Press Release
May 27, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' ambush interview

On Puno running as VP

MAR: Eh 'di mabuti. At kung totoo na ito ang kanyang balak, mabuti siguro na magbitiw na siya o magsabi na siya kung ano ang plano niya, kung kelan siya magbibitiw sa kanyang tungkulin. Dahil kung siya naman talaga ay papasok sa pulitika, wine-welcome natin siya. Maganda ito na lahat ay lumahok sa halalan pero ang importante ay sabihin niya kung kelan na siya magbibitiw sa kanyang tungkulin. Napakaselan ng kanyang tungkulin bilang secretary ng Interior and Local government. Hawak niya ang mga mayors, governors, local government officials sa kanya nagre-report. At kung lalahok si Sec. Puno sa halalan, maganda na sa maagang panahon ay magbitiw na siya.

Q: Sino ang itatapat niyo kay Sec. Puno? Sino ang magiging ka-tandem niyo? Sino na ang nasa shortlist?

MAR: Kami sa Liberal Party, meron kaming proseso at susunod ako sa prosesong iyan. Malalaman niyo na lang pagdating ng panahon.

Q: Winnable ba si Puno?

MAR: Hindi para sa akin ang mag-komentaryo kung winnable o maganda ang kandidatura ni Sec. Puno. Para sa kanya 'yun at sa kanyang partido. Para sa akin, mahalaga na magpatuloy ang serbisyo na tunay at totoo para sa ating mga kababayan at kung lalahok nga sa halalan si Sec. Puno, maganda na magbitiw na siya sa lalong madaling panahon.

Q: Ganun din ba dapat kay Sec. Teodoro kung may plano siya?

MAR: Opo. Ganun din po. Pero si Sec. Teodoro, nagsasabi siya na nag-e-explore siya. Sa aking pagkakaalam, si Sec. Puno ay nagsabi na nalalahok na nga siya sa darating na halalan.

Q: Kailangan mag-resign siya dahil dun sa danger na magamit niya ang posisyon niya?

MAR: That's correct. Napakaselan ng tungkulin na hinahawakan ni Sec. Puno. Siya ang may hawak sa ating mga mayors, governors, local government officials. Ang laki ng budget, ng intelligence fund, ng PNP at kung lalahok nga siya sa halalan, at wine-welcome nga natin siya, maganda na bumitiw na siya sa kanyang tungkulin bilang DILG secretary.

On Katrina-Hayden scandal

MAR: Dapat executive session. Hindi naman ito ang pagkakataon na lalo pang ma-exploit 'yung malungkot na pangyayari kay Katrina at sa iba pang biktima.

Q: 'Yung pagtatanong sa kanila, open?

MAR: Pwede naman.

News Latest News Feed