Press Release
March 20, 2009

Transcript of interview in DZMM with Neil Ocampo
 with Senator Manny Villar

Q. On text tax ano po ang paninindigan nyo sa isyu na yun?

Villar: Ako ay hindi sumasang-ayon dyan dahil sa ngayon ay may krisis at talaga namang ang text ang murang paraan ng communication ng ating mga kababayan at hindi naman talaga dapat patawan ng anumang buwis ngayon at maski kailanman. Itong texting, ito lang ang paraan ng pagko-communicate nila , bakit naman bubuwisan pa nila ito.

Q. Binabangggit po ni Cong. Suarez ng Quezon na kikita daw po ang gobyerno ng dalawang-daang milyong piso kada araw kung bubuwisan ang pagtetext, wala na bang mahagilap ang gobyerno, ano ba ang proposal ng Senado sa iba pang pwedeng pagkunan ng buwis ng gobyerno?

Villar: Marami pang pwedeng pagkunan ang Senado at ang Kongreso subalit hindi muna ngayon lalung-lalo na may krisis. Palagay ko, hindi muna dapat pag-usapan ang karagdagang buwis at pagbutihin muna natin ang koleksyon lalo na ang buwis na nakakaapekto sa ating mamamayan . Ang texting, lahat ay gumagamit niyan mahirap -mayaman, bata-matanda, babae-lalaki, kaya huwag muna nating galawin yan at yan lang ang nagagamit ng mga tao para mag-usap-usap.

Q. Ung Sin taxes, yung pagpapataw ng mas malaking buwis sa sigarilyo at sa alak para lalong maputol ang bisyo ng mga Pilipino sa mga hindi magandang bisyo?

Villar: Pwede yan, sa buong mundo talagang napakataas ng buwis niyan, pwede nating unti-untiin yan at yan ang paraan para ang kalusugan ng ating mga mamamayan ay tumaas ang level at mabawasan ang gastos natin sa Department of Health. Marami tayong mga mabibigyan at magagamot pa na hindi magamot sa ngayon.

Q. Meron pang napuna ang Pilipino Industrys, na yun daw pong nawawalang buwis sa Bureau of Customs na umabot sa 75 bilyon a year, bakit hindi habulin at tugisin kung sinu-sino mga sangkot dyan para ung nawawala at nakaw ng gobyerno ay maibalik sa pamahalaan at yun ang gastusin sa serbisyo.

Villar: Totoo yan neil , marami pa tayong pwedeng makoleka sa customs, BIR, marami pa tayong pwedeng kolektahin at palagay ko ay sapat na yun kapag na-increase natin yung koleksyon na yun, yung ating dating galing sa pag-kolekta noong mga panahong 1997,96 ay napaka-taas ng level ng koleksyon natin,maibalik lamang natin dun ang level ng koleksyon natin ay palagay ko malaki ang makukuha nating pera.

Q. Opo dun sa smuggling activities na lamang sa Bureau of Customs, yung mga nawawala dun pwedeng habulin yun.

Villar: Lalo na yan, talagang maliwanag naman na malaki ang nawawala sa atin diyan.

Q. Dun sa ibang isyu Mr.Senator, sa inyong palagay yun bang pagkakabawi ng testimonya ni Nicole na biktima ng rape nitong Amerikanong ito, sa palagay ninyo naimpluwensyahan kaya ang kanyang pahayag ng Amerika at meron kayang mga internal arrangement na nangyari dito?

Villar: Palagay ko meron, subalit minsan, bilang isang dating mahirap alam mo nauunawan ko rin yung nangyari sa buhay ni Nicole, minsan hindi natin masisisi kapag talagang nahirapan ka, gusto mo nang mag-give up subalit hindi dapat maapektuhan niyan yung ating hangarin na ma-review o marepaso itong VFA. Dapat talagang rebyuhin natin ito dahil hindi naman tama yung mga provision nito at dapat alisin ang anumang provision na agrabyado ang mga Pilipino.

Q. Dun naman sa ibang isyu, sa mga OFWs Mr.Senator kabi-kabila ang nawawalan ng trabaho, umiiyak na mga balikbayan at luhaan pati na yung mga inaalalayan ninyo,anong update dito, nasaang punto o nasaang yugto na kayo dito?

Villar: Lalong dumadami ang trabaho natin diyan at lalo namang yan aking puspusang itinutulak. Nitong mga nakakaraang araw ay mayroon akong nakuha sa Malaysia na iniligtas sa isang prostitution den na tatlong Filipina na naiuwi natin dito . Itong tatlong ito ay tumawag dito sa amin at kung ilang gabi na naming hinahanap kasi nagte-text siya kapag dumarating na yung magbibigay sa kanila ng marijuana at cocaine. Nahanap rin namin at na-trace namin sa Kuching, Malaysia at nailigtas namin sila. Itong mga ganito ang aking pinagkakaablahan ngayon at marami pa, dumarami kasi ngayon ang mga problema dahilan sa siguro sa krisis sa buong mundo, dumadami ang tumatawag sa amin. Subalit yan naman ay aming pupursigihin lalo at hindi kami titigil hanggat hindi namin natatapos yan.

Q. Nabibigyan nyo rin ba ng alalay sa trabaho itong mga nawalan ng trabaho galing sa ibang bansa at nabikitima ng maltreatment ?

Villar: Marami na din kaming nabibigyan bagamat hindi lahat, yung iba nabibigyan namin ng konting puhunan, yung iba binibigyan namin ng trabaho. Yung iba naman ay inaalalayan namin sa ngayon at ipinapagamot, dahil yung iba ay talagang nagkasakit at merong mga malala. Sila ay tinutulungan din namin.

News Latest News Feed