Press Release
April 28, 2009

Transcript of radio interview with Senate President Juan Ponce Enrile

Q: Can you give an overview , Mr. Senate President , ano po ang nilalaman nitong pagbabago sa EPIRA n'yo?

SP: Pag na aprubahan ng House of Representatives yang tatlong panukalang batas na 'yan, una yung amendment ng EPIRA, yung panukala na gawing franchise tax yung vat ng distribution utility kagaya ng Meralco, tapos yung bahagi ng gobyerno dun sa kinikita sa Malampaya town ay gagamitin upang ibaba yung presyo ng kuryente sa bansa ay malaki ang ibaba ng presyo ng kuryente sa Pilipinas. Ngayon, bakit po yung EPIRA, tinanggal namin yung karapatan ng mga NAPOCOR at distribution utilities na singilin ang mamayan dun sa tinatawag na stranded cost nila. Yung lugi nila dahil sa mga pinasukan nila na kontrata ng IPPA. Ganun din yung mga standard debts. Hindi kasalanan ng bayan iyon. Bakit kakargahin ng bayan yung kamalian ng gobyerno? Pangalawa, yung conviction upang magkaroon ng open access yung pwedeng i-resume at magpakabit yung malalaking gumagamit ng elektrisidad sa mga nag po-produce ng diretso , binabaan namin yung kondisyon para sa ganoon ay maipatupad yung bagay na iyon sa madaling panahon. At saka yung Anti-Trust Law, nilagay namin.

Q: Napaka-importante po ng mga ito. At sana nga ay mabilis ang pagpapatupad at pagpapaayos ng mga ito.

SP: Bahala na yung House of Representatives diyan.

Q: Sir, tapos na ba po sa Third Reading ito or nasa Third Reading na po, or tapos na sa Senado?

SP: Tapos na ng Third Reading yan. Aprubado na namin iyang amendment ng EPIRA at yung dalawang panukalang batas, inaantay namin yung aksyon doon sa House of Representatives sapagkat mayroon mga counterpart bills iyan na na-file sa House of Representatives.

Q: Ang sinasabi po ng Department of Finance ay baka raw maapektuhan yung ating budgetary deficits.

SP: Aba , hindi iyon, konti lang iyon. Mayroong downside iyan sa collection nila pero mare-recover naman nila iyon dahil 'yung malilibre na pera sa mga kamay ng consumers ng elektrisidad ay gagamitin nila sa pamimili ng mga produkto o kaya gagamitin sa transportasyon at may buwis lahat iyon.

Q: So , makakabawi?

SP: Makakabawi sila kung ginagamit yung kanilang coconut.

Q: Sir, if they don't lower the cost of doing business in the Philippines, people will go out of business and they will have no taxes to collect.

SP: That's correct. If they will make electricity too expensive for industries in the country, they'll all go to China.They will all go abroad. It will be the lost of the government. Not only that , these very people will go very hungry.

Q: Iyon nga po ang reklamo ng mga investors, ang taas ng power rate dito sa Pilipinas.

SP: Iyon nga, ang sabi ko sa mga kasama natin sa gobyerno ay dapat gamitin natin ang ating sintido kumon, parang negosyo iyan. Simulan natin kung ano ang nakakabuti at huwag lang yung kinikita natin.

Q: Tama po iyan. Dapat ipasa na bago matapos itong kasalukuyang kongreso, Mr. Senate President.

SP: Ipapasa na namin yung tatlong panukalang batas na iyan. At madali yung trabaho namin ngayon, mabilis.

Q: Ito pong ibang mga priority bills kagaya ng CARP at iba pa, kasama po?

SP: Yung Anti-Trust Law, pa-file ko na rin 'yung committee report.

Q: Meron palang Anti-Trust?

SP: Meron at ginawa ko na at pati yung bill to regulate the marketing of herbal medicine.

Q: Importante po iyan, you regulate the marketing of herbal medicine. Kasi po ngayon hinihingi natin sa BFAD na mayroon silang labeling na hindi nakakagulo na dapat tagalugin po yung "No therapeutic value"; walang pinatutunayang nakakagaling.

SP: Kailangan meron tayong batas na magpapataw ng standard quality ng herbal medicine para sa ganoon, marami nagsasabi diyan na nagbibigay ng lunas sa sakit at gumagastos ang taong bayan pero walang ka kwenta-kwentang produkto.

Q: Senate President, ang mamahal po nung mga binebentang produkto na iyon.

SP: Sinasamantala nila yung mga taong bayan. Ok lang sa akin magnegosyo pero huwag naman natin lokohin ang publiko.

Q: Mr. Senate President maraming salamat po sa inyong oras at more power to you.

SP: Salamat din.

News Latest News Feed