Press Release
June 15, 2009

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc
with Sen. Manny Villar

Q. Mukhang kagagaling nyo lang sa ibang bansa para kamustahin ang kalagayan ng ating mga OFW. Kamusta po ang ofw? Anu-ano po ang kanilang hinaing at paano nila hinaharap ang epekto ng pandaigdigang krisis sa ating pananalapi?

Villar: Iba't iba kasi ang tama sa ating mga kababayang OFW nitong krisis pandaigdig, may mga bansa na mas grabe ang tama halimbawa ang Dubai at ang Amerika, dito medyo hirap talaga ang ating mga kababayan bagama't resources ang ating mga kababayan dyan sa Dubai, madami sa kanila ang pumupunta sa Abu Dhabi at Qatar medyo mayamang mga kapit-bahay yan at gumagawa ng paraan para magkatrabaho dun pero ngayon, dapat mas higit pa na lakihan natin ang tulong sa kanila kasama na ang ating gobyerno sapagkat mas marami ang probelma ngayon, mas marami ang gustong umuwi, mas marami ang nagrereklamo sa amin, kaya ngayon lalo pang pinag-igi namin ang aming tulong sa OFWs.

Q. So ang OFW helpline natin dinadagsa ngayon ng mga request o kahilingan?

Villar: Mas dumarami ngayon pero naiintindihan naman natin kasi meron tayong pandaigdigang krisis, pero ang mga senyales naman ay mukhang hindi na masyadong lumalala at nagiging estabilized na.

Q. Naalala ko nga pala, kayo po ay kagagaling nyo lang sa ibang bansa, kayo po ba ay nagse-self quarantine ngayon?

Villar: Ako ay nasa bahay ngayon, mabuti na rin na ginagawa natin yung nasa batas at makatulong sa pagsugpo ng paglaganap ng swine flu o H1N1 at dito naman ay tama ang ginagawa ng gobyerno at mas higpitan pa para lalo nating masiguro na protektahan ang ating mga kababayan.

Q. Last week po ay nagsimula na ang protesta konta Con-Ass at kasama sa mga lumahok ay ang Nacionalista Party, ibig po bang sabihin nito ay magiging aktibo ang NP sa mga susunod na pagkilos kontra Con-Ass?

Villar: Oo. Nag emergency meeting nga kami noon sa Nacionalista Party at talagang kami ay laban dito. Hindi naman dahil sa ayaw naming pag-usapan ang pag-amyenda sa konstitusyon, kung hindi nakikita namin na hindi dapat gawin bago mag-2010 at hindi dapat balewalain ang ating mamamayan, kung ano ang iniisip nila, walang mga short cut dapat, at dito ay tumututol kami at inalekto na namin ang aming miyembro sa buong kapuluan para tumulong sa pagkontra sa Con-Ass.

Q. Isa pa sa hinihiling ni Pangulong GMA ngayon sa mga kaalyado sa kongreso ay pagpapatibay ng Revenue Generating Measures, isa na dito ay pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo. Ano ang damdamin nyo tungkol dito bilang isang kagawad ng Senado?

Villar: Ang sa akin kasi sa ngayon dahil sa may krisis tayo, ayoko anumang pagtatas ng buwis, ayoko na may tataas na buwis, kaya nga lamang, syempre kung may itaas tayo na kahit isa, ayon ang inuuna kahit saan namang bansa, yung sa alak at sigarilyo, kaya titingnan ko muna ang isyu na ito at aalamin natin kung bakit kailangang magtaas ng buwis pero kung sa akin lang in-general, ayaw po natin ng pagtataas sa panahong ito.

Q. Meron po kayong panukala ngayon sa Senado na imbestigan kung talagang mga mahihirap na estudyante lamang ang nakikinabang sa mga State Colleges and Universities, pakilinaw po nito?

Villar: Marami kasi ang nagrereport sa akin na may mga mayayaman din ang gumagamit ng scholarship na para sa mahihirap, dito hindi naman tama yan, dahil ginawa yan ng ating pamahalaan bilang tulong para sa mahihirap nating mga kababayan at yung mayayaman naman na dapat pang-pribado naman, na kaya naman nilang bumayad at ipaubaya na lang nila sa mahihirap ang scholarship.

Q.Kung sabagay ngayon napapansin ng ating mga kababayan sa mga State Colleges and Universities, de-driver, de-kotse ang mga estudyante

Villar: Kaya nga. Kaya sabi ko dapat siguro tingnan nating mabuti ito, sapagkat ang mayayaman naman kaya naman nilang bumayad sa mga pribado, iwanan na lang nila sa mahihirap ang mga ganitong programa.

Q. Marami po ang nagtataka sa pagiging abala nyo sa pagtulong dito sa mga OFWs at iba pa nyong concern na lumilitaw dito sa analysis ng Senado na kayo ni Sen. Miriam Santiago ang may pinakamarami pa ding panukalang batas sa Senado ang naitaguyod

Villar: Alam mo time management lang yan, mahusay tayo mag manage ng ating oras. Sa totoo lang, wala na nga tayong pahinga, hindi ko pa din mahindian yung mga imbestasyon sa atin mula sa iba't ibang probisya pero okey lang sa akin yan, dahil dyan nakikita ko ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan, tayo mismo ang kanilang pinagsasabihan ng kanilang mga hinaing at karamihan sa aking mga panukala batas ay binabatay ko sa mga problema at pangangailangan ng ating mga kababayan na nakikita ko sa pag-ikot sa buong Pilipinas.

Q.Siguro isa ito sa nakikitang dahilan kung bakit nagiging front liner kayo ngayon sa iba't ibang presidentiable survey. Yung latest SWS survey, na dislodge nyo sa number 1 position si VP de Castro sa 2009 2nd quarter sa The Center Survey , kayo naman ang nanguna kapag naman nine way race ang magaganap na election. Ano ang koment nyo tungkol dito?

Villar: Alam mo nakakataba naman ng puso ang binubuhos na suporta at pagmamahal sa atin ng ating mga kababayaan kaya naman hindi ko pinapansin ang paninira sakin at patuloy lamang ako sa aking trabaho at pagtulong sa ating mga kababayan at natutuwa pa ako sa mga survey na yan, dahil dyan lumalabas na hindi naniniwala ang mga tao dito sa isyu ng C5 na pinararatang sa akin at nakikita nila na pinagtutulong-tulungan lang ako ng mga kalaban ko sa 2010 election at ako naman ay patuloy na nagpapaliwanag kung ano yung C5, yung kagandahan ng project na yan, yung mga benepisyo na mabibigay nan at nililiwanag natin sa ating mga kababayan na wala naman tayong napala dyan at walang illegal dyan at yan ay pawang paninira lang sa akin.

Q. Marami po ang nagtatanong at nagtetext ngayon. Meron na po bang napiling ikakandito bilang bise-presidente si Senador Manny Villar?

Villar: Hindi ko muna iniisip yan, bagamat nakikita natin kasi na sa dinami-dami ng mga kakandidatong president, syempre alam natin na kakaunti lang ang magtutuloy dahil siguro sa magkakaroon ng alignment yan at dyan na tayo siguro pipili ng ating magiging bise.

News Latest News Feed