Press Release
May 5, 2009

Transcript of interview of Senator Chiz Escudero

On Pacquiao's forming of political party

Karapatan ninuman kabilang si Pacquiao na sumabak at lumahok sa larangan ng politika, hindi ko lamang masisisi ang marami na nagsasabing mas maganda sana na bigyan pa rin niya ng tagumpay, panalo at kakayahang magmalaki ng Pilipino sa pamamagitan ng pananatili niya sa larangan ng sports partikular sa larangan ng boksing. Kakaunti na lang sa mundong ito ang pwedeng ipagmalaki ng Pilipino, isa na siya roon at sana hindi kaagad mawala sa larangan yan.

So you'd rather hindi na lang siya tumakbo sa politika?

Bagaman karapatan niya 'yon at bagaman hindi ako rehistrado sa tatakbuhan niyang lugar, mas maraming Pilipino ang mas gusto, pumasok man siya o hindi sa politika, sana manatili pa rin siya sa kanyang piniling larangan ng boksing, dahil maliban sa tagumpay at taas-noong pakiramdam na binibigay nito sa Pilipino, ito na lang ang kakaunting tiyansa na nagkakaisa tayong lahat, babae o lalaki, oposisyon o administrasyon, pula o puti. Kapagka may laban si Pacquiao lahat tayo ay sumisigaw at pumapalpak para sa kanya.

Mayroon kayang nakapaligid sa kanya na nag-uudyok?

Hindi maiiwasan may nag-uudyok palagi, madalas yung mga bulong-bulong sa tainga ninuman ang nakakasira sa isang tao subalit sa dulo desisyon pa rin niya yan at kung ito ang pasya niya, hindi dapat isisi sa iba pa yan, desisyon personal niya yan kung saka-sakali.

Sa tingin nyo yung popularity niya transferable to whoever he may endorse sa pagka-presidente?

Survey lang ang pwedeng makapagsabi niyan at pinakamalapit na hula lamang yon, sa ngayon hindi pa natitimbang yung endorsement value na maaaring ibigay ninuman kabilang na siguro si Manny Pacquiao. Ang pagdesisyon kung tatakbo o hindi ang sinumang tao para sa anumang puwesto, personal na desisyon yon. Let that be the true test and first test of leadership of a candidate. Akuin niya ang desisyon at personalidad sa pagtakbo, huwag ipasa kaninuman, huwag yung pagka-nanawagan ang sambayanan, kapagka hiniling ng taong bayan. Desisyong personal yon ng sinumang nagnanais kumandidato para sa anumang puwesto.

So walang assurance?

Wala, may mga popular na hindi kayang magbigay ng endorsement value, minsan may hindi naman popular na kayang magbigay ng endorsement value.

Will you seek for his endorsement?

Hindi kami masyadang magkalapit, magkumpare kami, kinuha akong ninong sa isang anak (Queen Elizabeth) niya subalit hindi kami nakadalo, nagpadala na lamang kami ng tatayo bilang ninong, pero hindi pa kami personal na nagkakakilalanan.

Pacquiao as part of peace panel/adviser

Pangulo lamang ang pipili nyan, depende yan kay GMA. Kaugnay ng pagiging peace adviser, ginamit ng formula yan ng administrasyon, pinili yung mga popular at sikat na tao bilang peace adviser, ang dapat sigurong piliin natin yung nakakaintindi at nakakaalam ng ugat at pinagmulan ng problema ng rebelyon sa ating bansa, mapa-NPA man, mapa-MILF o Abu Sayyaf maganda yung nakakaalam sana ng kasaysayan ng mga grupong ito at kung ano talaga ang ugat ng problema. So hindi sapat yung popularidad?

Ginawa na natin yan hanggang ngayon may rebelyon pa rin, may insurgency pa rin sa ating bansa, kung hindi umobra, tumesting naman tayo at sumubok naman tayo ng iba.

Sa infomercial sir?

Maraming nairita at nagalit sa dami ng commercial nong laban ni Pacquiao, maikli na nga yung laban mas mahaba pa ng times ten yung commercial kaysa doon sa laban na anim na minuto halos ni Pacquiao at ang mas kuwestiyonable pa siguro dito, yung perang ginastos para sa advertisement. Mahirap na nga ang gobyerno, masama na nga ang ekonomiya, magandang malaman at matimbang, ang advertisement ba ay para sa policy at programa ng gobyerno o ito ba ay para isulong ang popularidad o kandidatura ng sinumang nagnanais tumakbo? Kung personal na pera ang ginagastos sa advertisement masewerte sila at mayaman sila at pinanganak silang mayaman, subalit ibang usapan at ibang usapin kapagka pera at pondo na ng gobyerno ang ginagamit. Noong budget deliberations tinutulan ko hanggang kaya ko ang gastusin ng gobyerno para sa advertisement sa paniniwala na tulad ng ibang kumpanya, kapagka may economic crisis, dapat ang ang seryosong pinag-aaralang alisin ay advertising expense. Ganoon din sana ang gobeyrno lalong lalo na kung titingnan natin ang epekto ng advertisement, ito ba ay nakakatulong sa adhikain ng gobyerno o nakakatulong sa kandidatura ng isang tao?

Marami pumunta sa ad ni Secretary Teodoro, partymate n'yo sa NPC na sinasabi na baka ginamit din ang pondo ng gobyerno.

Magandang magkaroon ng transparency at disclosure hindi lamang sa kanya, napakaraming opisyal ng gobyerno ang nag-aadvertise ngayon, sa executive man o sa legislative branch, obligasyon ng bawat isa na ideklara at sabihin at maging transparent. Saan ba galing ang pondo? Hindi porket ginamit ang pondo ng gobyerno ilegal na agad. Marapat na ipaliwanag at i-justify bakit ginamit ang pondo ng gobyerno para dyan. Sabihin na nating isang milyong ang ginastos na pondo ng gobyerno para dyan, maganda itanong ng samabayanan, sa isang milyong yan ilang sakong bigas ba yan na pwedeng ipadala sa mga tinamaan ng kalamidad sa Bikol? Sa isang milyong yan, ilang bahay na sana ang nagawa para sa low-cost housing? Sa isang milyang yan ilang OFW na ba ang napauwi natin o kaya nating mapauwi gamit ang perang yan? Government is about allocating scarce resources, sa iyo man o sa gobyerno dapat gamiting nating batayan yan kung tama ba ang paggastos natin ng pera, lalong-lalo na kung ito ay pera ng gobyerno. Saan dapat i-explain?

Budget deliberations ang tamang panahon para gawin yan, na papasok at parating na sa darating na Hulyo.

Darating ba yung saturation point na yung publiko will get fed up...

Huwag nating payuhang tama baka biglang tama pa ang gawin....

Sir last elections eight out of ten top spenders sa ads talo...

Kada election nagbabago at depende rin naman sa advertisement at depende rin naman siguro doon sa inaadvertise. Hindi porket nag-advertisement ka ay agad na aangat ka, uulitin ko depende sa inaadvertise at depende sa klase ng ina-advertisement. Hindi yan question ng paramihan. How about sa ads ng ibang individuals, hindi nyo ba kinukwestyon yon?

Walang legal na question pero may karapatan siguro na magtanong ang marami na magkano ba ang ginastos diyan at kung ginastos na lamang sana bilang aktuwal na pagtulong baka mas maraming tulong na naibigay kaysa sa advertisement.

Kahit hindi government officials, kahit private individuals, hindi ba't nakasulat sa Bibliya, kapagka tumulong ka hindi dapat alam ng kanang kamay ang ginagawa ng kaliwa. Kung mas may tulong kang maibibigay nang hindi mo ina-advertise, mas malaki ang makukuhang mong kapalit kung saka-sakali sa langit at tulong na maibibigay sa tao.

Gaano kahalaga sa isang tumatakbo yung isang infomercial?

Palaging mahalaga yun dahil nagbibigay ng awareness, nagsasabi at nagpapaliwanag sa mga tao ng paniniwala nila, pero tao pa rin sa dulo ang titimbang, nagustuhan ba niya yung nakita niya, mukha bang totoo at kumbinsido ba siya o hindi.

Even before Pacquiao fight may mga infomercial na dapat din silang maging transparent Partikular yung mga opisyal ng gobyerno, yung PAGCOR halimbawa, ang dami nilang charitable works daw, magkano rin ba ang ginagastos nila sa advertisement? Eh yung nagsusugal naman sa PAGCOR hindi taga dito at walang panahon manood ng TV dahil palaging nasa casino, so para saan at para kanino yung advertisement? Magkano na ba ang ginastos nila sa advertisement at kung binili na lang nila ng gamot yon ilan na ba sana ang napagamot nila? Kung nilagay ba nila na pang-improve sa facility ng ospital, ilang opsital na ang naayos nila? Magandang maging debate, pagdebatehan at timbangin yan, dahil babalikan ko nga, government is about allocating scarce resources. Dati nang kulang, gastusin natin ng tama.

How about sa commercial ng mga 'wannabes'

Sarili nilang pera yan pero ang tanong ko nga don mas may maitutulong yon kung rekta nilang gagamitin pantulong, sa kalamidad, pag-uwi ng mga OFW, paggawa ng bahay, pagpapagamot, hindi ba, palagi mong dapat timbangin yon don at dapat tanuning yung tanong na yon dahil hindi pa naman panahon ng kampanyahan eh, kung panahon na siguro ng kampanyahan don na siguro ang tamang gastos nyon, pero sa panahong ito baka mas may importante at may pwwedeng pagkagastusan.

Sa pagpapalabas ng ads hindi yung advocacy mismo they tend to trivialize it...

Walang batas tungkol dyan na tumitimbang, sa 30 seconds na advertisement ilang sigundo ba ang programa at ialng segundo ang personal, sa 30 second advertisement kailangan ba talaga yungmukha nong agency head o hindi, mayrong bang ibang paraan na pedeng mailahad ang program ng gobyerno nang hindi pinapakita ang mukha nong agency head. May kaibahan ba kung may planong tumakbo o walang planong tumakbo yung agnecy head, may kaibahan ba kung malapit na ang eleksyon at malayo pang mag-electino at gaano ba katagal dapat. Wala tayong guidelines at regulatino tungkol don, kailangan manggaling sana ang policy, kailangang manggaling sana yung guideline sa executive branch sa pagpapatupad nila ng budget na inaprub ng Kongreso o kailangan sa pamamagitan din ng batas manggaling din sa Kongreso, papaano ba, mahirap kasing isabatas dahil para mabago yan, amendment na naman ang gagawin, hindi tulad ng policy depende sa sitwasyon ay pede kang maglabas o maglahad ng pagbabago.

Yung sa napag-iiwanan ka dahil marami na ang lumalabas (na ad)

Hindi tulad nila hindi naman akodeklaradong kandidato, sila deklarado na, pangalawa hindi naman karera ng kabayo ito kung saan kung sino ang unang tumakbo ay siya na palagi ang mananalo. Kung legislation matagal kumpara sa policy na ilalabas ng executive tungkol sa infomercial Matagal at para baguhin, kasi yung pangangailangan nagbabago eh, paano kung mayroon kang popularity, may credibility at integridad na head of agency na wala namang balak tumakbo, bakit hindi siya ang gamitin mong spokespoerson, hindi ba nagbabago yung pangangailangan at panawagan ng panahon, kung batas baka mahirap baguhin yon at baka masdyado mo ng tinatali yung kamay ng gobyerno. Kugn administrative order o kung memorandum circular pede mo pang mabago by way of exception yung pedeng campaign or ad campaign na gawin ng gobyerno para isulong ang isang programa.

Para i-set yung parameters kung ano lang ang dapat

Kung no lang ang pede, kung anong programa ba ang inaadvertise, nakaplano ba talaga, hindi ba ang isang kumpanya kung nagsisimulaa ng fiscal year nagpplano sila, aling produkto ba ang iaadvertise natin sa TV, alin ba ang sa TV at radyo, alin ba ang radyo lang, alin ba ang hindi muna natin iadvertise dahil okay naman na, ni walang ganong plano ang gobyerno, katulad na nga lang yung nabanggit nating PAGCOR, bakit ka mag-aadvertise sa TV eh yung nagsusugal hindi naman nanonood ng TV, palaging lamang nsa loob sila ng casino at karamihan ng mga nagsusugal ay sabi ng PAGCOR mismo at mag foreigner, bakit ka magaadvertise sa local TV, magadvertise ka kung gusto mo sa labas, sa foreign channels, so depende sa objective, depende sa rason, depende sa dahilan.

Sa report na possible split up sa NPC kasi ilang kayong may balak tumakbo

Nagmeeting lamang kami last week, hindi pinag-usapan, ni hindi lumabas sa anumang usapan yon (taga NPC daw mismo ang source ng balita), mahirap makipagdebate sa multo, maganadng kausap at kadiskusyon tao, (wala kayong nararamdaman na may tendency na magkakahiwalay) ayokongmagsalita para sa partido, hindi naman ako spokeperson pero personally wala akong nakikitang rason at dahilan.

Wala akong nakikitang dahilan, nag-oposisyon ang NPC, nagadministrasyon ang NPC sa mga nagdaang panahon, hindi namannagbago ang numero namin, hindi tulad ng ibang partido na lumalaki kung kumakampi sa administrasyon, lumiliit kapagka kumakampi sa oposisyon. Ang numero ng NPC natesting na sa pagbayo ng panahon, hindi lumalaki o limiliit, depende sa ihip ng hangin. (ilang members) More or less 40 congressmen and about 20 governors. (May ligawan na ba para paatrasin kayo) nakakalungkot at nakaktuwa yon dahil walang kumakausap sa akin... Wala pa kasing opisyal na posisyon ang partido, individual meron... ayokongmagsalita para sa partido. Ayaw ko ringmagsalita para sa kanila.

Pacquiao in politics

Karapatan niya yon namagtayo ng partido pero marami nga ang nagsasabi, sang-ayon ako, malaking honor ang binibigay niya sa bansa sa ginagawa niya sa larangan ng boksing, pumasok man siya o hindi sa pulitika sana manatili pa rin siya sa larangang yon at bigyan pa rin niya tayo ng rason na magkaisa maski sa loob lang ng dalawang round... kasi pagkatapos ng boksing away-away na naman eh, hindi ba yung natalo sa pustahan mag-aaway na yon, pero habang nagboboksing tahimik lahat, pati magnanakw nag-leave eh... Desisyon nya yon kugn kaya ba niayng balansehin eh, yung trabaho niya bilang opisyal ng gobyerno at bilang boksingero. Hindi pa rin naman natin alam kung magreretire na ba siya pagpasok niya o hindi.

On the case of Jun Lozada...

Sa kaso ni ginoong Lozada, nalungkot ako nang hindi pakinggan ni Mike ang panawagan ko sa kanya na iatras yung kaso. Alalahanin natin na sa ilalim ng criminal justice system, every accused is entitled to every other man's evidence. Ibig sabihin non, idemanda mo nang kriminal na kaso ang sinuman, may karapatan siyang magpatawag ng testigo na maaaring magpatunay na wala siyang kasalanan. Kung ang nais ng gobyernong ito ay palakihin ang issue, sakanila yun. Subalit ginagalang ko ang desisyon ni ginoong Lozada na hindi magpost ng bail. Ika nga niya, gusto nyo ako magpakulong, at noong nagpakulong ako, ngayon pinipilit nyo naman ako magbail. Gusto nyo ako idemanda, nagpademanda ako, ngayon nyo naman magpiyansa ako. Wala na silang pakialam doon. Pwedeng gawin ni ginoong Lozada bilang isang akusado ang nais niyang gawin. Kabilang na doon ang hindi pagpiyansa.

On lawyering for Lozada...

Magagaling at supisyente ang mga abogado ni ginoong Lozada sa pamumuno ng mga flag lawyers, at wala akong rason para pagdudahan ang kanilang mga kakayanan. Dahil kung papansinin mo, unang nadismiss yung kaso eh, o naappeal lamang na nareverse yung kaso.

Pinasalamatan niya, pero meron na. At hindi rin tama para sa abugado, parang doktor, yung mag ambulance-chasing. Yung alukin mo ang serbisyo mo, hindi tama yon.

Maghi-hearing yata sa Huwebes o Biyernes. Maliban doon, may resolusyon na cini-circulate sa Senado, para gawing official act ng Senado. Kasi yung petisyon as individual senators hinihiling namin. Iba parin yung bigat na pwedeng ibigay kung ang Senado, bilang isang institusyon ang magsasabi.

Kaya nga pinapadaan sa motion. Hindi naman namin sinabi na 'amin na yan.' Hindi naman namin pinadala ang Sergeant of Arms para sunduin siya sa Manila City Jail. Dumadaan ang Senado sa proseso ng husgado. Kaya nga sa pamamagitan ng motion o petition, hinihingi ng Senado ang custody. Patunay ito na ginagalang ng Senado ang jurisdiction sakanya.

Tulad ng dati, nasa ilalim naman siya ng custody na Senado pero sa La Salle siya nakatira. Ang depinisyon lang ng custody sa issue na ito, kapag kailangan siya ng Korte, ippresenta sya ng Senado sa Korte, at ina-undertake ng Senado na gagawin yon kapag kailangan.

Ano yung justification for holding Lozada...

Depende sa Senado. Pwedeng under the protective custody pa rin siya ng Senado bilang isa sa mga naging testigo ng Senado dahil sa kapalpakan at kawalan ng applicability ng witness protection program sakanya.

Yung resolution, anong weight nito?

Iba yung weight ng resolution na Senado ang humihingi ng custody bilang testigo ng Senado doon sa individual na Senador na hinihiling yun bilang individual na Senador. Malayong mas mabigat ang Senado dahil institusyon at nasa custody naman siya ng institusyon technically bago siya inaresto.

Sympathy...

Inggit nalang yung nagsasabing nagkakasimpatiya siya. Ano ba naman ang masamang magka-simpatiya ang isang tao? O magbigay ng simpatiya sa tao?

Anong pwedeng gawin ng Senado eh wala pa namang warrant of arrest? Pangalawa, hindi naman natin gustong magbanggaan at magkaroon ng constitutional crisis yung binabanggit mo kanina na itatapat ng Senado sa Sergeant at Arms nito sa mga pulis na gustong humuli sakanya. Hindi natin gusto ng ganoong klase ng gulo kaya ang tanging paraan para magawa yun ay dumaan sa husgado.

The resolution being circulated, hinihingi ba yung custody o for the Senate to...

For the Senate through its lawyers to ask for the custody of Lozada on recognizance while the case is ongoing. So sinusunod at ginagalang parin yung proseso ng Korte.

Pag-inhibit...

Ang pag-inhibit ay voluntary decision ng sinumang senador, at hayaan mo ang taong humusga kung may kinikilingan ba sila o wala. Kasi dalawa yung pinapa-inhibit na kakampi ni Villar, at dalawa din na ayaw kay Villar, tama ba? Una, ano bang kina-espesyal? Pag ikaw ba ay presidentiable, ibang batas na ang mag-aapply sayo? Sinumang presidentiable, Pilipino at tao parin. Hindi ibang batas ang mag apply sakanya. Pag presidentiable na ba ang isang tao hindi mo na pwedeng atakihin? At pagka inatake mo, namumulitika ka na? Biglang strikto ba ang pagpapatupad ng rules at hindi tulad ng pag imbestiga ng Senado sa ibang tao? Hindi ba't dapat nga kabaliktaran ang totoo? Sinumang presidentible dapat ilagay sa ilalim ng magnifying glass at microscope kung saan bawat galaw, tignan at pag aralan para magamit ng mga tao sa pag timbang kung siya ba'y karapat dapat o hindi. Hindi ako sang ayon na kapag presidentiable ang isang tao, hindi na pwedeng imbestigahan, tanungin o kwestiyunin. Mas dapat ngang bukas sya sa anumang tanong o imbestigasyon sinuman siya dahil mas mataas ang pinaglalaban nating karapatan dito, yung karapatan ng institusyon na mapanatiling maganda at malinis ang pangalan nito. Mas mataas ito sa maski sinumang senador at sa ambisyon ng sinumang tao.

Political hearing sa committee...

Sensitibo ang mga senador kaugnay sa bagay na iyan at maski ako ay hindi papayag na maging unfair at unjust ang pagkinig sa kahit sinong senador. Ang taong bayan mismo ang maghuhusga samin.

Yung kay Pacquiao...

Hindi naman quarantined ah. Kung iq-quarantine ang ordinary pasahero, dapat i-quarantine din sila. Kung hindi qina-quarantine yung iba, walang rason para iba din ang pagtrato sakanila. Ang basehan naman pag iq-quarantine o hindi, may lagnat ka ba o wala? Diba sa airport mayroong temperature gauge? Ang problema ko lang sa ganyang uri ng pag-test, ang incubation period niyan ay isang linggo. Paano kung wala kang lagnat pag uwi mo, nagkalagnat ka lang pagkatapos? Wala nang paraan para malaman pa iyon.

On GMA's Europe trip, may krisis pero...

Panahon na para mahiya ang gobyerno sa tinatawag nating austenticious display of wealth, sa panahon ng taghirap mahiya dapat at matutong mahiya ang gobyerno. Ang problema imbes na mahiya lalong pang pinapangalandakan sa ating lahat at tila pinagyayabang sa ibang bansa na bagaman mahirapa ng Pilipino sa pagbisita ng presidente dyan nasa pinakamahal na hotel titira yan. Dapat mas maging sensitibo at magkaroon naman ng kaunting hiya ang gobyerno pagdating sa paggamit at paggastos ng pera ni Juan dela Cruz.

Sir hindi na noticeable ang sunod-sunod na byahe ni GMA

Oo at pinagmamalaki palagi daw yung mga investment na nakukuha niya pero itong mga investment na ito ay puro pangako lang, wala pa naman yung aktuwal na pagpapatupad at matupad man baka matagal pa. At kung titimbangin talaga natin at gagastusin natin ng tama ang pondo ng gobyerno pede ba yung dalawampu sabihin niya kung ano yung eksaktong trabaho na gagawin don, sa kanyang opisyal trip at ng malaman natin sulit ang bayad ng gobyerno sa pagpapadaal sa kanila doon.

News Latest News Feed