Press Release
April 15, 2009

Transcript of interview with Senate Media with Senator Manny Villar

Q: On Ethics Report

Villar: Nabalitaan ko nga na tapos na yung desisyon kahapon pa lang, pero expected naman natin yan. Matagal ko namang sinasabi na sa komposisyon ng committee ay wala naman talaga tayong makukuha na fairness dyan, so yang nangyari naman ay expected at inaasahan na natin yan hanggang 2010, ganyan na ang mangyayari.

Q: Sir, you were given 5 days to answer ?

Villar: Hindi naman kasi kami sumasali dyan, ang oposisyon ay hindi sumasali dyan. So, bahala na lang, titingnan ko muna, hindi ko pa alam kung ano ang nangyari.

Villar: Sino ba yung umatend?

Reporters: Loren, Mar, Ping...

Villar: Ah, Loren, Mar, Ping, mga presidentiables. Alam na natin ang mangyayari dyan.

Q: Sir, moneyed politician daw nagpa-mobilized ng rally kanina?

Villar: Nais ko lang sabihin na nagulat ako sa rally na yan, wala akong kinalaman dyan, medyo hindi naman ganyan ang ugali natin, hindi tayo mahilig sa mga ganyan.

Q: Sir, confident ba kayo dyan sa Ethics Probe?

Villar:Hindi, may desisyon na nga.

Q: Wala na kayong aasahan?

Villar: Wala na.

Villar: Basta ang sakin, masasabi ko lang, malinis ang konsensya ko dyan, ang proyekto na yan ay para sa kabutihan ng 5 milyon nating mga kababayan. Napakaganda nyan at pinagmamalaki ko yan. Yan ay isang bagay na darating ang panahon makikita ng lahat ng ating 5 milyong kababayan sa Cavite, Las Pinas at Paranaque, napakagandang proyekto nyan.

News Latest News Feed