Press Release
June 2, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW AFTER THE CHEAPER MEDICINES OVERSIGHT COMMITTEE HEARING

On the Cheaper Medicines Oversight Hearing

Q: Ano pong nangyari sa hearing? Anong developments sa implementation?

MAR: Ayokong magsalita ng patapos pero mukhang ang pinakamalaking hadlang o balakid para maibaba ang presyo ng gamot dito sa ating bansa ay ang DOH mismo. Itong batas na ito sa June 6, mag-iisang taon na. Eh June 2 na tayo ngayon eh. Mag-iisang taon na ito, iyong parallel importation, walang pera o kakaunting pera lamang ang inilagay ng DOH. Dito sa pagtakda ng Maximum Retail Price, hanggang sa ngayon, wala pa rin silang ginagawa. Lahat itinuturo nila pero iyong maaari nilang gawin, hindi pa nila ginagawa. Magpakatotoo na lamang sila. Kung ayaw nilang ibaba ang presyo ng gamot dito sa atin, sabihin na lang nila dahil lahat ng mga salita, lahat ng mga comma, lahat ng interpretasyon para ma-proteksyunan ang interest ng malalaking, mga dambuhalang pharmaceutical companies ay nakikita nila pero iyong mga probisyon naman, iyong mga pagkakataon para matulungan nila ang ating mga taumbayan ay hindi nila ginagawa.

Kaya minarapat namin na si Secretary Duque mismo ang ipapatawag namin next Monday para siya ang magpaliwanag kung bakit matapos ang isang taon na naipasa natin ito sa batas, hanggang ngayon hindi pa talaga bumababa ang presyo ng gamot dito sa ating bansa.

Q: Anong ibinigay na dahilan ng DOH?

MAR: Sabi ng DOH official, umaandar naman daw ang kumpetisyon dito sa atin. Sinong naniniwala dun? Sinong niloloko nila? Sabi nila hindi nila ginagamit itong kapangyarihan na ito, na magtakda ng maximum retail price, dahil sa kanilang paningin umaandar ang kumpetisyon dito sa atin at bumaba na daw ang presyo ng mga gamot. Sino sila para magsabi na ang pagbaba ng gamot mula P90 hanggang P40 o anumang kanilang mga halimbawa ay sapat na? Hirap na hirap ang ating mga kababayan. Eh dito sa Amlodipine na ito na halimbawa, ang kanilang range ay P7 hanggang P42. Eh diyan sa P42 na 'yan, sabi nila, walang pinag-kaiba dun sa P7 na gamot, wala: same effectivity, same efficacy, same ang molecular structure. So, anong problema nila kung magtakda sila, sabihin nila na P20 ang Amlodipine o P18 or P15? Bakit nila pinapayagan na manatili itong P42? Kaya nga sila binigyan ng kasangkapan sa batas eh. Binigyan sila ng kumpletong kapangyarihan para maibaba ang presyo ng gamot. Hanggang sa ngayon hindi pa rin nila ginagamit at ginagawa.

Q: Are they in the pockets of the pharmaceutical companies?

MAR: Tulad ng sinabi ko, ayaw kong magsabi ng patapos pero para sa akin, mukhang sila ang hadlang. Wala talaga sa kalooban nila ang masugid na pagpapatupad nitong batas na ito.

Q: Is the pharmaceutical lobby too strong for the DOH?

MAR: Iyan ay para kay GMA na sagutin. Kung totoo, Ginang Arroyo, hamon po ito sa inyo, panawagan po ito sa inyo. Kung totoo po ang inyong hangarin na ibaba ang presyo ng gamot dito sa ating bansa, singilin po ninyo ang inyong DOH, bakit hanggang sa ngayon hindi pa rin nila naibababa. Bakit hanggang sa ngayon hindi pa nagagamit ang mga kasangkapan na nakapaloob dito sa batas na ito. Bakit iyong pera ng parallel importation limitado o kaya wala? Tanungin ninyo ang PITC-Pharma sa ilalim ng DOH, wala daw silang pera. Eh anong I-import nila? Bakit 'yung DOH hanggang sa ngayon hindi pa nagtatakda ng Maximum Retail Price? Ano, lokohan lang ba ito? Photo op lang ba ito? Magpakatotoo po tayo.

Q: Hindi kaya sinasadya iyon?

MAR: Ang sinasabi ko na dapat ang burden ngayon ay nasa DOH para patunayan nila na hindi sila kasabwat ng pharmaceutical companies na ito. Eh 'yung DOH mismo, si Undersecretary (Alexander) Padilla, sabi niya sa kanyang paningin, umaandar daw ang kumpetisyon dito sa bansa natin, na hindi na nangangailangan na gamitin itong Maximum Retail Price na ito. Nababaliw ba siya? Hindi ba niya ramdam, hindi ba niya nakikita na sobrang mahal ng gamot dito? At iyan ang dahilan kung bakit isinabatas natin ito.

Q: On Maximum Retail Price

MAR: Kailangan ituloy nila ang Maximum Retail Price. Nagtataka ako bakit ayaw niyang (Padilla) lagyan ng Maximum Retail Price o simulan ang proseso sa paglagay ng MRP dun sa pinakanirereseta, sa pinaka-gagamit ng ating mga kababayan para sa diabetes, sa hypertension. Bakit ayaw niya dito sa Norvasc na alam P42 naman natin ay P7? Bakit ang pinili niya ay gamot na mahalaga man dun sa may cancer, and of course sinusuportahan naman natin iyong MRP sa cancer, pero kakaunti lang ang mga kababayan natin na makikinabang dito. Bakit hindi sila nagsimula doon sa mapapakinabangan talaga ng mga kababayan natin? At, dahil pakikinabangan ng mga kababayan natin, pinakamalaki ang epekto, sa bawas ng kita, ng mga pharmaceutical companies. Bakit hindi sila magsimula dun?

Binigyan na natin sila ng kumpletong toolbox, may lagare, may martilyo, binigay na natin lahat. Pero imbes na pumanday sila ng isang magandang bahay, ang pinanday nila isang maliit na�

Q: Anong palusot nila dun sa inadequate funding para sa parallel importation?

MAR: Wala nga eh.

OTHER TOPICS:

Politics

Q: Marami daw dismayado sa merger ng Lakas-Kampi ang gustong sumanib sa Liberal Party?

MAR: Eh di welcome. Marami naman ang nagpaparamdam at nagpapa-abot. Pero ang punto po dito ay mga movement-movement lamang ito sa politika. Dapat balikan natin ang tunay na mga problema natin: kakulangan ng classroom, kawalan ng panghugas kamay sa mga paaralan natin. Ipinakita ni Presidente GMA kung paano ang paghugas kamay laban sa trangkaso. Hindi ba niya alam na halos kalahati ng ating mga paaralan ay walang sapat na malinis na tubig? Ano ba ito? Palagay ko, ang pinakamahalaga dito ay balikan natin ang tunay na pangangailangan ng ating mga mag-aaral.

Q: Tatanggap kayo in case na meron lumipat?

MAR: Bukas kami sa pakikipag-alyado at tumanggap ng mga bagong miyembro na tunay na nagnanais ng pagbabago. 'Yan po ang ating isinusulong, ang pagbabago sa ating bansa. Pagod na pagod na tayo sa pangungurakot, sa mga anomalya. Gusto nating ibangon muli ang ating bansa. Gusto nating magkaroon ng bagong pag-asa dito, ng trabaho, ng pagkain para sa ating mga kababayan. At higit sa lahat, gusto natin na pantay ang laban para sa lahat.

News Latest News Feed