Press Release
May 27, 2009

Transcript of interview of Senate President Juan Ponce Enrile

Q: Sir, bakit pinag-iinitan ninyo yung mga retailers ng e-load?

SP: Well, napansin ko na ang aking telephone na hindi ko ginagamit nawawala yung load.

Q: Kasi may expiration, sir.

SP: May expiration?

Q: Almost one month lang, depende po sa load.

SP: Kaya nga bakit nila tinatanggal hindi ko naman ginagamit? Why? What is their right to confiscate my money without even so much as saying I beg your leave? Hindi pwede 'yun.

Q: Nakaka-receive ba kayo ng mga MMS? Subscribe to ganyan, may automatic na Php 2.50 na charge.

SP: Bakit ako padadalhan ng message na hindi ko gustong message? Sino sila na magpapadala ng mga messages na ganun sa kin, para kumita sila? No, we are going to look into this.

Q: Sir, panloloko ito sa mga consumers?

SP: Panloloko talaga. What is their right? What is the ground for them to charge me of anything if I'm not using their line or service?

Q: What is the possible measure to prevent this kind of activity?

SP: Imagine, May 25 I had Php 387.00 load, in the evening wala na. Oo, ubos na in the evening. Then yesterday, I loaded six hundred. Hindi ko ginamit ang telephone ko, in the afternoon it's already Php 519.00. This morning it went down to Php 445.00

Q: Nauubos kahit hindi ginagamit, sir?

SP: Inuubos. Ang galing naman ng serbisyo publikong ito.

Q: Pero may nare-recieve po kayo sir na mga unsolicited text messages?

SP: Marami. Bakit ako pinapadalhan ng mga unsolicited messages? I don't like them to be texting me. These Telcos, what for?

Q: Sir, ano pong plano ninyo?

SP: And if they do, they should be the one paying for it, not me. And I'm going to raise this issue, not for my sake but for the sake of the public. It's terrible.

Q: Para po siyang robbery?

SP: Kawawa naman yung mga tao, yung daw nag-load ng Php 30.00 lang ibig sabihin noon 'yun lang kaya niyang i-load. Pagkatapos ng tatlong araw hindi niya ginagamit yung telepono niya, nawala na. Anong paki-alam ng load na 'yun sa kanila?

Q: Sir, anong pwede po ninyong gawin dito?

SP: Kailangan itong National Telecommunications Commission must be alert and protect the public.

Q: Considering na ang laki-laki ng kini-kita ng mga Telcos.

SP: Hindi nila ginagawa yung trabaho nila to protect the public. Bakit sila nandiyan? Bakit sila pinag-gagastusan ng gobyerno? Ng taong-bayan?

Q: So NTC ang dapat managot?

SP: NTC ang may kasalanan.

Q: Sir, ipapatawag niyo rin?

SP: Binibigyan ko muna yung mga Telco ng pagkakataon na mag-explain. I want an explanation.

Q: Sir, ano pong linya niyo?

SP: Globe.

Q: Kami din, sir.

SP: Anong pakialam nila na icha-charge yung aking load kung hindi ko ginagamit? Anong reglamento 'yan? Saang nangaling na batas 'yan? Kung inaprubahan ng NTC 'yan, kabaluktutan 'yan. Bulok na desisyon 'yan.

Q: So, ang isa sa mga mananagot ang NTC?

SP: Oo, tatanungin ko sila. Ipatatawag ko yung chairman ng NTC.

Q: Sir, would you like to comment on Noli-Puno tandem in 2010.

SP: Malakas na tandem 'yun. Popular si Vice-President Noli de Castro.

Q: Possible din daw ang Noli- Teodoro tandem?

SP: Aba, malakas din 'yun.

Q: Pero sir, kung itatapat kay Erap?

SP Hindi ko pa alam kung tutuloy si former President Erap. Pero kung tutuloy siya, may problema din sila. Magandang laban iyon. Parang dalawang tandang na matataas ang lipad.

Q: Sir, sino po pwedeng i-tandem kay Joseph Estrada para matindi po ang laban?

SP: Pwede si Mayor Jejomar Binay, si Senator Loren Legarda.

Q: Eh, si JPE po?

SP: Ay , hindi. Hindi nako pwede doon. Halos hindi nako makatakbo. Pero pwede pa din kung gusto nila, magsabay kami sa lakaran or golf, pwede pa din.

Q: Sir, mag me-merge na daw ang Lakas at Kampi.

SP: Malaking pangkat iyon. Pupunta pa sila sa bayan at magkakasa pa sila sa kanilang kagalingan. Bayan pa din ang maghuhusga.

Q: Do you think ang opposition ay magkakaroon din ng merger?

SP: Mahirap na yata ang opposition ay magkaroon ng merger ngayon.

Q: So, disadvantage po yon sa opposition na mag merge ang Lakas at Kampi tapos hindi naman po mag unite ang opposition?

SP: Aba siyempre parang magiging 1992 ulit ito. Kasi nung 1992, umatras ako. Nag ambisyon din ako kumadidato sa pagka- pangulo. Pero nung nakita ko na watak-watak yung opposition, sabi ko, mahirap ito. Madedehado ang opposition at mabuti pa na kumandidato ako ng congressman.Kumandidato ako ng congressman. Awa ng Diyos, nanalo naman ako.Nagpunta ko sa mababang kapulungan ng Kongreso. I was able to survive. Yung mga sumigi, they were wailing. Maraming natira sa sapa at kaya nawala sila sa eksena.

Q: So sir, posibleng iyan din ang mangyari sa opposition?

SP: Maraming ganyan. Maraming madadapa.

Q: Sir, yung scenario na nakikita ninyo, mag seek pa kayo ng re-election?

SP: Maraming malakas noon, noong mga panahon na iyon sa opposition. Kagaya din ngayon na may malalakas. Si Senator Miriam Santiago malakas noon.Pero hanggang ngayon hindi niya mapatawad ang nangyari sa kanya. Galit na galit siya palagi pag naiisip niya iyon. At nung mga panahon na iyon, marami din tumakbo na may pera. Pero ang pera ay hindi umubra. Baka ganyan din sa darating na halalan. Kung si Joseph Estrada, hindi naman dahil sa kaibigan ko siya, ay may sarili siyang mga followers. Alam mo kahit papano masasabi ko na ang administrasyon, ay may naiiwan din na pwersa iyan. At least 25% iyan, may maiiwan, popular political support. Hindi mo naman masasabi na itong administrasyon ay walang nagawa sa bayan, meron din.

Q: How about si Vice-President Noli de Castro, ok na ba ang popularity or competent ba siya to become a President?

SP: Hindi ko masyado kilala siya ng personal pero mayroon nagsabi sa akin na nakasama na niya sa trabaho, madali daw pumik-up ng idea at nag-aaral. Ang nagsabi sa akin ay si Romy Neri. Sinabi niya na magaling na executive. Tama iyon. Hindi naman lahat tayo alam lahat ng bagay sa mundo. Kung meron kang huwido, pick up ideas and use them.

Q: Sir, tumatanggap ng puna yung Senado sa pagbibigay ng atensiyon sa scandal na iimbitigahan na bukas dito sa Senado.

SP: Meron kaming Committee on Pubilc Information, Amusement, at saka iba pa katulad ng social justice.

Q: Sir, ano sa tingin ninyo kasi may balak na gawing executive session kasi daw pag pi-piyestahan kung i-open for public hearing.

SP: Nasa kanila iyon. Palagay ko kung ang pag-uusapan ay hindi karapat-dapat ibulgar lalo na sa kabataan, ay dapat lang na executive session.

Q: Napanood ninyo ba po yung mga sex video?

SP: Hindi. Hindi ko na tinitignan iyon.

Q: Sir, pero kailangan pa ba na mag-imbestiga ang Senate kasi nandun na ang PDEA, NBI?

SP: Hindi ko sasabihin na kailangan..baka kailangan ng batas. Hindi naman dahil sa curiosity iyon. Baka kailangan magkaroon ng batas para hindi na maulit. Ang question ko diyan, narinig ko na sinabi yata nung lalaki na binigyan siya ng drugs. Ang tanong ko lang, ay marami daw na ganoong pangyayari. Doon ba sa lahat na iyon ay binigyan siya ng drugs? Bawat ba eksena ay binibigyan siya ng drugs. Iyon ang gusto ko tanungin kung ako ang magtatanong sa kanya.

Q: So, dapat ipa- drug test siya?

SP: Hindi iyon. Ang sinasabi ko kung sampu yung nakuhang video na may iba't ibang persona, hindi lamang yung nauukol ngayon na artista kungdi may iba pa, lahat ba iyon ay bunga ng droga?

Q: Sir, ipapatawag ninyo daw po yung NTC?

SP: Pinababayaan ko na maubos yung Php 600.00 ko na load. Kahapon ng umaga Php 600.00, kagabi ng alas otso ng gabi, Php 500.00 na lang. Di Php 100.00 ano. Kaninang umaga ay Php 445.00 na lang. Pababayaan ko na maubos yung aking Php 600.00. Wala naman gumagamit nung aking telephone. Hindi ako nag te-text. Hindi ako nag pa-pass ng load. Hindi ako tumatawag. May duration daw ang load.Pag hindi mo nagamit, sa kanila na daw iyon. Anong karapatan nila and why? Why should they own it? Bakit nila ibu-book na income nila iyon? Hindi naman ginamit yung kanilang sistema at serbisyo nila. Kung ginamit yung serbisyo nila, ok lang iyon na i-charge nila. Pero kung hindi mo ginagamit yung telepono mo, bakit nila babawasan yung load mo. Anong batas ang nagpapahintulot sa kanila na gawin nila iyan. Gusto naming malaman.

Q: What are they guilty of?

SP: That is estafa. That's cheating against the customer. Kaya ako nagfile at gumawa ng Anti-trust law para sa ganoon ay makulong ang mga iyan

Q: So, sir papatawag yung mg cellphone companies?

SP: Titignan muna natin at huwag tayo maghusga.

News Latest News Feed