Press Release
June 1, 2009

Transcript of interview of Sen. Escudero outside the Session Hall

Sen. Chiz: Kung ngayon ang eleksyon sino ang iboboto mo, eto listahan. Yung SWS survey ang tanong sinong gusto mong pumalit kay GMA sa 2010, magbigay ng tatlong pangalan, kaya ang total ng S (SWS) more than 100%... yun yung pagkakaiba ng dalawa.

Ibig mong sabihin wala kang galaw don sa Pulse Asia...

Wala nga.

Pero margin of error naman lahat yun eh.

Dapat i-taken into account din kelan ba yung survey, yung survey kasi second week of May.

Yung survey factor yon sa pagdesisyon mo sa pagtakbo.

Palaging kasama yon pero anumang desisyon pagkatapos pa rin ng kaarawan, hindi pa kasi ako kwalipikado... Nire-review, kaya nga present ako kanina dahil first day of classes kanina. Ang palagi kong sinasabi sinumang mataas hindi dapat magpa-party, sino mang mababa hindi dapat magalit o malungkot dahil survey lang naman siya, boto sa pa rin sa araw ng eleksyon ang basehan kung sino ang mananalo at mapro-proklama.

Reliable ba ang survey?

Ang basehan pa rin kung sinong mananalo boto na bibilangin sa araw ng halalan, kaya uulitin ko sinuman ang mataas sa survey hindi dapat lumaki ang ulo at yumabang, kung sino mana ang mababa hindi dapat magalit o mainis.

Pero mas napapadali ang desisyon mo?

Anumang desisyon, gaano mang kadali o kahirap hindi pa rin sa araw na ito, gagawin ko pa rin yon matapos kong pumalo ng 40 kung saka-sakali.

Biro lamang yon dahil sino man ang tumataas madalas binabanatan, binabatikos at krini-criticize, subalit anuman yon kabialng yan sa trabaho ng isang opisyal, hindi dapat maging balat-sibuyas sa batikos, sa numang pag-atake at dapat tingnan niya bilang oportunidad yon para sumagot, magpaliwanag at paintindi sa taong-bayan ang nagaganap.

Halos pare-pareho lang kayo...

It's statistically tie among the four top candidates dahil plus or minus three ang margin of error.

Sa tingin nyo youth sector ang pangunahing nagdadala sa inyo?

Sana, dahil henerasyong yon ang kinakatawan ko, yun yung henerasyon na kinabibilangan koat karangaaln yan hindi lamang para sa akin pero para se henerasyon na kinakatawan ko.

Kanino nyo ina-attribute yung pagtaas nyo?

Wag nating paliwanag baka hanapin nila tapos ikampanya nila. Siguro naghahanap ng bago at kakaibang knadidato ang taing mga kababayan sa darating na halalan at siguro alternatibo ang kanilang hinahanap. Sinuman sa pananaw ng ating mga kababayan ang makapagbibigay non doon marahil bubuhos at pupunta ang suporta ng nakararami.

Sa tingin nyo yung corruption ang ....

Lahat ng survey sinasabi na major issue ang corruption pero ang mas pangunahing isyu sa darating na halalan, maski na ngayon, trabaho at ekonomiya

So sir desidido ka na with that survey?

Hindi, ang pagpapasya mangyayari at gagawin ko, uulitin ko matapos ang kaarawan ko at hindi bago non. Hindi sabay, matapos (ang birthday).

Sir parang balak nyo mag-retire ng maaga sa politics?

Yung kabaligtaran din ang totoo, gusto ko ring manilbihan habang bata pa ako, habang ganito pa ako, kung saka-sakali, at habang ganito pa ang pag-iisip, paniniwala at prinsipyo ko. Mahirap yung tumatanda sa pulitika, sino mang tumatanda mas mahirap panatilihin yung prinsipyong pinanghahawakan natin nong tayo'y bata pa.

Sa tingin nyo ba may epekto sa survey yung nangyari sa C 5 kay senador Villar?

Hindi pa napasama sa survey period yung isyung nagaganap dito sa senado dahil ginawa yung survey bago pa yung isyu dito sa senado.... hindi pa covered yon dahil wala pa yung presentation of evidence, wala pa yung sagot, wala pa yung ocular inspection, wala pa lahat yon, hindi pa nabilang yon.

Hindi ko alam, ayokong pangunahan yung survey.

Pero sir may nagsasabing masyado pa kayong bata...

Kaya nga nagtalaga ng minimum age ang Saligang Batas, 40 kaya nga hindi pa rin ako nagsasalita at nag-aanunsyo o nagdedeklara dahil wala pa ako don sa pinaka-minimum na edad sa paktakbo.

News Latest News Feed