Press Release
March 25, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' Ambush Interview-Part 2

(On Filing of Charges vs Celso delos Angeles)

Q: Bakit hindi na lang hinintay ang DOJ?

MAR: Kung hihintayin natin ang DOJ, kelan pa mangyayari iyan? Kailan pa ba nagumpisa ito? Kung hihintayin natin ang gobyernong ito, walang mangyayari sa atin. Itong DOJ na ito, in 2005 bumuo na ito ng isang task force laban sa bank fraud, hanggang ngayon ni isang kaso wala pang naipa-file. Ang hiling ko lang, DOJ bilisan ninyo ang imbestigasyon ninyo, bawat araw na hindi napa-file-an ng kaso si Celso nabibigyan siya ng pagkakataon na itago ang mga ari-arian niya.

Q: Politics lang kasi tatakbo ka lang daw?

MAR: I'll disregard that. Tanungin na lang nila ang mga biktima. Tingnan niyo sila. Wala silang pera, wala silang pambayad ng abogado. Pang-xerox nga lang ng dokumento wala din sila eh. Paanong gagawin natin, hindi natin sila tutulungan?

On CHARTER CHANGE

Q: Kinausap daw si dating Speaker JDV ni Mikey Arroyo at ni Rep. Rodriguez na suportahan iyong itinutulak nilang Chacha?

MAR: Itong Chacha na ito ay pamamaraan ito para magtagal ang paghahari ni Gloria dito sa ating bansa. Tinututulan ito ng ating mga kababayan, tinututulan namin ito sa Senado. Hindi magtatagumpay ito.

Q: Dumarami daw ang pumipirma?

MAR: Kahit lahat pa sila pumirma. Sang-ayon sa ating Saligang Batas, hindi maaaring umusad itong con-ass na ito kung hindi kabahagi ang Senado. Kami sa Senado hindi kami sasama sa pamamaraan na iyan dahil baluktot na pamamaraan ito para baguhin ang Saligang Batas sa ating bansa. Ano ba tayo, bansa ba tayo na gumagalang sa ating Saligang Batas? O bansa ba tayo na papayag na mamani-obra, baluktutin, itong mga batas na ito na dapat ay sundin ng lahat? Ang mga malalakas, ang mga nasa poder, sanay na sanay sila, usong-uso na baluktutin ang batas para sa kanilang kapakanan, para sa pansariling interest. Hindi natin ito papayagan.

Q: Anong next step kung itulak pa rin nila ito?

MAR: Eh di sa korte ito pupunta.

Q: Sabi 20 signatures na lang ang kailangan, tapos direto na ito sa SC at bypass na ang Senate?

MAR: Nasa sa Korte Suprema iyan. Ang punto dito, both houses has to convene into a constituent assembly. Walang boto diyan sa Senado. So, solo flight sila na magsasabi na constituent assembly na. Wala akong kakilalang abogado na alam ang kanyang trabaho na nagsasabing ligal ito. Puwede nilang gawin kahit anong gawin nila pero ako naniniwala ako na dito sa Pilipinas, iiral ang batas. At dapat depensahan natin 'yung pag-iral ng katarungan at ng batas. Dahil kung hindi na iiral dito ang batas, ano na lang tayo? Mob rule? Iiral na lang dito iyong malalakas, might is right, wealth is right. Hindi tama 'yan, kaya dapat labanan natin ito.

Q: So the Senate is willing to elevate this to the Supreme Court?

MAR: Absolutely.

Q: Confident ba kayo sa SC na hindi kakatigan sila?

MAR: May tiwala na ang ating mga mahistrado sa Korte Suprema ay dedesisyon ng tama.

News Latest News Feed