba itong sistemang ito (poll automation). On Senator's Villar's billions of assets for 2010...

Francis ang pangalan ko hindi Manny, siguro pagdating ng halalan ang kagandahan bagaman yung pera may tao, yung tao walang pera pero tao pa rin ang boboto sa dulo at hindi naman yung pera. Hindi mahalaga kung gaano karami ang pera sa halalan...

Sana, yun yung pananaw ko sa halalan at yun ang tingin ko sa halalan.

Magkano ang budget nyo?

Hindi ko alam, hindi ko pinaplano o iniisip.

Kung magkakaroon daw ng coalition ang NPC at Lakas at Kampi

Hindi ko alam at hindi pinag-uusapan yan sa ngayon, Chiz ang pangalan ko at tsismis lang yan at hindi totoo.

Sir baka mangyari yan?

Kung ako ang tatanungin hindi ako sasang-ayon dahil ako ay bahagi at miyembro ng oposisyon at mananatili ako sa oposisyon.

So walang pag-asa...

Wala akong alam na ganoong balakin at plano at kung mayroon man hindi ako kasama doon. A Ang NPC ngayon ay naka-allign sa majority at administrasyon at nasaan ba ako mula nang magmula, ako pa nga ang minority leader. Karamihan sa miyembro ng NPC ay sumama sa majority at administrasyon noong nakaraang Kongreso pero ako ay nananatiling nasa oposisyon at nagsilbing tagapagsalita ni FPJ at naging minority leader later on, hindi rin naman ako inalis ng partido.

Big resources for 2010 elections...

Mula't-mula wala akong ganoong karaming pera para tumakbo sa halalan pero gaya nga ng nasabi ko yung tao ang bomuboto hindi ang pera. Dagdag pa siguro dito ang pagbabayad ng utang na loob, nasa pulitiko na yan at nasa public official na yan basta ba magagampanan nya ang kanyang tungkulin ng walang pinapaboran at walang kinikilingan at patas ang pagtrato sa bawat isa wala akong nakikita dahilan para sabihin ang mayaman lang ang pedeng tumakbo at yung wala pera ay walang karapatang tumakbo.

Hindi isang advatange yung may pera...

Ang requirement ng Saligang Batas ay lima: natural born citizen, registered voter, resident of the Philippines, able to read and write at 40, walang nakalagay na kakayanan sa SAL yun, kulang pa nga lang ako ng isa dahil walong buwan pa ang kulang ko bago mag-40.

Pabor ka ba na mag-indefinite leave si Ombudsman Gutierrez dahil mayroong impeachment complaint.

Ayokong magsalita tungkol don kasi baka sabihing pini-prejudge ko na yung kaso niya dahil baka makarating sa amin pero ang hinihiling ko inventory ng mga kasong pending sa kanya para makita at malaman natin kung paano naapektuhan kung sak-sakali yung kanyang pagdedesisyon sa Ombudsman habang dinidinig yung impeachment. Ayoko kasing magamit yung impeachment ng ilang mapagsamantalang tao para mapaboran at hindi mapaboran ang partikular na tao.

Tama ba yung binubuweltahan niya sina Jovito Salonga?

Karapatan nya yon pero habang bumubuwelta siya sagutin din niya.

News Latest News Feed