Press Release
June 23, 2009

SEN. REVILLA'S STATEMENT ON THE IMUS SHOOTING INCIDENT

        Nalulungkot kami sa nangyari sa aming mga kamag-anak. Napakabayolente ng kanilang sinapit na kapalaran na naulat na nagsimula lang sa simpleng pagtatalo sa trapik. Marahil ay naiwasan ito kung umiral ang lamig ng ulo.

        Humihingi ng katarungan ang mga naulila kaya umaasa ako sa ating pulisya na gagawin nito ang lahat para magkaroon ng agaran at positibong resulta ang kanilang imbestigasyon. Dapat panagutin ang dapat managot, kamag-anak ko man o hindi.

        Nanawagan din ako sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kampanya nito laban sa loose firearms. Dapat tiyakin ng PNP na 'di mapapasakamay ng kung sinu-sino na lang ang mga baril lalo na ang mga 'di lisensiyado. Dapat ding matiyak na responsable at mahaba ang pasensiya ng mga sibilyang bibigyan nito ng pribilehiyong magdala ng baril sa labas ng kanilang pamamahay.

News Latest News Feed