Press Release
April 24, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' Ambush Interview

On Thursday's Emergency Landing

Q; Sir, ano ang nasa isip mo nun?

MAR: 'Wag na natin palakihin. All's well that ends well.

Q: Sir, serious iyon eh. Nagpapakita iyon na ngayon, hindi na natin pwedeng balewalain ang lagay ng panahon?

MAR: Nagpapakita iyon na ang global warming ay dumating na nga dito. Nasa kalagitnaan tayo ng summer tapos bigla na lang uulan ng malakas, magkakaroon ng malalakas na hangin, ng makakapal at mabababang clouds, nagpapakita ito na ang global warming ay talagang nandito na. Hindi na natin maaasahan ang dating normal na pahahon.

Q: Nagpapaalala na lang ito sa inyo na kailangan doble ingat na lang?

MAR: Oo naman. Nagpapasalamat nga tayo sa lahat. Una, sa concern na ipinakita niyo. All's well that ends well. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nag-text, sa lahat ng tumawag. Nandun kami, lumilipad. Kahit na aswang ako at sanay na lumilipad, ninerbiyos din ako. Wala ka ng makita, makapal ang ulap at malapit kami sa bundok ng Arayat. Kaya inikot ng piloto at ni-landing sa palayan kasi ayaw niyang mabunggo kami.

Q: For a while there, natakot ka ba?

MAR: Nung una nag-iikot lang kami. Nung sa dulo na lang kasi hindi naman nagsasalita 'yung piloto eh. Napuna ko na lang, 'bakit tayo umiikot?' So tinanong ko, bakit tayo umiikot tapos ang sabi nga, wala kaming makita eh. Ah ganun ba. Alam naman niya kung ano ang ginagawa niya,

Q: Hindi ba sumagi sa isip niyo 'yung nangyari dun kina Usec. Jocap?

MAR: Sa totoo lang, hindi naman kasi ako isang piloto o sanay sa ganito. Hindi ko naman talaga akalain na nasa dangerous kami na situation. Kasi Central Luzon eh. Ano ba ang babanggain mo? Tapos yun pala, yung bundok ng Arayat, tapos yung ihip ng hangin, tapos yung zero visibility pa, baka may mga wire or kung ano pa. Kaya nilanding na lang niya hanggang sa lumipas. Lumipas naman after a while.

Q: Upon landing safely, sino ang una niyong tinawagan?

MAR: (Laughs) Sa tuwa na everything is okay, walang dahilan para tawagan kahit na sino. Sa totoo lang, ang tinawagan ko, 'yung function na pupuntahan ko. Kasi naghihintay sila. Tapos yun, si Korina at iba pa, in case na makarinig kayo na hinahanap kami o ano pa man, safe naman kami. Kasi may naghihintay dun sa (Hacienda Luisita) eh. Siyempre, nag-take off, tapos hindi nag-landing. Siyempre mag-aalala sila.

On Sarangani Economic Zone

Q: Sir, 'yung dun sa Sarangani Economic Zone, isa-submit niyo na ba for sponsorship?

MAR: Itong MAKIMA-IT, Maitum, Kiamba and Maasim Industrial Triangle in the province of Sarangani, magkakaroon dito ng eco-zone. Sinusuportahan natin ito dahil ang laki na ng gastos natin sa GenSan airport. Ang laki na ng gastos natin sa South Cotabato sea port. Pang-international ito eh. USAID ang gumastos dito, Japanese government. Yung 4-lane highway magmula GenSan, South Cotabato all the way up north, Sultan Kudarat, ang laki rin ng gastos natin diyan. So, maganda na mabibigyan natin ng ecozone itong area na ito, both sa GenSan, sa may airport side niya, at sa Sarangani dun sa production side niya nang sa ganun mag-locate naman ng mga pagawaan, mga pabrika dun, magkaroon ng trabaho. At magamit natin, ma-maximize natin, 'yung malaking gastos na nilaan natin dito sa mga ports na ito.

Q: Sir, anong relationship nito sa economic development sa Asean?

MAR: Maganda ito dahil hindi na kinakailangan na dumaan pa sa Manila itong mga produktong ito, rekta na sa tinatawag na BIMPEAGA - Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines East Asia Growth Area. Magtre-trading na among the countries. Mas malawak kasi ang Mindanao sa Sabah, sa areas of Indonesia kesa kung dadaan ka sa Manila.

Q: Ano ang mga special products na ifo-focus sa ecozone na ito?

MAR: Kung ano ang mga angkop sa produkto nila. They are basically agro-industrial. Wala namang maglalagay ng semi-conductor facility dun. Ang maglo-locate dun yung mga pagawaan na magre-resort sa natural resources of the area.

Q: Revenues and tariffs? Yung export under ASEAN?

MAR: Binibigyan natin ng incentives para mag-locate dun. Pino-promote natin din natin dito ang export to ASEAN.

On Daniel Smith's acquittal

Q: Reaction on acquittal of Smith

MAR: Well kinalulungkot natin ito pero ito ay natural na bunga ng pagre-retract ni Nicole nung kanyang statement. Kung ang biktima mismo nagsabi na hindi nangyari ito.

It's an expected development kasi ang pangunahing biktima ay siya mismong nag-withdraw ng statement at reklamo, natural na ito din ang magiging husga ng korte.

Kinalulungkot natin ito kasi mukhang may kwestiyon 'yung circumstances kung paano niyang ni-retract ito. Pero nandiyan na tayo eh.

Ang importante dito, ang matuto tayo dito sa leksyon na ito. Na iisa lang ang batas dito sa ating bansa. Hindi mahalaga kung blonde ka, matangos ang ilong mo, kung blue-eyed ka, maputi ang kutis mo, iba na ang batas na para sa iyo kesa sa mga pango at maitim ang kulay ng kutis. So, iisa lang ang batas dito. Sa kailangan matuto tayo dito, na kahit ano pa ang nangyari, kahit sino pa ang nahuli, iisa lang dapat ang batas na umiiral.

Hindi ko gusto ang nangyari na convicted na itong si Smith pero nagkaroon ng special treatment. Ganun din ba ang mangyayari sa ibang na-convict ng rape?

Q: Kailangan ba talagang i-review ang VFA following this incident?

MAR: Nakita natin na ang kahinaan dito, kung meron mang kahinaan ang VFA. Pero ang mahina dito, iyong implementation ng ating justice system, na nagkaroon ng ibang uring hustisya para dun kay Smith kumpara doon sa mga nahuli o nakasuhan na mga rapists. Siya nagkaroon ng special treatment. Para sakin 'yun ang kailangan natin ayusin. Dito sa ating bansa, iisa lamang ang sistema ng katarungan.

Ang executive branch ang nag-interpret. So dapat mangibabaw ang Pilipino dito sa ating bansa. Saan ka nakakita na dito sa ating bansa, tayo pa ang lugi, tayo pa ang talo? Hindi naman maaari iyan.

On Gordon's statement on presidentiables with TV ads

Q: Sir reaction sa sinabi ni Gordon na hindi dapat iboto 'yung mga presidentiables na maraming ads? Unang nagsabi ang PPCRV...huwag iboto ang mga politicians na involved sa premature campaigning?

MAR: Nasa kanila iyon. Karapatan ng PPCRV na magkaroon ng pananaw, irerespeto natin sila. Ang sa akin naman, ipinaaabot ko lang sa ating mga kababayan ang ating mga problema, ang ating mga ipinaglalaban, at kung paano natin isusulong ang ating bansa.

Q: Sabi ni Gordon violation daw ng batas iyon?

MAR: Ang Comelec mismo ang nagsabi na walang violation dun. Di ba may nag-file na dati.

Q: Yung ads mo hindi iyon premature campaigning?

MAR: Hindi. Wala naman sinasabing iboto...

Q: Gordon is saying that Comelec is lying for saying na walang bina-violate na batas iyong mga ads...

MAR: Ako susunod sa kahit anong batas, sa kahit anong reglamento, na ating pinapairal. Wala pong nagbabawal nito, ang Comelec na mismo ang nagsasabi na hindi ito labag sa batas. So susundin natin kung ano ang sinasabi nila. Masunurin po ako sa batas.

Q: Simpleng pagpapakilala lang, pagsasabi lang ng advocacy ang mga ads mo?

MAR: Sa panahong ito na sobrang dami ng pagsubok na sumasagupa sa atin, parang reaching out ito na huwag tayong mawalan ng pag-asa, na sama-sama tayo, lalaban tayo. Nang sa ganun ay maisulong naman natin at mapaunlad ang ating bansa.

News Latest News Feed