Press Release
March 3, 2009

TRANSCRIPT OF SENATOR RICHARD GORDON'S AMBUSH INTERVIEW

SUPPLEMENTAL BUDGET

GORDON: Natutuwa ako at pumasa na ng walang colatilla at ngayon wala ng masasabi kahit na sino. We're going full speed and full automation because sa Senado siguradong papasa yan. nakausap ko nga si Speaker Nograles and he said marami ng hindi nagkakaintindihan pero I think that's only one negative vote and one abstention.

Q: Kung walang colatilla ano ang mangyayari? Full automation? Hybrid?

GORDON: Full automation.

Q: So ang Comelec dapat maghanda na?

GORDON: Matagal ng nakahanda yan. Kung hindi, hindi sila dapat nasa Comelec kasi alam mong magpu-full automation eh, nakalagay sa law yan. There can be no other excuse anymore na wala silang pera, ngayon may pera na. Wala ng dahilan kaya tuloy tuloy na yan.

Q: Ano'ng next step?

GORDON: Sa Senado okay na kami. Ang recommendation namin is to go ahead. Unless Senator Angara wants to call another meeting, which I think is unnecessary because he'll just make the committee report na-approve na yan.

Q: meron ng committee report?

GORDON: Well, dapat meron na. The last time I heard, dalawa lang kami (sa hearing), sabi namin basta makuha yung sa Congress tuloy tuloy na yan. Ang sabi namin kailangan mauna muna sa Kongreso. So I think it will have to go back to us.

Q: No need for special session?

GORDON: Yes. No need for a special session.

ON VILLAR

GORDON: Ewan ko kung totoo yung sinabi ni Sen. Villar na kung wala kang isang bilyon wag kang tumakbo. That is very arrogant. Aba'y hindi tama yan na sasabihin mong kung wala kang isang bilyon, bakit pang-mayaman lang ba? Edi ilagay na natin sila Lucio Tan, sila Danding Cojuangco, yun na lang ang pwedeng mag-presidente. Yan ay panlalait sa mga mahihirap, at hindi tama na sinasabi ng former Senate President who claims to have been mahirap dati, na sabihin nya na parang tinatakot nya lahat na pag mayaman talo na lahat ang mahihirap. Napaka-mali nyan. I'm not saying this because I may be a candidate, all I'm saying is I am against this concept na pag nasa survey ka, panalo ka na; pag ikaw ay may pera, panalo ka na; kung may partido ka, panalo ka na, kung wala kang partido lalo kang talo. If you look at the record, maraming natalong presidente na may pera at walang partido, nanalo; na walang pera, nanalo. So dapat mag-iingat tayo sa mga statement. Hindi bagay kay Sen. Villar na sinasabi niya na kung wala kang isang bilyon, wag ka tumakbo. Ganun ba yun? Paano? Saan mo babawiin yung isang bilyon?

Q: Sir, did he say that?

GORDON: Nakita ko sa dyaryo kaya medyo nagulat ako. Iniisip ko, hindi yata tama yung statement na yun. Hindi naman sa kinukutsa ko, baka nagkamali, pero nobody should be making statements like that, because yan ang ginawa sa atin ng mga nakaraang colonial powers na palagi tayong bini-victimize na wala tayong kaya, kung maliit, naku wala tayong pera anak di tayo pwede dyan.

ON GUTIERREZ

GORDON: Katulad yan kay Gutierrez, hindi ako nagko-comment although I feel vindicated, yun committee. Nag-file ng impeachment sa kanya...hindi muna ako magko-comment because dadaan sa amin yan eh. I don't want to be disqualified because this is not the only issue na si Ombudsman ay idiniin sa impeachment.

Q: Pero ano ang comment ninyo na lahat ay binabalikan niya.? Balak pa nyang mag-file ng kaso ...?

GORDON: Nakakalungkot din. Kaya nga sinasabi ko, doon sa ZTE, nang makita ni Chairman Abalos that the hand writing was in the wall na pwede siyang ma-impeach, ay nag-resign siya ng kusa.

Q: In this case?

GORDON: In this case mukhang ayaw mag-resign. Thatis her right kaya lang doon ka dadaan sa impeachment and remember this is not the President of the Philippines. Hindi partisan ang isyu dito. Sa impeachment kase partisan ang isyu kapag presidente. Pero itong Ombudsman, kapag dumaan doon sa hati hindi partisan yan because constitutional officer yang ini-impeach natin.

Q: Hindi ba mas magandang sagutin na lang yung mga akusasyon against her kaysa resbakan nya yung mga...?

GORDON: Hindi mo maaalis yan kung ganoon ang ugali niya eh. There is no accounting for habit.

ON ZTE

Q: Sir, ano nangyari sa caucus kahapon?

GORDON: Well, hindi kami natuloy kahapon kase may sakit ako kahapon, so nagtanung-tanong ako doon sa mga komite kung tatawag pa ako ng hearing. Ang problema naming kung tatawag kami ng hearing ay baka walang sumipot dahil medyo mahaba-haba itong bakasyon. Maybe, yung report ko ay gagawin ko at bago ilabas ay padadaanin ko sa komite. Kung gusto pa nila ng isang hearing, it is up to them.

News Latest News Feed