Press Release
April 21, 2009

Transcript of SP Enrile's Interview after the session was adjourned

Q: Sir, ano po ang effect nung five days na ceasefire na napagkasunduan sa caucus?

SP: Wala. Siguro mamaya, tanungin nyo rin yung ibang senators kung ano ang nalalaman nila doon sa napagkasunduan kanina.

Q: Sir, does that mean na ceasefire muna o status quo?

SP: May nagmumungkahi na dapat siguro ay huwag munang may mga nagsasaslita ng anumang bagay hanggang ma-resolba ang problema. Hanggang sa Lunes, pag- uusapan naming ng dalawang magkabilang panig ang kahilingan nila. At yun namang gusto nila ay palitan namin ung members ng Ethics Committee. Sa akin, personally, ay sinabi ko na may problema ako diyan. Sapagkat ako ang pumili ng mga naging miyembro ng committee. Pag ginawa ko iyan, ang ibig sabihin noon ay ako ay i-responsible at hindi ko pinag-aralan ng mabuti ang qualifications at karangalan ng mga nagiging members ng Ethics Committee. Totoo nga na sila ay mga presidentiables, kaya nga sila ang inilagay ko doon, sapagkat alam ko na mag-iingat sila sa pagdinig dun sa kaso ng kapwa nila presidentiables. sapagkat babatikusin sila ng publiko kapag nalaman na sila ay magiging bias o prejudice. Kay iyon ang sinabi ko.

Q: Sir, what will happen after Monday?

SP: Titingnan natin kung anong gusto nilang hilingin. At titingnan naming kung mapagbibigyan namin o hindi. Basta't habang hindi pa napagdisisyunan yun, bilang presidente ng Senado, kokonsultahin ko rin yung aking grupo.

Q: Sir, may comment po ang Malacanang na itigil muna ng mga senador ang bangayan at unahin yung mga priority measures.

SP: Totoo yun. Na ang mga hindi kailangan na imbistigasyon ay pwede sigurong ipagpaliban. Pero itong problema na ito ay kailangang resolbahin. Karangalan ng isang senador ang nakataya dito. At kailangan na ipakita natin sa madla na walang sini-sino ang Senado. Kagaya ng Legacy, kailangang tapusin yun. Yung mga measures na kailangang tatapusin ay tatapusin namin yun. Nandito kami mag-araw at dini- dinig namin yung mga bills sa mga committee. Kaya walang naantala na mga bills dito sa Senado dahil lang sa mga hearings na nangyayari

Q: Walang nangyayaring compromise, sir, halimbawa na i-nullify na lang muna yung Ethics Committee Order?

SP: Wala.

Q: Sir, ceasefire lang muna?

SP: Anong ceasefire?... Wala na munang maaanghang na salitaan.

News Latest News Feed