Press Release
May 14, 2009

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE AT SENATE LOUNGE
SENATOR MANNY VILLAR

Sen. Villar : Nag-Press Conference tayo dun sa Office of the Senate President kung saan sinagot ko yung isyu on C5. Kaya pagkatapos nun medyo nagtataka ako kung bakit meron pang mga nagtatanong na hindi pa raw ako sumasagot, pero karamihan dito andun din. Nung unang araw pa lamang na ako ay inakusahan dito, sinagot ko na yan at two or three weeks ago, ako ay sumagot din, nagdeliver ako ng speech sa Senado at sinagot ko na naman yung C5. Gusto ko na ring liwanagin dahil meron pa ring nagtataka na hindi pa rin daw ako sumasagot pero lahat naman ng interviews ko, lahat naman ng speeches ko sa buong Pilipinas ay ipinapaliwanag ko yan pag ako'y tinatanong. Ngayon, pangatlong beses na dito sa inyo ay makikita nyo na naman sasagutin ko na naman itong C5, sana pagkatapos nito ay wala nang magsasabi na hindi tayo sumasagot o hindi tayo nagpapaliwanag. Kaya lang siyempre yung mga iba naman ay hindi talaga makikinig, parang yung mga nagtutulog-tulugan hindi mo talaga magigising. Alam po niyo nagsimula ito sa "double entry" na sinabi ako daw ay naglagay ng 200 million na dagdag at kukunin ko daw yun at meron daw anomalya dun. Nagkaroon ng imbestigasyon, pumayag ako maski na ako ang pangulo ng Senado, nagkaron ng imbestigasyon ang Committee on Finance at ang mismong Chairman sinabi na wala siyang makitang mali dun sa isyu na yun kaya ako'y masaya na. Pero siyempre may mga taong gusto pa ring palakihin na naman. Ito ethics na naman, parang double jeopardy na ko dito, pangalawang ulit na ko dito e natanong na ito nung unang hearing pa lang ng Committee on Finance at ngayon nga maliwanag na yung double entry ay wala dahilan sa dalawang project ang pinaglagyan nun. Yung unang 200 million ay flyover sa Sucat at yung pangalawa ay flyover sa Coastal Road Nais kong ipaliwanag rin na ang total funding diyan sa C5 ay 4.393 billion kasama na diyan yung mga construction roadways, bridges & flyovers at 1 billion pa lamang ang naire-release, 400 million ang magiging available sa 2008 at meron na namang 187 million na pino-propose sa 2009. Ang balanse pa po nitong C5 ay 2.8 billion pa so wala hong anomalya, walang corruption, walang double insertion. Yun pong unang entry para sa Sucat, uulitin ko, yung pangalawang flyover ay sa Coastal Road flyover. Dalawang proyekto yan, inuulit- ulit ko at ito na rin naman po ang naipakita dun sa hearing ng Committee on Finance. Maliwanag po yan dun sa isyu kung saan nagsimula ito kasi po ito yung "mother of all issues" na bini-bring up nila. At ang parang pinapalabas ay tapos na yan proyekto na yan, hindi pa po.

Ngayon ano po ba yang C5, dun sa "double entry" po, liliwanagin ko yan ang pinagsimulan ng kasinungalingan, dito napatunayan natin na kasinungalingan yan, napatunayan natin na wala yan, hindi totoo yan kaya ngayon parang hindi na nga nababanggit yung double entry pero diyan po nagsimula ang pagbibintang sa akin na ako ay corrupt. Hindi po, wala po akong kinita riyan maski piso at makikita po yang dalawang proyekto na yan ay wala pong masamang intensyon diyan at yan din po ang findings ng Committee on Finance.

Ano po ba itong C5? Ang C5 po ay isang proyekto ng gobyerno noong 1946 hindi pa po ako ipinapanganak, bagamat gusto ko po itong angkinin ay hindi po akin yun, ito po'y ginawa pa noong 1946, plinano po at ito'y hindi pa tapos. Hanggang ngayon ang tapos pa lamang ay yung hanggang SLEX, hanggang Quezon City, ginagawa pa nga ho yung Katipunan side at hindi pa tapos. Kami naman ho, yung ating mga kababayan sa Las Pinas, Paranaque, Cavite ay hindi pa tapos, naiinip na nga po kami at grabe na ang traffic, hindi po kami maka-konekta sa C5, yung portion namin ay hindi pa konektado kaya po ang mga nanunungkulan doon kasama na po ako ay nagtutulong-tulong para matapos ito. Yan ho ay magbe-benepisyo sa anim na milyon na taga Cavite, Las Pinas, Paranaque at yung mga taga Quezon City, Pasig, Makati at Taguig ay magbebenipisyo rin dahil sila ay makakarating sila sa Coastal sa Cavite. Kaya po napakaganda nito dahil pagkatapos nyan ay luluwag ang Edsa, kaya napakagandang proyekto nito. Kaya nagtataka ako at may mga taong pinipilit ang pagtapos ng proyektong ito. Marami ngang tumatawag sa akin ngayon at nagsasabi na 'wag nyo hong bibitawan ang C5 kelangang kelangan natin yan grabe na hong traffic sa Cavite ngayon,grabe na ang traffic sa Las Pinas at Paranaque at sana ho ay matuloy na, 1946 pa yan hindi pa natatapos'. Sayang ,pero wag naman po silang mag-alala dahil talaga hong sa palagay ko ay tatapusin dapat ito.

Pabayaan ninyong sagutin ko yung mga isyung narinig ko kanina, medyo hindi ho ako natuwa roon dahil sa wala naman po akong ginagawang masama, dahil sa ako lamang po naman ay gumagawa lamang ng tulong, nagbibigay ng tulong, gumagawa ng kalye , at kung bakit naman po kung sino naman sa bayan na ito yung gumagawa ng mabuti, gumagawa ng proyekto ay siya pang pinipigil. Number one po, eto na ang palagay kong kaya nakuryente ang senado rito, kuryente na naman, unang-una nagkaroon daw ng re-alignment. Hindi po, dalawa po kasi talaga itong alignment, ito'y paulit ulit na naming sinasabi. Eto ang kasinungalingan : Ang C5 Extension Project was diverted by Sen.Villar to benefit his properties in the process sayang daw yung 1.2 Billion already paid for the right of way. Yun pong sinasabi na yan ay para po yan sa original na C5,sa tinatawag pong C5, ito po ay pribado, ito po ay agreement sa Toll Regulatory Board at UEM MARA, isang pribadong kumpanya para magkaroon ng Toll Road ,may bayad po ito. Ano po ba ang kaibahan ng Toll Road saka "Surface Road" (pointing to green-marked C5 public road), ito yung pangkaraniwan. Ito po ay may bayad elevated po ito (pointing to red-marked C5 Toll Road of TRB-UEM MARA) hindi lamang maituloy. Tingnan nyo ha, itong pula ito po yung original hindi po pwedeng ma-realign yan dahil ito po ay pribado, kaya nakuryente ang Senado rito. Pribado ho yan, hindi po naa-abandon yan. Yan po in fact ay binibili ng iba pwede pong ibenta yan at pwede pong ituloy ng iba dahil yan ay may bayad, toll ho yan e. Kikita ho ang may-ari niyan, mag-iinvest siya at kikita. At ang magbabayad ho ng right of way niyan ay yung Toll Regulatory Board (TRB) kaya yung 1.2 Billion na nagastos sa right of way niyan ay para ho sa proyekto na yun. Nais kong banggitin, wala akong natatanggap dun sa 1.2 billion na yun, ipaliliwanag ko. Ito po yang pula, pansinin po ninyo na puro bahay yung dinadaanan nito, malaki ho ang problema nila kung paano nila dadaanan yan puro bahay po yan. Ito naman pong berde, ito po ang C5 Surface road, ito po yung nakikita niyo sa Quezon City ngayon, sa Fort Bonifacio, yung walang bayad, in fact nakikinabang na rito yung Monnwalk, Better Living, Multinational,Merville. Ito po yung berde, iba po yan, kung makikita niyo raw land ho yan para makamura. Hindi ho nire-realign yung pula, hindi pwedeng irealign yung pula, iyon ho ay pribado, iba ho yun. Unfortunately, kino-confuse ng nag-aakusa sa akin na ito raw ay iniba, ang sinasabi nila ay yung pula inilipat sa berde. Hindi po, iba po yon. Malaki po ang diperensya nung toll road, may bayad po iyon. At wala po kaming kinalaman diyan dahil pribado po iyan at sa berde. Iyong berde po na tinutulungan natin, libre po iyon para po iyong ating mga kababayan naman ay makinabang. So inuulit ko po, iyong kanina na double entry dalawang proyekto po iyon. Ito dalawang proyekto na naman ito. Inuulit ko po na iyong pula ay iba po sa berde. Hindi po iyan magkapareho. Hindi ginagawang pula iyong berde. Diyan po nagsimula kaya po makikita ninyo diyan na walang kalyeng binabaluktot. Ang katotohanan po ang binabaluktot nila, hindi kalye. Tingnan ninyo, wala.

Kaya noon nung magsalita ako sa Senado, nakita ninyo naman ang bilis. Simple naman. There is no re-alignment because there are two alignments. Hindi nasasayang iyong P1.2 billion bagamat wala akong natatanggap doon dahil ibang proyekto iyon, pribado iyon, may bayad iyon. Pagsakay ninyo roon magbabayad kayo ng toll. Itong C-5 Road na hindi matapos-tapos libre po.

Ito ang "schematic presentation of the C-5 project showing the original alignment." Ito po, "the breakdown of the P1.2 billion payment for right of way of property including size. The alignment being referred to with an initial payment made in the amount of P1.2 billion is the C-5 alignment of the Toll Regulatory Board," iyon pong pula, "under concession with UE-MARA." Thus the DPWH, hindi po sila kasama sa transaksyon na iyan. Iba po, sinasabi po iyan ng DPWH. Ayaw po lamang paniwalaan maski na anong ulit ko. Pero iyon po ang katotohanan, ano po ang gagawin natin?

Ito naman pong isa, may pinakita noon si Sen. Jamby, may project profile pa daw na kami ang nag-request noong alignment na iyon... iyon ay para sa isang bridge. Nagre-request sila na ma-realign iyong isang bridge dahil nakiusap ang LRTA. Dadaan daw sila. Kaya kuryente na naman. Medyo mataas po ang elektrisidad dito ngayon.

Ang valuation naman daw po, pangalawang issue, meron daw overpricing. Ang totoo po niyan, ang proseso po ng right of way ay....... kung ano ang zonal value iyon iyan. Nagrereklamo nga ang karamihan. Kaya nagkakaproblema ngayon ang DPWH... Murang-mura daw ang zonal value kaya lamang iyong ang batas kaya iyon ang dapat sundin. So wala pong overpriced diyan... Eto ang sinasabi na P30,000. Noong madiskubre ko, kaya naman pala P30,000 iyon kahit 1,400 sq.m. lang, katabi naman pala ng Shoemart at saka long Sucat na napakalaking kalye. Para po doon sa mga nakikinig sa radio, iyong Sucat po ay isang major road, sa harap po iyan. Talaga pong iba ang value kapag kaharap kayo ng major road. Ang sabi pa ho, bakit daw may katabing lupa kay Plaza, P4,000. Hindi po katabi, malayo po. Ito po hindi konektado, looban. Talaga pong ganyan ang value. Noong makita ko nga, 'hindi naman pala, resonable naman pala.' Kaya nagtataka ako, kuryente na naman iyan. Magkatabi daw. Hindi po magkatabi. Malayo po, interior lot. In fact itong kahabaan na ito, hindi ako ang may-ari niyan, P4,000 lang ang binayad dahil sa hindi siya along the main road.

Number 1, zonal value iyan. Wala namang room for renegotiation. Number 2, hindi naman unfair, reasonable sa tingin ko bilang isang nakakaintindi ng mga values. Ngayon nga sa palagay ko hindi mo mabibili ng P30,000 iyan. Ang totoo niyan sa ngayon, mahal na iyan. Kung hindi pa nga bayad iyan baka hindi na mabibili ng DPWH ngayon iyan.

In other words, hindi nalulugi ang gobyerno. Walang naluluging gobyerno. Ang nagbebenepisyo dito ay ang bayan dahil matatapos itong C-5. Fair po ang presyo at in accordance with the law. Kaya ako ay nagugulat dahil talagang pinapalaki itong issue na sa aking palagay ay wala naman po talaga. Ako ho ay tahimik na nagtatrabaho, ginagawa po namin itong mga kalyeng ito para sa kabutihan ng ating mga kababayan. Nakakalungkot naman po ang mga ganitong akusasyon, hindi man lang mag-research ng tama.

Hindi po pwedeng ikumpara ang dalawang lote kanina. Iyon pong isa ay nasa Sucat po, iyong isa naman ay nasa looban ,mas malaki. Hindi po pareho ang value noon.

Pangatlo pong issue, nagbenepisyo----mas mahirap pong ipaliwanag sa ating mga kababayan----. Pangalawa, ang mga developer, normally hindi po nagbibigay ng right of way. Subukan ninyo pong pabuksan ang mga property ng Ayala, mapapahiya kayo. Sapagkat lalong-lalo na sa Metro Manila, kapag po kayo ang gumawa ng kalye, nagiging exclusive ang lugar na iyon para sa mga buyer ninyo. Pag exclusive po iyan, mas mataas ninyo maibebenta. Kaya kapag po iyan ay binuksan ninyo sa publiko, lugi rin naman kayo o hindi nangangahulugan na mas malaki ang kikitain ninyo dahil hindi na pwedeng maging exclusive. Pwede na pong dumaan maski ang kalaban ninyo. Ang sa akin lamang, hindi kami nakikinabang diyan. Kung ang hangarin natin ay talagang kumita, mas maganda na ang exclusive kasi mas mataas ang presyo kapag exclusive. Hindi naman masasabing commercial iyan dahil hindi naman along Sucat iyan.

Kaya po iyong sinasabi na tayo po ay nakinabang diyan, ang makikinabang po dito ay ang bayan. Anim na milyong kasama ko po sa Cavite, Las Pinas, Paranaque, Muntinlupa at iyon po namang mahigit na 10 milyon din na taga-Quezon City, Makati, Taguig at Pasig at ang bayan po, iyan po ang makikinabang. Hindi po tama na sasabihing kami lamang o ako.

Ang problema po natin kasi, iyong mga nagtatrabaho at gumagawa ng mabuti, mga kalye ganyan, iyon pa ang iniimbestigahan. Ang dapat pong imbestigahan natin iyong mga walang ginagawa kung bakit wala silang ginagawa at wala sila naipapakita sa ating mga kababayan.

Ako po ay hindi naman kumikibo, hindi ako naghahanap ng away. Napakatagal ko rin pong tumahimik dahil po naniniwala ako na tayong mga nanunungkulan ay dapat naman pong magtrabaho na lang at hindi po puro na lang salita. Malaki po ang problema ng trapiko. Sa tingin ko kailangang lutasin natin iyan. Mas maraming infrastructure ang kailangan natin, mas maraming kalye ang kailangan natin, kulang pa ho iyan. 1946 pa ito hanggang ngayon pinipigil pa. sana pabayaan naman nating matapos na ito. Kaya po ako ay nagmamalaki sa proyektong ito sampu ng lahat ng mga nanunungkulan doon na tumutulong. Naiinip na po kami rito, naiinip na ang ating mga kababayan kailangan na ring matapos ito.

Uulitin ko, wala akong ginagawang masama. Wala akong nilalabag na batas. Wala akong nilalabag na konstitusyon. Wala akong ginagawang unethical. Ang tanging hangarin ko lamang rito ay matapos ang proyektong ito na napakalaking pakinabang ang maibibigay sa ating mga kababayan. Iyon lamang ang issue rito. Nagtataka ako kung bakit pinapahaba nang husto itong bagay na ito.

Nais kong banggitin din na lahat naman ng nagi-issue sa akin dito ay puro presidentiable. Lahat naman po ay kumakandidato sa pagkapangulo. Sila po ang magiging judge ko rito. Ano ba namang klaseng hustisya ang aking aabutin dito? Kaya lumalaki po ito dahil sa pinapalaki po ng mga presidentiables at ng kanilang mga kasamahan. Huwag naman po sana. Ang hiling ko lang sana ay doon na lang tayo sa labas ng Senado magkampanya at huwag nating gamitin ang oras ng Senado rito. Saan naman kayo nakakita na ang hearing sa isang Ethics case ay twice a week? Parang minamadali para bago magbakasyon ay makarami muna. Huwag naman po sanang ganyan dahil sa mahalaga rin pos a atin na igalang ang hustisya. Dito po alam ko naman na guilty ako, pustahan tayo guilty ako dito. Iyong mga judge ko rito nagdeklara na ng kani-kanilang posisyon noong nakaraan pa. hindi pa nila napapakinggan itong ating katwiran nagdeklara na sila ng kanilang posisyon. Ano pa ang pag-uusapan natin. Kung ako nga lang, magbotohan na bukas at nang matapos na iyan sapagkat nauubos natin ang oras ng Senado.

Ang aking speech ay nilagay ko sa internet, nasa YouTube. Ito ay ilalagay rin po natin para iyong mga hindi nakarinig ay magkaroon ng pagkakataong marinig ang aking paliwanag para matigil na ang ibang nagsasabi na hindi tayo sumasagot. Sagot na po ako nang sagot kaya lamang nagugulat sila dahil maikli ang aking sagot. Talaga pong maikli lang, simple lang po kasi talaga.

Walang double entry, dalawa pong proyekto iyan. Walang realignment dahil dalawa pong alignment iyan. Wala pong overprice dahil zonal value po iyan. At wala pong illegal na nangyari. Walang labag sa batas. Walang unethical. Walang mali. Ang nakinabang dito ay ang ating bayan.

Q: Hindi ka na aatend sa Committee of the Whole?

Villar: Kung ikaw, a-attend ka ba kung ang judges mo ay tapos na ang desisyon? Kaya gusto ko nang sabihin sa tao sapagkat ang tao naman ang naghalal sa akin. Gusto kong ipaliwanag diretso sa tao ito kasi sa tao siguro magkakaroon ako ng hustisya. Dito puro kalaban ko sa pagkapangulo ito. Wala akong hustisyang makukuha rito. Nakikita ninyo naman kung paano pinapaspasan ang mga rules, binabale-wala na ang lahat ng prinsipyo ng hustisya para lamang mamadali ito. Sa tao ko dinidiretso ito. Ilalagay po natin ito sa website, magdi-distribute kami ng pamphlet, ako po ay paiinterview sa radio kung gusto po ninyong magtanong, okay lamang po ito. Gusto ko pong dalhin sa tao ito diretso, hindi po rito sa mga presidentiables dahil po tapos na ang desisyon nila.

Q: Kung sa tingin ninyo guilty kayo, what will be the punishment?

Villar: Hindi ako guilty kasi kaya hindi ko iniisip iyan.

Q: Pero sinasabi ninyo na parang guilty na ang magiging verdict sa inyo?

Villar: Hindi naman. Alam mo naman dito sa Senado, kapag nasa mayorya ka abswelto ka sa Ethics kapag nasa minorya, malamang guilty ka. Dito sa Ethics nakikita ninyo naman kung paano ang voting, majority-minority. Ang bumoboto para sa akin galing sa Minority. Ang botohan dito political. Wala po itong kinalaman sa hustisya, walang kinalaman po sa tama. Ito po ay political. Ang majority po ay boboto laban sa akin, pero meron pong may kunsensya doon sa mayorya na palagay ko naman ay makikita nila ang hustisya rito.

Q: Hindi daw kayo nag-divest na mag-asawa?

Villar: Hindi po kailangang mag-divest. Under our law, hindi po kailangan ang isang legislator na mag-divest. Iba po ang rule diyan. Kapag nasa Executive Department ka kailangan mong mag-divest pero kapag legislator ka, kailangan lamang ay may full disclosure kung may conflict of interest ka. Dito wala akong nakikitang conflict dito dahil angmakikinabang dito ay ang bayan.

Q: Walang natanggap ang mga property mo na halaga?

Villar: Alam mo, hindi illegal ang bayaran ng right of way. Sabi ko nga kanina, sa ating konstitusyon, wala kang choice kapag ang gobyerno ay kinuha ang property mo. Kaya lang kapag kinuha naman ang property mo base sa zonal value, obligado silang bayaran ka. Doon sa P1.2 billion, wala kaming natanggap doon. Ayokong sabihin kasi na kapag may tinanggap ka, mali na.

Q: The Senate president said you can speak in other forums pero these are not under oath.

Villar: Kagaya ng sabi ko kanina, hindi ako naniniwalang magkakaroon ako ng hustisya diyan. Tapos na ang desisyon niyan.

Q: You want the committee to finish this...

Villar: Sabihin na lang nila ang boto nila tutal alam ko na ang boto nila kung ano. Kasi numbers game ito, hindi naman ito justice, hindi naman ito criminal hearing, political ito.

Q: Sinasabi ninyo na you will likely get a guilty verdict...

Villar: Ang sinasabi ko iyong mga presidentiables sigurado nang boboto laban sa akin iyon. Hindi ko lang alam ang iba.

Q: Kung ganoon ang mangyari, what is your remedy?

Villar: Syempre kakausapin natin ang mga abogado natin. Hindi naman ako nagwo-worry dahil ako sa tao. Tao ang naghalal sa akin, sa tao ako mananagot. Hindi naman ako mananagot dito sa kapwa ko na senador lang. hindi ko masyadong binibigyan ng halaga ito. Nakikita ko naman na base sa kanilang pagmamadali na parang binababoy nila ang rules natin, hindi ako magkakaroon ng hustisya rito kaya dumidiretso ako sa bayan. Kaya nga sinasabi ko na sa inyo sa isang press conference dahil gusto kong ilahad sa bayan diretso dahil ang bayan naman ang naghalal sa akin. Dito ako makakakuha ng hustisya dahil sila ang nakakaalam ng kahalagahan ng C-5. Sila ang nakakaalam kung anong luwag ang mararamdaman nila kapag ang proyektong ito ay natapos. Sila ang nakakaalam ng kakulangan natinsa imprastraktura. Gusto kong sabihin sa bayan na wala akong ginagawang mali, wala akong ginagawang illegal, wala akong ginagawang unethical, wala akong kinikita rito.

Q: Hindi ninyo kino-consider ang pagdulog sa Supreme Court?

Villar: Ayoko munang sabihin ang mga balak naming gawin sa mga darating na panahon. Meron kasi kaming isang grupo ng mga abogado na nagu-usap-usap dito. Sila ang bahalang magpasya kung ano ang kanilang mga gagawin. Hindi naman ho kasi ako abogado kaya ayokong magsalita tungkol sa magiging strategy nila. Ayoko hong i-preempt iyan.

Q: Magpupulong ba kayong minority pagkatapos ng walkout?

Villar: Hindi na kasi nakatiis ang dalawang kasamahan namin, sobra naman ang ginagawa ng mayorya para namang talagang 'huwag ka nang magsalita.' At talagang nagmamadali. Alam mo itong proyektong ito sinasabi nilang 10 years ago pa daw nangyari tapos biglang minamadali agad. Nakakagulat din. Talagang para umabot sa 2010 elections. Sa bagay talagang umiinit na ang eleksyon kaya hindi natin masisisi na talagang ganito na katindi. Kitang-kita naman natin, nagmamadali. Wala akong nakitang bill na minamadali nang ganito. Bill pa iyan, ating mga prayoridad. Iyon ngang ibang mga kaso na 20 taon na wala pa, ito naman ang bilis at gusto pa talagang naka-announce lahat. Usually ang Ethics Committee hearings ay executive session. Ito lang ang hindi. Talaga namang balak lang akong hiyain lamang for political purposes para sa 2010. Pero sa palagay ko napahiya naman sila. Alam ng tao kung ano ang gusto nila at alam nila kung ano ang katotohanan.

Q: Sinabi ninyo hindi kayo sure kung may dinaanang property ninyo iyong kulay berde...

Villar: Hindi, sinasabi ko may dinaanan. Hindi ko lang alam kung ano mismo. Kaya nga pinapaliwanag ko kanina na kung may nadaanan sa iyo, hindi nangangahulugan na ikaw ay nakinabang. Kaya nga sinasabi ko kanina, ang isang developer hindi nagbibigay ng right of way. Ayaw niyang magbigay ng right of way dahil kapag nagbigay ka ng right of way, nawawala ang exclusivity sa iyo, bumababa ang value ng lupa mo.

Q: Kung dumaan iyon..

Villar: Kung dumaan iyon, hindi ako nagbenepisyo. Kung dumaan iyon dahil wala ka namang choice dahil kailangan doon dumaan. Kung dumaan iyon, babayaran ka ng zonal value na naaayon sa batas pero hindi ka nakikinabang dahil dumaan ang lupa sa iyo. Kaya ko namang gumawa ng kalye. Kung ako ang gumawa ng kalye ko, mas malaki pa ang aking kikitain.

Q: Totoo ba na when you were finance committee chairman, meron daw kayong nilagay na pondo rito?

Villar: Iyang C-5 nga 1946 pa iyan kaya unti-unti iyang nilalagyan ng gobyerno. Pero talaga namang kapag merong pagkakataon kapag merong allocation sa akin na pondo, gusto kong ilagay sa C-5 para matapos na iyan.

Q: Bakit nakatutok sa inyo, may property rin pala doon si Bro. Mike?

Villar: Hindi ko alam iyong kay Bro. Mike. Hindi ko alam ang istorya nun kaya maghirap mag-komento diyan. Pero masasabi ko, basta merong kinuha sa kanya dapat din siguro siyang bayaran.

Q: How true po iyong accusation na nakiusap kayo sa DPWH para idaan ang C-5 sa property ninyo?

Villar: Unang-una ang misis ko hindi nakikihalo diyan. Maski ako. Iyong mga so-called damning evidence daw, ang totoo niyan dito sa project profile, dahil may nakalagay doon 'proponent: Spouses Manuel and Cytnia Villar.' Alam po ninyo, ang DPWH, sila na mismo nagpaliwanag, ito damning evidence daw, it is a common practice sa DPWH na kapag may isang proyekto sa isang lugar ilalagay nila na proponent iyong congressman doon sa area. Nag-aagawan pa nga. Ang totoo niya masama ang loob ng congressman kapag hindi mo nilagay ang pangalan niya sapagkat credit iyan. Kaya nakikita ninyo naiisyuhan ng mga billboard, this is a project of this, proponent, agawan pa po iyan. Normal po ang paglagay na ang proponent, iyan. Pangalawa, dito pos a sinasabing ebidensya daw, nakalagay ditto, 'this road when completed will connect Quirino Ave., Las Pinas City, Santos Ave., Sucat Road, which will augment the road network of both cities, which can no longer cope up with the increasing vehicular traffic. It will be of great help in decongesting movement along Zapote-Alabang Road of Las Pinas, Imelda Ave., Paranaque. It will also promote and enhance industrial and commercial opportunity in the vicinity.' At itong ipinakita ni Sen. Jamby na merong revised alignment, nilipat nang konti ang bridge dahil nag-request ang LRTA na dadaan din daw sila. At saka iyan, isang bridge iyan inusog lang hindi ho iyan niliko talaga na malakihan ang proyekto. "This project was not rerouted as it followed the original route, except for the location of one bridge whose central line was slightly shifted in the upstream direction to rotate etc., in order not to create conflict with the proposed alignment of LRT Line 1." Par po hindi mag-conflict sa LRT Line 1. "This was made in attention with the request of LRTA to the then NCR Regional Director... but even with the slight change, the right of way was still maintained." So ito po ay ipinakiusap ng LRT para po makadaan sila later on. Tsaka ito maliit na shift of bridge, the so-called evidence. Ito po nang ipinakita parang damning evidence, papel lang pala ito. Lahat pala ng congressman meron ganito. Kaya minsan nayayanig po tayo ng bigla, mga biglang electric shock. Nayayanig tayo sa kuryente.

Q: On participation in the Committee of the Whole

Villar: Iyong official stance ng minority sa participation wala pa. Magmi-meeting pa kami.

Q: Pero kayo po?

Villar: I'm not inclined. Kaya lang syempre bibigyan ko rin ng halaga ang sasabihin ng aking mga kasamahan. Titingnan naming mamaya. Epro ako talaga, hindi ako nakakakita ng hustisya rito. Tapos na ang voting nito.

Q: Kahit written?

Villar: Iyong mga written, kaya nga ayaw ko munang magsabi n gaming legal strategy kasi ang question mo ay isang legal strategy na. mahirap magbanggit ngayon. Our lawyers are preparing the strategy for this. That forms part of the strategy. For now wala akong posisyon sa bagay na iyan. Sabi ko lang, on the basis of what I saw this morning, parang nakikita ko hindi ako magkakaroon ng hustisya rito. Pero to be fair with our legal team, kailangan naman bigyan naming sila ng leeway na magrekomenda kung ano ang magandang approach dito.

Q: Iyong patutsadahan ninyo ng kuryente queen, corruption king, hindi ba aabot sa pagsampa ng libel iyan?

Villar: Ako mismo hindi pero ewan ko kung merong masasaktan pero kung ako lang hindi bale na. kasi talaga namang ako naman ay talagang bugbog na bugbog na sa kakakantyaw at napakarami ko nang inabot. Ako naman ay nagpapasensya na at ayoko nang bigyan pa ng pansin o idignify iyang mga ganyang statements.

Q: Since nasira ang pangalan ninyo, after mapatunayan na walang ebidensya laban sa inyo, magpa-file ba kayo ng kaso?

Villar: Ako ay masyado namang naapi dito. Pinagtulungan naman ako talaga dito. Maliwanag naman na lahat ng presidentiable ay marubdob ang hangarin na palakihin ang issue na ito maski wala naman talaga. Kaya hindi naman tama na parati akong mananahimik. Sa isang banda ayokong idignify ang mga sinasabi pero sa isang banda, ako naman ay may karapatan hindi lamang bilang isang senador kundi bilang isang tao din, isang Pilipino. Hindi naman dapat yuyurakan natin an gating mga karapatan. Hindi naman tayo dapat mapapahiya nang ganito, talagang maliwanag naman na sinisiraan ako dito. Kaya I reserve my rights na gumawa dito ngdapat gawin at naghihintay ako sa aking mga abogado at kasamahan sa minority.

Q: Hindi ba kayo nagwo-worry na ma-expel kayo?

Villar: Hindi po. Ako ay walang problema diyan. Very colorful ang life ko, talagang napakaraming mga problemang hinaharap na ganito, krisis na ganito at wala akong kaproble-problema sa bagay na iyan. Kung ma-suspend, ma-expel o whatever, ako ay handa diyan. Hindi ako natatakot sa mga ganyang mga bagay. Bagamat hindi naman ako naniniwala na aabot diyan, pero kung umabot man diyan wala akong problema. Basta ang ginagawa ko ay para sa bayan. Diretso ang aking pananagutan sa ating bayan. But of course, I reserve my rights sa ating sistema kung ano ang aking gagawin kapag nangyari iyan. Pero personally, sa palagay kop o ay tungkol sa presidential election ang nangyayaring ito, wala po akong duda.

News Latest News Feed