Press Release
June 15, 2009

Transcript of interview in DZMM with Neil Ocampo
with Senator Manny Villar

Q: Balita naming galling po kayo abroad, ano po ang ginawa ninyo doon at pagdating ninyo sa airport kayo ba'y sumailalim din sa proseso ng detection kung kayo ay merong virus na dala?

Villar: Ay oo. Lahat ng dinadaanan ng isang pangkaraniwang kababayan natin. Maski sino dumadaan don, Senador, anuman ang trabaho mo. Tama naman yon dapat mahigpit tayo sa airport para ng sa ganon ma-control natin yang swine flu na yan. Yung lakad ko sa America, naimbita na dumalo dito sa pagdiriwang nitong Independence Day, Araw ng Kalayaan doon sa New York at kasama ko nga si Vice President don. Maganda naman yon dahil matagal nang nag-iimbita yon, subalit ngayon lang tayo nakapunta . Magandi rin na maibahagi natin sa kanila, yung mga OFW na kababayan natin yung mga nangyayari dito sating bansa.

Q: So, ito po ay opisyal na lakad ho ito Mr. Senator?

Villar: Oo. Ito ay imbitasyon ng mga taga- New York para sa selebrasyon at pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Q: Pag ganyan po ba na mga imbitasyon, sino po ang gumastos nyan?

Villar: Personal ito. Walang gastos ang gobyerno dito at ito'y bilang pagbibigay lamang sa ating mga kababayan doon, kaya lahat ng gastos ko dito ay personal at galling ito sa akin.

Q: itong nakaraang linggo meron pang mga 50 o 70 driver pa na stranded sapagkat naloko sila ng recruiter . Ito po ba ay nakarating na rin sa inyong tanggapan o humingi na rin ng tulong sa inyo bukod pa don sa mga ilang OFW na tinutulungan ninyo?

Villar: Yun ang isang kadahilanan kung bakit ako lumalabas ng ng bansa. Sa tuwing lalabas ako, tinitingnan ko yung mga ganyang problema natin at nakarating na sa amin yan. Actually walang tigil ang dating sa atin ng mga suliranin, bagama't tuloy-tuloy ang pagtulong natin, pero okey lang naman yan, isa yan sa mga tinitingnan natin ngayon. Patuloy pa rin ang ginagawa nating pagtulong, at sampu ng mga iba pang mga organisasyon tumutulo9ng din sa ating mga kababayang OFW.

Q: Anon a po ang nangyari doon sa pag-iimbestiga sa inyo sa Senado?

Villar: Well, wala muna ngayon at hindi ko alam ang kanilang plano. Subali't maliwanag naman lahat ng issue ay nasasagot natin at natutuwa naman ako sa mga survey na lumalabas na hindi masyadong pinaniniwalaan itong mga isyu na ito at napapaliwanag natin at nakikita sa ating mga kababayan ang benepisyo at pakinabang dito sa c5 road project . Natutuwa nga ako don sa survey yung lumalabas na hindi naniniwala ang ating mga kababayan at yung ang ating ikinatutuwa ngayon. Bagama't hanggang ngayon ay patuloy kong ipinapaliwanag yan at maski na hindi ako tinatanong pag-ikot ko ay pinapaliwanag natin ang kahalagahan ng c5 at yung mga isyu na binibigay sa atin na pawang mga kasinungalingan.

Q: Pero ang pagpapaliwanag po ninyo hindi sa loob ng Senado kundi sa labas na?

Villar: Well, ang mga press conference ko naman ay sa Senado rin, subali't sa tao ang pangunahin kong hangarin na makapagbigay ng impormasyon, ng katotohanan. Dahil unang -una ito ang mga naghalal sa akin at mahalaga sa akin na ang ating mga kababayan ay hindi naniniwala sa isyung yan, sapagkat pinangangalagaan ko naman talaga ang aking pangalan at wala akong ginagawang masama, wala namang illegal.

Q: Don nga pala sa issue ng Constituent Assembly, ano ang inyong paninindigan dyan at ano ang paglahok ng Nacionalista Party?

Villar: Maliwanag ang posisyon ng Nacionalista Party , lalaban kami rito. Bago ako umalis ay nag-meeting kami ng Nacionalista party at gumawa kami at bumalangkas kami ng aming posisyon. Kami ay laban dito at hindi kami payag na magkaron ng anumang pagbabago sa ating konstitusyon bago mag 2010. Of course pagkatapos ng 2010 ay pwedeng pag-usapan yan, bagama't ang mahalaga ay kung ano ang gusto ng tao. Pero sa ngayon kami ay laban dyan sa Con-Ass na yan.

Q: Meron nga palang proposal na magdagdag muli ng buwis at ang tutumbukin ay ang alak at sigarilyo tila pa mga bisyo?

Villar: Well, hintayin muna natin ito Neil at meron pangangailangan ang ating pamahalaan. Hintayin muna natin kung bakit ang sigarilyo at ang alak ay dapat increasan ng tax. Aalm natin na ako sa prisnipyo, ayoko ng anumang klaseng buwis, bagama't dito sa alak at sigarilyo ay mga buwis na pwedeng ipaliwanag. Kaya nangangamba akong buksan ang aking isipan dito sa issue na ito.

Q: Merong issue pa don sa text tax, yung sa pagte-text ay dapat buwisan ?

Villar: bukas ang aking isipan dyan, naniniwala ako na yan ay ginagamit ng lahat ng ating kmga ababayan at hindi dapat buwisan.

Q: Pero kung ang umiiral na bawat text ay piso at gagawin na lamang itong singkwenta singko sentimos, yung five centavos na itinaas from fifty centavos to fifty five yung fine don idadagdag sa buwis, palagay ko hindi ho masyadong mahirap na eksplanasyon yon, yung piso gagawin na lamang singkwenta tapos singko sentimos na lamang ang ibabawas sa buwis, pwede na siguro yon?

Villar: Kung bababa ang binabayaran ng ating mga kababayan, basta mas mababa sa binbayaran ngayon. Anumang buwis na ipapataw dyan dapat sa kumpanya, hindi sa mga tao.

Q: Kelan po ba ang muling pagbubukas ng sesyon ng Senado?

Villar: Huling linggo ng July yan, normally sa SONA tinatawag. Bagama't yung unang linggo ng pagbubkas nyan ay puro halos seremonyas lamang at ang normal na sesyon ng kongreso ay mga Agosto na.

Q: ang balita naming ay magpapa-imbestiga rin kayo pero hindi sa issue ng kay Ping Lacson, o sa anumang mga may kinalaman sa may hibo ng pulitika kundi itong pag-iimbestiga kung talagang ang mahihirap na estudyante ang nabibiyayaan ng mga scholarship program na ito ng mga unibersidad natin at sila ang nabebenepisyohan?

Villar: Mahalaga kasi na itong mga programang ito ay para sa mahihirap, yung mayayaman ay kaya naman nilang magbayad ng matrikula kaya gusto nating siguraduhin na ito'y talagang tumutungo sa mga mahihirap at yung mayayaman naman ay dapat sa pribado na mag-aral. Kaya titingnan ko kung yung mga programa ng gobyerno ay talagang pumupunta sa dapat patunguhan na wala ng iba kundi ang ating mahihirap na kababayan.

Q: Meron pang isang issue Mr. Senator, hindi pa daw po panahon ng pangangampanya pero yung mga pinapakita niyong mga ads sa TV , katulad din ng kay Binay, Mar Roxas at iba pang mga presidentiables bilyong piso na ang inyong ginagastos Mr. Senator?

Villar: Hindi naman ganun kadami yun. Bagama't unang-una liliwanagin ko po na ang ating ginagastos dyan ay hindi po nanggagaling sa ating gobyerno o kababayan. Maganda naman po ang objective nyan. Halimbawa yung ating ads sa OFW talagang napakaraming natulungan na kababayan tayo at nalagay sa kaisipan ng ating mga kababayan at ng ating gobyerno ang mga problema na sinasapit ng ating mga OFW.

News Latest News Feed