Press Release
March 31, 2009

Transcript of interview (DZMM) with Neil Ocampo
with Senator Manny Villar

Q. Palagay nyo itong scenario na ito ay getting worst na po?

Villar: Maaaring mangyari yan katulad ng sinabi mo na ang remittances ay pwedeng bumaba bagamat naniniwala ako na siguro ngayong taon ay flat lang ito at baka kapareho lang yan last year. Maganda na rin paghandaan natin pero ako ay kumpiyansa pa din na hindi gaano bababa ang remittances natin. Ang ating mga kababayan so far hanggang marso ay hindi pa masyadong madami ang umuuwi at dumami pa ito kung malulutas ang krisis natin bago matapos ang taon.

Q. Nagsanib na ng pwersa ang JIL at yun ang plano nila maging ang kay Mike Velarde ng El Shaddai, ito ho ba ay nakakaapekto sa pampulitikang ambisyon?

Villar: Alam mo isang taon pa ang eleksyon at nakikita nating marami pa ang mangyayaring mga alignment dyan at mga proposals kaya ngayon ang mga balitang ganyan ay wala pa masyadong bigat dyan bagamat napakahalaga gaya nga ng sinabi mo, yan naman ay pareho nating kaibigan. Naniniwala ako ng magkakaroon yan ng alignment kapag oras na, subalit sa darating na anim buwan nag-iisip pa ang lahat.

Q. Speaking of realignment, may kumakalat na intrigang pampulitika rin nangunguna ngayon si kabayang Noli de Castro at sumusunod kayo, baka daw mangyari po sa darating na eleksyon ay kayo ang tatakbong pangulo at magiging bise presidente nyo si Noli. Pwede bang mangyari yun?

Villar: Alam mo lahat naman ay posible sa mga darating na panahon. Hindi mo masasabi kung ano halimbawa ang gagawin ng administrasyon, kung sino ang gagawin nilang kandidato, hindi naman siguradong si Noli ang gagawin.

Q. Pero pwede bang mangyari na yung Manny Villar ay tatakbong Bise-presidente na lang?

Villar: Hindi na siguro dahil kung ganyan lamang, mas gusto ko na lang maging senador

Q. Siya nga pala nakakalungkot isipin na ang taning ng abu sayyaf ay hanggang alas-dos doon sa tatlong myembro ng ICRC na pupugutan ng ulo pag hindi tuluyang nag-pull out ang ating mga militar sa may parte ng Sulu?

Villar: Sa akin kasi iwanan natin sa military yan, dapat igalang natin ang sandatahang lakas at bigyan natin sila ng luwag, masyado rin kasing nakikialam ang ating gobyerno sa military kaya hindi matapos ang kanilang operasyon. Alam ko naman responsable ang ating armed forces at nalalaman nila ang kahalagahan sa atin ng pagkakaroon ng ganyang pagpugot ng ulo subalit posible rin naman na nananakot lamang sila kaya ito ay babalansehin. Ang pinakamagandang paraan na magagawa natin ay igalang ang strategy ng ating armed forces of the phils.

News Latest News Feed