Press Release
June 4, 2009

Transcript of Majority Leader's interview after the all senators caucus

On chacha issue

May pinirmah po kaming resolution hindi po puwedeng gumalaw ang Charter Change na ang House of Representatives lamang ang sasayaw. Kailangan dito po dalawang legislative bodies ay dapat sumayaw ng Chacha. Kung ang isang tao nagsasayaw ng Chacha mukhang baliw di ba? Dapat iyan ay may ka-partner. Dito po sa Senado ayaw po namin mag-Chacha dahil malapit na po ang eleksyon. Huwag na natin guluhin ang sistema, pagusapan na lang natin ang Chacha pagkatapos na ng halalan sa 2010.

Hindi ba parang inunahan na kayo ni Atty. Oliver Lozano para kuwestiyunin sa SC

Hindi ko nga alam kung anong agenda ni Atty. Lozano medyo (comment: aba Lakas si sir), hindi maski na po ako ay Lakas iyon po ang aking stand tutol po tayo diyan at paninindigan ko po iyan. At nilagay ko po iyong signature ko doon sa resolution ni Sen. Pangilinan iyong dati pa. That's an adopted resolution signed by all, unanimous iyon so paninindigan po namin iyong resolution na iyon.

Sa swine flu virus dalawa na iyong nag-positive

Alam mo talagang mangyayari iyon kapag pasukan. At pasukan po ngayong magkakaroon ng crowd, magkakaroon ng pagkalat. Dito nga ang dami-dami natin tignan mo halos dalawang nandito iyang nasa hallway na ito kung isa sa atin ang may swine flu di lahat tayo ay apektado dito. Pero ang sa atin lang huwag po silang mabahala dahil unang-una iyong terminal cases ng swine flu ay less than 0.5 percent less than one percent. Mas grabe pa ang dengue, mas grabe pa iyong typhoid, may grabe iyong hepa dito sa ating bansa at mas grabe pa iyong rabies dito sa ating bansa. Kaya huwag pong mabahala at uminom lang ng gamut at ingatan po ang ating Sarili, maghugas ng kamay at mga naghahalik ng chicks mag-toothbrush.

Kanina sa Committee of the Whole sinabihan ni Pong Biazon si Jamby na magpa-check up daw dahil three days ng may lagnat

(laughs) No comment ako diyan kayo talaga.

Ilan kayong lahat

Ano kami si Sen. Gordon, Sen. Noynoy, Sen. Gregg, Sen. Nene Pimentel, Sen. Enrile, Sen. Jinggoy, Sen. Mar, Sen. Lacson, walo kaming lahat.

Ngayon lang kayo sir

Hindi pero at least nagkaisa kami. Nagkakaisa kami ngayong wala ng away-away. Wala ng bangayan dito.

Iyon bang stand ni Nene iyon ba ang stand ng minority

Yes.

????? version ng Senate ?????

Hindi nagkaroon ng panibagong amendments kaya magkakaroon ng bicam. Dinala na po namin kagabi ang bicam members mga apat na majority, tatlong minority.

Kaya

Kaya kasi ang plano ni Senate President i-retroactive rin ng July so maski i-ratify po natin ng July 28 pero ang effectivity July 1, 2009, so wala naman effect kaya huwag mabahala agn ating mga magsasaka its as good as done.

Magba-bicam during recess, allowed ba iyon

Yes may in-approved kaming resolution that we can have bicams, committee hearings and special meetings during the recess. Sa kanila nagsagawa din sila ng ganoong klaseng resolution na puwedeng magkaroon ng special meetings during the recess ang House of Representatives.

Kahit hindi na mag-special session

Hindi na kailangan siguro kasi kung special session magtatawag muli tayo ng mga mambabatas marami sa kanila sa umuwi na sa kanilang mga probinsiya at nangangampanya na doon kasi malapit na ang eleksyon. So, I suggest para hindi maguluhan ang sine die ng ating dalawang legislative houses pagbalik na lang natin ng July 28, which is Tuesday, July 27 is Monday SONA iyan wala po tayong mapapag-usapan sa floor. July 28, first hour, first priority iyong ratification ng CARP so wala na pong problema iyan.

Hindi naman. Hindi naman na 27 days actually you cannot say that kasi may bicam report na, so pagmay-bicam report na i-retroactive namin sa July 1. Ano naman magagawa ng DAR sa 27-days na hindi nila nagawa in 20 years, so may 5-years naman silang time-frame. So, 27 days in 5 years is not much.

Na-approve na iyong Anti-Voyeurism

Na approved natin kagabi on second reading, so i-3rd reading namin iyan sa July 28 hindi nakaabot sa three day ruling we'll finish it by then.

Ano iyong salient features

Well iyong penalty diyan kapag nagvi-vdeo tape po kayo ng private parts ng babae o lalaki basta any individual, at kung hindi niya alam at pinakalat niyo po iyan violation iyon. Maski na alam niya pero pinakalat mo na hindi niya gusto violation din po iyan. Imprisonment and penalties of financial penalties or fines. Kung gaano katagal hindi ko na naalala. Si Chiz Escudero ang nag-sponsor.

May jail term iyon

Kapag in-approve namin iyan within the next two months that is applicable to Hayden Kho kasi kung iyong noon pa ipin-file iyong kasi magkakaroon ng batas that can still be sakop na siya noon.

Pero kung nangyari iyong insidente before the law

Well they're still litigating the case. I don't know there maybe a legal problem there pero ang sabi ni Chiz sakop si Hayden Kho dito e, abogado naman iyan.

Wala naman retroactive sa batas

Pero kung hahanapan ng batas iyan meron na, maglalabas ng batas kapag labas ng desisyon ng korte.

Sa special meeting sa sine die, iyong committee hearing doon sa ethics, sa Committee of the Whole

Baka wala munang Committee of the Whole hanggang pagbalik natin.

Balik lang sa CARP, ano ba ang major disagreements dito, di ba sa funding lang

Well 147 iyong dito, I think 100 million sa House. Marami pang maliliit na amendments. Minor amendments but I think its a done deal. We are giving them one and a half month to finish the bicam report so, by July 28, I'm sure they can come out with their own version.

News Latest News Feed