Press Release
May 19, 2009

Transcript of ambush interview with Senator Chiz Escudero

About the hearing of the Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws...

Pangunahing pinag-usapan sa hearing minamadali namin ang ilang election-related bills, particular may kinalaman sa absentee voting at tsaka yung registration ng mga existing at bagong botante, hinahabol namin ito upang sa gayon magamit sana [ara matiyak na magiging malinis o mas malinis ang halalan sa 2010.

What about sa absentee voting?

Pinapaluwang yung ilan sa mga rules at guidelines tungkol dito halimbawa yung pag-execute ng affidavit na sila ay babalik bago sila makapagrehistro at bumoto, yung pagsasaayos ng paraan ng pagrerehistro tulad ng internet registration subject to certain limitations at yung requirement kaugnay sa personal appearance, yung paglalagay din ng ilang exceptions dito para masa madali at magaan ang pagrehistro at pagboto kung saka-sakali ng ating overseas voters.

Paano yung sa internet voting?

Depende sa mga lugar, maglalagay ng mga lugar kung saan available ito dahil napakalayo ng konsulado o napakalayo ng embahada natin kung saan matatagpuan yung Pilipino. Subalit hindi pa ito pinal at binabalangkas pa lamang sa isang technical working group ang mga specific provisions nito.

Ilan yung absentee voters?

Walang binigay na figure ang Department of Foreign Affairs, hindi, wala silang binigya na total figure para sa buong mundo, ibig sabihin sa mga bansa kung saan matatagpuan ang isang Filipino na qualified bumoto. Pinangako pa lang nilang isumite ang data na yon sa komite.

Kaya pa matapos?

Pipilitin naming kayanin dahil may kapangyarihan naman ang Comelec na mag-adjust ng rules ng voting at election kung saka-sakali.

Ano yung say nila (stakeholders) sa Internet voting?

Walang nag-object doon sa Internet voting, isang paraan yon na dapat i-explore pero siyempre isang titingnan at pangangalagaan ng inyong komite yung safeguards at safety features nito para hindi magamit sa pandaraya o dayaan.

Erap to run...

Kung gaano karami at mga abogado ganun rin karami ang opinyon, sinabi na mismo ng mga abogado ni Pangulong Estrada na balak nilang maghain ng petition for mandamus a Korte Suprema, agree ako at suportado ako sa galaw na yon ng mga abogado ni Pangulong Estrada. Hindi ako naniniwala na dapat i-handcuff o itali natin ang kamay ng mag botante pagdating sa kung sino ang pede nilang pagpiliaan para maging pangulo o anuamng posisyon sa ating bansa.

Ano yung legal impediments...

Korte lamang an gmakakapagsagot siguro sa tanong na yan pero para sa akin kung ako ang tatanunign niyo hindi siguro dapat naka- handcuff ang kamay na tao pagadting sa kung sino ang dapat nilang iboto at pangalang ilagay nila sa balota.

Leeway should be given... to anyone (to Erap), including him.

You consider him as a threat in 2010?

A threat against the government? Yes. A threat against the administration's aspirations to continue in power definitely, yes.

A threat to you?

No.

Why? Considering malaki pa rin ang suporta ng tao kay Erap

Why is he going to be a threat to me. No because I am not a declared candidate yet, I have not declared any intention whatsoever for 2010 and I seen no reason why he is going to be a threat to me given that we are both members of the opposition and belong to the opposition.

But if both of you decide to run?

Again, I have not made any decision so that question is irrelevant at this point in time and if at all not applicable. I see myself and I see President Estrada as well as both being members of the opposition, we both agree that the opposition should be united in the coming elections together with other members of the opposition and we are guided by that desire.

Balak daw kayong kuning running mate (ni Erap)...

Hindi pa kami nag-uusap kaugnay non. Tsismis pa lang yan sa ngayon.

Sir paano yung legal impediments pag tumakbo nga siya, ano yung magiging implication non sa oposisyon considering marami ngang gustong tumakbo sa oposisyon?

Naniniwala ako mag-uusap at magkakausapa ng mga miyembro ng oposisyon, naniniwala at umaasa ako na magkakaisa ang mga miyembro ng oposisyon bago dumating ang halalan sa 2010, matagal-tagal pa naman at mahabang panahon pa yan, marami pa kaming pagkakataon na magkausap at mapagkaisa ang lahat ng miyembro namin.

Very dim na daw ang chance na ma-unit yung oposisyon...

Siguro ibigay nyo na sa akin yon bilang benepisyo ng pagiging bata, patuloy na naniniwala, patuloy na pinanghahawakan ang pananampalataya na mangyayari at pwedeng mangyari yon.

Willing ba kayo na sumabay sa kanya kung sakaling matuloy tumakbo si Erap? Dapat magkakasama kaming lahat, dapat hindi kami naglalaban at dapat nagkakaisa kami, yon ang pananaw ko.

Are you willing to submit yourself sa convention?

Tsismis pa lang din yon, dahil hindi pa nagkakausap-usap kaugnay sa paraan o petsa nyan, mahirap magkomentaryo lalo na't palapit na ang election baka gamitin laban sa amin at baka gamitin pa para lalong magkagulo at magkaaway-away ang oposisyon. Hanggat walang rektang pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng oposisyon, hindi muna siguro tamang magkomentaryo sa mga balita o tsismis na hindi rektang naparating sa amin nong tao mismo. Bilang bata willing ba kayong mag-give way sa mga opposition presidential candidate?

Ni hindi pa ako kandidato para mag give way, hindi nararapat at napapanahon siguro na sagutin ko ang tanong na yon.

Nabasa nyo na ba sir yung preliminary inquiry sa C-5?

Hindi pa kahit na umakyat ka don sa opisina ko ngayon nakasara pa rin yung envelop. Babasahin ko sa araw na ito o bukas marahil pero sa ngayon hindi pa at mas confidential yon kaya baka ako naman ang ma-ethics ko kapagka sinabi ko ang nilalaman non matapos kong basahin.

Pero magpaparticipate kayo sa Huebes?

Depende, inaayos namin ang aming schedule, hiniling ko na ilipat yan sa Lunes subalit hindi napayagan at napahintulutan, pinipilit pa rin naming ayusin ang aming schedule para makapag-attend ng sesyon sa Huebes dahil hindi naman yon session day talaga.

Magko-conduct daw ng ocular inspection si Sen. Villar?

Karapatan nya yon na gawin ang kanyang nais gawin pero patuloy ang aking panawagan at kahilingan na sana bigyang galang at makilahok siya sa pagdinig ng komite dahil yon ang nararapat na proseso at legal na procedure para sa bagay na ito.

Makakatulong ba yon para masagot ang alegasyon laban sa kanya?

Sa taong bayan marahil, sa senado at sa institusyon na kanyang kinabibilangan maliban na lamang kung ipri-prisenta nya yon sa pamamagitan ng kanyang abogado sa mga darating na araw. Tulad ng ibang korte, tulad ng ibang komite, maliban na lang kung prinisenta mismo sa komite hindi siya pedeng ikonsidera ng mga miyembro nito. Dapat ipresent talaga.

News Latest News Feed