Press Release
March 3, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' ambush interview at the Session Hall

On P1 billion budget for 2010 polls

Q: Reaction lang po dun sa statement na kung wala kang P1 billion huwag ng tumakbo sa 2010 elections?

MAR: Ito ay nagpapakita na para sa iba, pera-pera lamang itong eleksyon na ito. Pero para sa akin, itong eleksyon na ito, itong demokrasya natin, ay tungkol ito sa mga problema ng ating mga kababayan natin na dapat malutas. Tungkol ito sa gutom. Tungkol ito sa kawalan ng pag-asa sa direksyon at plataporma de gobyerno ng ating kinabukasan. Itong eleksyon na ito ay tungkol dito sa mga napakahalagang mga bagay na ito. Ang Pilipino hindi nabibili. Ang Pilipino may dangal. At alam ko na ang Pilipino ay pipili ng tama sa darating na eleksyon.

Q: Magkano ang budget mo sa eleksyon?

MAR: P2, pambili ng isang tsoknut

Q: Naniniwala kayo na hindi mananalo ang isang kandidato solely on money? You don't agree with statement of Villar na aabot ng P1 billion ang gagastusin?

MAR: Nakikita dito kung ano ang kanyang tingin sa ating mga kababayan, kung anong pinapahalagahan niya. Para sa akin naman, plataporma de gobyerno, serbisyo, track record, 'yan ang magiging batayan ng ating mga kababayan. Ang Pilipino hindi nabibili. Ang Pilipino sa bawat yugto ng ating kasaysayan, pumipili ng tama. At pinipili niya ang isang lider na siyang makapagbibigay ng tama at wasto at tuwid na gobyerno sa ating bansa.

On Merceditas Gutierrez

Q: Reaction on FG defending Gutierrez from allegations in impeachment complaint

MAR: Dapat lamang na ipagtanggol ni FG si Merceditas Gutierrez dahil ilang buwan at taon ng ipinagtatanggol at nagbubulag-bulagan itong si Merceditas sa katiwalian ng gobyernong ito.

Q: Do you think FG is trying to influence members of the Congress with his statement?

MAR: Hindi natin masasabi iyan. Nasa Kongreso iyan.

Q: Bago ba itong pagtatanggol ni FG?

MAR: Ang importante dito para kay Merceditas ay sagutin niya ang nilalaman nitong impeachment case na ito. Bakit hanggang ngayon 'yung hatol ng Korte Suprema na merong anomalya dito sa Mega Pacific na ito hanggang ngayon wala pang kaso? Bakit dito sa Euro Generals na ito, under oath, inamin niya na kinuha niya ang pera ng walang pahintulot, hanggang ngayon wala pa ring kaso? Dito kay Joc-Joc, dito sa ZTE, wala pa ring kaso. Ito ang isyu laban kay Merceditas. Dito niya ilagay ang kanyang atensyon at ang kanyang mga sagot.

Q: Sinasabi ni Merceditas politika daw ito?

MAR: 'Yung kanyang sagot na 'yan dun na natin mababatay kung anong uring public servant si Merceditas. Imbes na sagutin niya ang mga charges laban sa kanya, kung ano-ano ang sinabi niya, pati ang buhok ng complainant, pati ang nakaraang isyu kasy Senador Salonga halos 20 years na, ito ang mga sagot niya. Bakit hindi na lang niya sagutin simpleng-simple: Bakit wala pang mga kaso laban sa mga tiwaling ito?

Q: Mag-indefinite leave daw muna siya?

MAR: Dapat lang. Ako ay nananawagan na magbitiw na siya sa posisyon.

Q: Anong buting maidudulot kung mag-indefinite leave si Ombudsman?

MAR: Hindi niya magagamit ang banta na file-an niya ng kaso itong mga mambabatas na boboto laban sa kanya.

On approval by House of poll automation budget

Q: Poll automation budget okay na sa House pero ang fear ng iba magaya sa Mega Pacific? Paano ma-address ito?

MAR: Alam ko naman po na may oversight committee on election modernization at ito'y isang paraan para mabantayan natin ito. Dapat magkaroon ng full automation, sundin natin at ibigay natin kay Chairman Melo ang kapangyarihan para ma-implement ang programang ito. Napakahalaga ng ating eleksyon, dapat hindi ito mailagay sa alanganin.

On Legacy

Q: What's the next step on Legacy?

MAR: Meron tayong witness. Tulad ng nasabi, pino-process natin ang CEO atsaka CFO, chief executive officer at chief financial officer ng Legacy, na merong mga itetestigo dito sa scam ng Legacy.

Nakita natin mula doon sa witnesses na dumalo sa huling hearing na malawak na scam talaga ito. Insider din sila.

Kinakausap ko ang ibang members ng committee at pati na din si Senate President kung anong mga tulong ang maibibigay natin sa mga ito. At nakikipag-usap din tayo sa Department of Justice kung ano ang kanilang plano dito sa ginawa nilang Task Force at sa pagbigay ng proteksyon dito sa ating mga witness.

News Latest News Feed