Press Release
May 25, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' SPEECH WHEN HE MET
WITH PUBLIC SCHOOL TEACHERS WHO MARCHED TO THE SENATE
TO DEMAND P9,000 SALARY HIKE

MAR: Unang-una ay wine-welcome ko po kayo sa Senado. Sana po ay hindi naman ganun kahaba ang inyong pag-biyahe dito. Lugod na lugod ako na noong mga nakaraang buwan sa Senado ay ipinasa na namin ang isang panukala na nagbibigay ng pagtataaas ng sahod para sa ating mga guro. P9,000 po ang ipinasa namin sa Senado.

Alam ko po ang iyong pangamba na hindi ito inaksyunan ng Kamara de Representante at imbes na inaksyunan ito ay nagpasa sila ng isang Joint Resolution na nagbabago sa salary standardization ng gobyerno na kung saan lahat ng kawani ay tinataasan nila ng sahod. Hindi naman po masama ito. Ang punto lang dito ay dapat 'yung suweldo ng mga guro ay hindi mawala dito sa mas mawalak na panukala na ito. Hindi naman natin hinahadlangan ang ibang pagtaas ng sahod ng ibang kawani sa gobyerno. Ang punto natin, 'yung hinaing at pangangailangan ng teachers ay hindi mawala dito.

Bilang chairman ng committee on education sa Senado, babaunin ko po, dadalhin ko po, sa lahat ng deliberasyon, sa komite man at sa floor, kung kinakailangan, ang inyong hinaing.

Humihingi din po ako ng tulong sa inyo na makapag-kumbinse tayo ng mayorya ng Senado, dahil kahit gusto ko man ito, ay dapat makahanap tayo ng 12 boto. So maghahanap tayo, magkukumbinse tayo, aalamin natin kung sino ba ang gusting sumuporta nito, hihikayatin natin sila at kukumbinsihin sa tamang proseso sa ating mga pangangailangan.

Maaasahan ninyo, hindi ko kayo pababayaan. Lalaban tayo!

News Latest News Feed