Press Release
June 4, 2009

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

Q: Sir, na - forward na ba ng House of Representatives yung resolution nila tungkol sa Cha-Cha?

SP: Wala pa naman. Wala pang balita sa akin na natanggap na yung resolution ng House. Ako naman, humihingi ako ng caucus sa mga senador para pag- usapan namin kung anong hakbang ang karapat- dapat na gawin at gamitin namin. Kung sakaling darating ang resolusyon na yun ay pag- aaralan namin lalo pa meron ng kaso yatang isinampa sa Korte Suprema upang kwestyunin ang resolusyon na yun. Pag- aaralan namin kung kailangang sasali ang Senado, either thru a Motion to Intervene in the case, o ibang kaso ang aming isasampa, o hindi kami makikisali.

Q: Sir, hindi ba premature yung ginawang pagsampa ng kaso sa Supreme Court?

SP: Sa aking paningin ay wala pang cause of action. Premature nga. May nagsalang ng kaso sa Korte Suprema, kailangang pangalagaan yun, pag- aaralan yun. Baka magkakaroon ng issue doon at ma te-technical ang mga hindi sasali sa kasong yun. Ang proseso dyan ay kung may mag petition- hindi ko alam kung sino ang naging respondent dun sa petition ni Atty. Lozano- sigurado na ang Korte Suprema ay bibigyan ng order yung respondent upang sagutin yung petition ni Atty. Lozano. Ngayon, kailangang titingnan namin. Hindi ko pinagdududahan o binabale- wala o minamaliit ang kakayahan ni Atty. Lozano, pero kailangan na matalakay nang mabuti itong isyu na ito sa Korte Suprema para sa ganun ay mapaliwanagan ang Korte Suprema kung ano ang posisyon ng Senado tungkol d'yan at ano ang dapat na mga arguments na ipasok. Kailangang mapaliwanagan hindi lamang ang Korte Suprema kundi pati na rin ang publiko natin. Isa pa, alam ko na ang mga hukom natin sa Korte Suprema ay magagaling na mga abogado yan, mga batikan at mga dalubhasa sa batas yan, kaya malaki ang aking paniniwala na hindi nila papayagan na hindi masusuri nang masinsinan itong isyu na ito, sapagkat napakalaking isyu ito na nauukol sa buhay ng ating Republika. Ang Saligang Batas natin, 'yan ang bumubuo ng Republika ng Pilipinas at pinakamataas na batas yan. Kaya kung gagalawin mo 'yan ng ganyan- ganyan lamang ay medyo siguro maselan kung hindi natin aayusin nang mabuti.

Q: Sir,pwede bang malagay sa alanganin yung 2010 Elections?

SP: Hindi siguro. Yung eleksyon ay maisusulong yun habang hindi napapalitan ang ating Saligang Batas. At sa aking paningin naman ay wala ng panahon.

Q: Sir ano sa palagay n'yo ang pananaw dito ng ibang mga senador sa Cha-Cha Resolution ng House?

SP: Kami rito sa Senado, ang reading ko ay medyo halos lahat yata o lahat ay tutol doon sa posisyon ng House of Representatives. Hindi lamang sila ang Kongreso. Hindi kami lamang ang Kongreso. Ang sinasabi sa Saligang Batas na ang may kapangyarihan na gumawa ng pagbabago sa ating Saligang Batas ay ang Kongreso ng ating bansa, hindi ang House of Representatives lamang o ang Senado lamang. Dapat, silang dalawa. Ngayon kung binibilang lang nila ang Senado bilang kalahati ng Kongreso ng Pilipinas, palagay ko pati ang Korte Suprema ay hindi sasaang- ayon diyan.

Q: So sir, mag hearing ba kayo during the break, considering that na- postpone yung hearing today?

SP: Palagay ko ay hindi muna dahil medyo mabigat yung ating ginawang trabaho. Sa palagay ko ay magpapahinga muna kami. Pero titingnan din natin kung kailangan.

Q: Sir, what about yung ocular inspection?

SP: Siguro, pagbalik na namin.

Q: Hindi kaya maabutan ng election yung hearing nyo?

SP:Hindi ko alam kung gaano kabilis yung pag prisinta ng ebidensya ni Senator Jamby Madrigal.

Q Sir, almost midnight na po natapos yung session n'yo kagabi. Anu- ano po ba yung mga mga natapos nyo na mga bills?

SP: Tinapos namin 'yung bill sa Royalty. Kung maaprubahan 'yun sa House of Representatives, malaki ang pag- asa na maibaba ang presyo ng kuryente. Yun ang inaprubahan namin kagabi at marami pang iba.

Q: Sir,yung House, naipasa na nila ang CARP?

SP: Magkakaroon na sila ng Bicam. Ang sinabi ko sa panel ng Senado na baka sakaling walang special session at matatapos na ang June, yung effectivity of the law will retroact on July 1st.

Q: Sir, dumating na si Mancao ... Sir, wala ba kayong concern na baka idawit si Erap o si Senator Lacson?

SP: Wala tayong magagawa. Pero alam ko na kaya naman ni Senator Lacson na ipagtanggol ang kanyang karapatan. Matagal pa na proseso yan. Dahil si Colonel Mancao ay kung siya lang ay hindi pa yata mapalakas yung kaso. Lahat ng sasabihin niya ay kailangang ma- corroborate yun. Ewan ko kung anong mga corroborating evidence yung magpapatunay dun sa mga sasabihin niya kontra sa sinuman na isasangkot niya doon sa kaso na 'yun.

Q: Pero si Lacson as a member ng Senate, ia-assure nyo po na hindi maba-violate ang mga karapatan niya?

SP: Hindi naman. Hindi naman namin papayagan na hindi rerespetuhin ang karapatan ng miyembro ng Senado. Ako nga, ilang beses na ako nakulong. Bilang senador, inaresto ako dito sa Senado sa isang krimen na wala naman. Pero ganyan ang buhay ng politiko. Di pananagutan mo yon. Awa ng Diyos, pumunta ako sa Korte Suprema at ang Korte Suprema ay sumang-ayon sa aking argumento na walang katotohanan ang paratang sa akin at walang krimen na ganon - yung isinampa kontra sa akin. Kahit ako kinulong, no bail - non-bailable yung ipinaratang sa akin, at nakita ng Korte Suprema na mali yung kaso na isinampa sa akin at walang katotohanan. Inorderan yung gobyerno na pakawalan ako sa bilangguan. Ganoon din ang nangyari sa akin noong 2001. Kung natatandaan ninyo na ako ay naaresto rin. Nabilanggo rin. Talagang ganyan kung nasa pulitika ka, maraming talisod ang mangyayari sa iyong buhay.

Q: Sir, marami raw senador mag-aout of the country or may mga trips abroad?

SP: Wala naman. Karamihan ay nandito yata.

Q: Sir, di ba mayroon kang pinirmahan na travel authority?

SP: Merong ilan pero hindi ko matandaan kung sinu-sino ang mga humingi. Siguro mga apat o lima yung humingi ng travel order sa akin.

Q: How about you sir?

SP: Ako? No, I don't travel. I don't enjoy traveling. Maliban na lang kung I have to do something very important and then I will do that. But only for a short time. You know, alam mo ako kapag nasa labas I get bored. I get bored going around. I'd rather go to the province and smell the sea air, the scent of the jungle and the scent of the rural areas. I go back to where I started all the time.

Q: Sir, would you like to assess yung mga naging accomplishments ninyo as Senate President?

SP: You know, we've passed very major laws. Yung Anti-Trust Law tinapos namin. Itong tinatawag na Electricity Rate Reduction Act, malaking bagay yan. At saka yung Land Reform at Baselines Law. Marami, marami kaming nagawa na mga magagaling na mga batas. Doon sa talumpati ko kagabi, nung sinara ko ang sesyon ng Senado. Nandoon yung mga iba. It's in the speech -- yung mga ginawa namin kagaya ng Magna Carta of Women, revision of the BFAD Law to strengthen the authority and power of the Bureau of Food and Drugs at mga iba pa.

Q: Sir, yung caucus ninyo?

SP: Wala pang cause of action pero ayaw namin na may kaso baka hindi mahawakan ng mabuti yung kontra-posisyon doon sa resolusyon ng House. Baka magkakaroon ng problema ang bansa natin. Iyon ang rason kung bakit humingi ako ng caucus at pag-uusapan namin mamaya.

Q: Pero sir yung stand ninyo, Majority ang masusunod?

SP: Kailangan Majority. Hindi ako magdidikta dito. Tinatanong ko yung mga kasama natin. All decisions have to be voted upon. And it must be the result of a majority decision. I will not impose my will on anybody in the Senate. I will argue my case. Tayo ay magpapaliwanag sa kanila kung bakit ganoon ang posisyon ko. Ngayon kung sasang-ayunan nila okay. Kung hindi naman, rerespetuhin ko yung desisyon ng nakararami.

Q: All senators?

SP: All senators. Doon sa issue na yan walang Majority o Minority. This is a national issue. Ang bayan ang pinag-uusapan natin dito.

Q: Sir, within today nyo malalaman yung desisyon?

SP: Oo, malalaman kung ano ang posisyon namin. Very likely, we will arrive at some consensus. Pero sa akin as of now, unless I can hear a more valid argument. Hindi pa namin nakikita yung petisyon ni Atty. Lozano pero kung mabasa namin at makita namin na kailangan ang Senado ay sasali para sa ganoon maalagaan ang kapakanan ng bansa hindi lang ang kapakanan ng Senado. Mas importante ang kapakanan ng bansa. Sasali kami kung kailangan.

Q: Sir, yung hearing nyo po sa load, kahit po recess pwede kayo magpatawag noon?

SP: Oo, sinabi ko kay Mar na let us rest for a while anyway we are waiting for the public to react and submit their complaints so that we will have a basis. Kung kayo ay mayroong karanasan na ganoon, pwede rin kayo na magsampa ng kaso. Ngayon yata, pina-iimbestigahan na ng mga Telcos ang bagay na yon. Pero hanggang ngayon di nila maesplika sa akin kung bakit ang aking load ay biglang bumalik up to the decimal point. Gusto kong malaman kung sino ang nagdagdag ng aking load. Yon ang gusto kong malaman. Di ba nakakasindak yon? Gusto kong malaman sino yung magaling na nagdagdag sa aking nawalang load. May ini-transfer silang load sa akin. Tumalon yung load to load.

Q: (Inaudible)

SP: He has not contacted me. My message to him is, for what? What is the purpose? What is the thing that we want to accomplish if we are going to have a Constituent Assembly at this time? Election is just a matter of months away, di ba?

Q: Sir, what are the accomplishments of the Senate within this period?

SP: The share of government from the Malampaya Well and use the reduction to lower power rates in the country so that we can maintain the industries, relieve the heavy costs of electricity on the people. And then itong restoring the franchise tax on public utilities, yung Baseline Law is an important law passed by the Congress and many others. Yung Agrarian Reform Law that we passed will serve the interest of the farming sector of the nation.

Q: Sir, going back to Con-Ass, ano po ang magiging move ng Senate? Magko-caucus po ba kayo?

SP: Magkaka-caucus kami mamaya to discuss our position or move in case we get involved in the case filed in the Supreme Court.

Q: Sir, it's all-senators po?

SP: It's all-senators. You know in this particular case, there is no Majority, there is no Minority. This is an all-senator caucus.

Q: Sir, why did we suspend today's hearing?

SP: Because the complainant senator is indispose. She cannot talk. I understand she is suffering from laryngitis. And you know when you have laryngitis, you cannot emit any word.

Q: So, when will be the next hearing?

SP: We will reschedule it. Siguro after the recess.

Q: Sir, you will finish muna with Jamby.

SP: Yes, we have to finish the evidence of Jamby first.

Q: Sir, what about other witnesses?

SP: No. It's not the committee. The complainant will be the one to decide who are the witnesses she would want to present.

Q: Sir, you supported Senator Biazon's suggestion for Senator Madrigal?

SP: For her own sake, yes.

Q: Pero sir, hindi nyo naman ...

SP: I have had the same problem - laryngitis. You know the cure for that is rest. Stop talking. I think her vocal chords must have been resected when she was testifying the whole morning during the first hearing. Even I when I speak for an extended period of time, my vocal chords suffer.

Q: Nagpasabi si Speaker Nograles na pupunta siya?

SP: As a matter of deference to the Speaker of the House, I have to meet him. There is nothing wrong with meeting him. And I would like really to hear the purpose of this exercise that was done in the House because I cannot see, I cannot really fathom the purpose of this exercise.

Q: Sir, are there any threats to the 2010 elections with the Con-Ass?

SP: Wala. The only problem that I see in the 2010 elections is whether the automation will work. And if not, whether the Comelec is prepared to do a manual election immediately if they found out in the course of the election that the automation will not really work as they expected it.

Q: Sir, may winning bidder na yung Smartmatic.

SP: Smartmatic. It may not be just Smartmatic. Baka Stopmatic ang lalabas non.

Q: Nag-breakdown yata yung system nila.

SP: Yun ba yung umusok?

Q: Sir, palagay nyo kailangan pang i-open yung bidding?

SP: Wala na. Wala ng time. Kaya sinabi ko sa kanila noong nagkaroon ng hearing and I was there na pinakamabuti diyan ay while you have to follow the legal mandate that will automate the election, don't just disregard manual election. You have to prepare for it because it is possible that your automation may not work.

Q: Pero hindi nila pwedeng gamitin yung supplemental budget?

SP: No, they cannot use that.

News Latest News Feed