Press Release
July 15, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. CHIZ'S INTERVIEW

Amnesty for Abu Sayyaf

Kung makakabuti bakit ba hindi pero dapat resolusyunan pa rin an gugat ng problema, kahirapan at kawalan ng development sa Mindanao, pagbigay sa mindanao ng karapat-dapat NA IBIGAY SA Mindanao. Palaging dapat unahin ang mapayapang solusyon sa problema, kung bibigyan ng amnestiya, bakit hindi.

Parang it only condoles yung ginawa nila?

Oo at hindi, dapat timbaigin ng pamahalaan ang pagbibigay ng amnestiya, dadaan naman yun sa Kongreso upang sa gayon malaman at makity natin ito nga ba ang sagot sa matagal na anting hinahanap na kapayapaan sa kabila ng kaguluhang nakikita natin sa Mindanao. Sana lang hindi amnestiya ngayon tapos may mga bago na namang ipapanganak, sa mga bagong ASG o anumang pangalan at pareho pa rin ang problemang kakaharapin natin matapos anting gawin ito.

Hindi ba't ginagawa naman talaga nila, pati yung pagrelease na iyon, imposible namang hindi nila kausap. Matagal nang sinasabi ng gobyerno na no negotiation imposible naman hindi nagkausap o nakkiipag-usap. Sa kasaysayan ng pagbibigay ng amnestiya madalas ito ay ibinibigay don sa mga grupong may cause na pinaglalaban: kalayaan, independence at hindi mga grupo na kriminalidad ang gawain. Siguro marapat tingnan ano nga ba ang ugat ng ASG para makita at malaman natin kugn kwalipikado nga ba sila dito o hindi. Pero kwalipikado man o hindi basta kapayapaan ang nasa dulo marapat ikonsidera pa rin yan ng gobyerno.

Dapat conditional lang yung...

I think all options should be considered if amnesty will give us the long, the peace that we have been looking for. Why not?

Sir days before the release of Vagni nandito yung CIA chief, may kinalaman kaya yon?

Alam mo nabasa ko sa isang payayagan na may hinihintay daw na foriegner bago marelease itong si Vagni, wala naman yatang ibang foreigner na dumating maliban dito kay Panetta. Libre siguro mag-isip at iugnay ang pgdating ni Panetta at pagrelease ni Vagni pero sa dulo mahalaga pa rin narelease siya, ano man ngayon ang koneksyon kung meron man dapat tingnan natin after the fact na lang siguro, ang mahalaga sa ngayon siya ay ligtas at siya ay narelease.

Kung may kinalaman sa pagrelease parang ibig sabihin non hindi kaya talaga ng Pilipinas ang pagpapalaya kay Vagni?

Kung totoong nakialam siya, ang mas nais kong makita at malaman saan siya nakakuha ng lakas, koneksyon at impluwensiya para siya ay pakinggan at hindi pakinggan ng mga Pilipino at mga opisyal ng ating pamahalaan. Gaano ba kalalim ang uganayn kung mayroon man niya sa mga grupong ito para siya ay hintayin, siya ang pakinggan at hindi yung mga opisyal natin na ilang buwan ng nakikipag-usap sa mga grupong ito.

Obama and GMA meeting...

Gusto man natin o hindi si GMA, kinakatawan pa rin niya ang ating bansa at karangalan pa rin paar sa ating bansa ang harapin at kausapin ang pinakamakapangyarihan bansa sa buong mundo. Sana lang ang ang maalala niya ay interes at kapakanan ng mga Pilipino at hindi pag second the motion na lamang sa mga gusto o nais ng mga Amerikano dito sa ating bansa. Sana sa kanialgn pagpupulong maalala rin ng Pangulo ang mga paalaal at mga hamong ibinitiwan kaugnay sa pagtitipid sa byaheng gagawin kung saan kung sino lang ang kailangan yun lang din ang isama, dahil hindi naman nating kailangang makipagsabayan sa gastos ng mayayamang bansa at hindi naman nating kailanagngmagpakiatng gilas sa dami o sa bialng ng mga opisyal na galing dito na pupunta lalong lalo na sa Estados Unidos.

Almost 100 congressmen daw ang gusto makasama...

Well yung nagpapalista siguro 100 pero sana ilista laamng tulad ng paalala ko dati imbes na 20, baka pedeng dalawa, sa kasong ito imbes na 100, baka naman pedeng hindi muna lumagpas ng sampu dahil panahon na ng sesyon yan , magreresume ang Kongreso sa July 27 kung wala sanang sesyon baka pede pede pa kung sarilin ilang gastos pero sa sitwasyong ito gastos man nila o hindi panahon pa rin ng sesyon yan at marapat at kailangan ng presensiya ng mga mambabatas, lalong lalo sa mga mahahalagang panukala tulad na lamang ng pag-extend ng Land Reform Law.

Yung Charter change pag-uusapan kaya nila yon?

Sana hindi dahil wala naman silang pakialam don at sana hindi tayo pakialaman at panghimasukan kaugnay non. Kung ipapaalaman pa o kung kailangan pang ipaalaman yan ng Pangulo bago niya ito ituloy gawin sana sa atin siya magpaalam, hindi sa dayuhan.

Sabi gusto daw ng US na No El tayo....

Hindi maganadng pakinggan sa tenga yon yung panghihimasok dito sa ating bansa nga mga dayuhan, naniniwala ako na kayang hadlangan at pigilan ng mga Pilipino ang ganyang uri ng senaryo na No El at marapat umasa muna tayo sa ating sarili bago tayo humingi ng resbak sa ibang sa ibang bansa.

Sir tungkol sa defense treaty with the US....

Matagal ko nga hinihingi na ireview ang mga kasunduang pinasukan natin partikular sakaugnay sa criminal jurisdiction sa mga maaakusahang dayuhan o banyaga dito sa ating bansa. Para yung nangyari sa kaso ni Daniel Smith na hindi na muling maging ugat ng isang malaking kaguluhan at hindi pagkakaintindihan dito sa ating bansa. Maliban dito dapat timbangin din ng Pilipinas baka naman masyado tayong nagpapaka-cheap sa dinami-daming ibinibigay natin sa bansang Amerika ang nakukuha natin ay barya barya lamang o sukli lamang. Marapat at dapat bigyan naman nating ng mas malaking pagkilala ta timbang ang tulong na ibibigay ng Pilipinas sa Estados Unidos at tulong din na pedeng ibigay ng Estados Unidos dito sa atin.

Yung tungkol kay Loren, nagdeclare na siya at kay Erap daw siya sasama, sir so solo nyo na yung NPC... nasorpresa kayo sa deklarasyon?

Sinabi naman nya noon pa na yan ang nais nya at yan ang nais niyang puntahan o takbuhang puwesto sa darating na halalan, ginagalang at nirerespeto ko yon, noon o maski na ngayon, at walang pagbabago at mababago sa pagiging magkapartido namin, kung may epekto man yon partido ang marapat magsalita tungkol dyan at hindi ako.

Hindi ba yon yung niluluto na dapat tandem kayo, hindi kayo maghihiwalay pero ngayon sinasabi niya makikipag-alyansa lang siya kay Erap...

Ayaw ko munang magkomentaryo ng positibo o negatibo hanggat hindi pa siguro kami personal na nagkakausap at nagkikita dahil sa mga panahong ito, uso na yung dalawang kahulugan sa iisang salita, uso na yung tsismis at intriga na pinagmumulan ng hindi pagkakasundo,na pagnagkita kayo matapos ang ilang panahon eh wala naman palang dapat na hindi pagkasunduan.

Sa palagay nyo magugustuhan ng partido nyo yung naging pahayag ni Loren?

Ayokong pangunahan ang NPC, meron silang sariling tagapagsalita, may sarling mga opisyal ang NPC at ako'y ordinaryong miyembro lamang ng NPC tulad niya.

Masaya ka ba sa pagdeklara ni Loren?

Masaya ako para sa kanya at karapatan niyang magdeklara ng kanyang ninanais sa darating na halalan, wala naman sigurong dapat na mainis o magalit kaugnay sa ganyang uri ng pasya dahil dapat respetuhan naman talaga at galangan kaugnay ng paninilbihan sa bayan.

Anong implication non, does it mean hindi na sasama sa inyo si Loren...

Magandang malaman ninyo yan mula sa kanila, marahil kapagka kami nagkita at nagkausap mabibigyang linaw din yan.

Sir pagnakausap kayo posible pa bang Chiz-Loren o Loren-Chiz?

Lahat ay posible sa aking pananaw at palagay, mahirap magsalita ng patapos at tuldukan anumang posibilidad sa larangang ito ng halalan.

Sir kahit na mag-VP ka?

Ni hindi pa ako naga-aanunsiyo ng pagkapangulo, kung kayat hindi naman konsiderasyon na kahit na magVP ka. Bukas ang akin gpananaw at kaisipan kaugnay nya, ni wala pa akong pormal na pag-anunsyo at pahayag kaugnay sa nuamng puwesto.

Masaya ka ba kasi dahil solo mo na yung NPC...

Politics is always addition, hindi dapat pagmulan ng kasayahan ang kabawasan kung saka-sakali.

Pero sir the mere fact na sinabi ni Erap na ok lang sumama si Loren basta mag slide down sa pagiging bise sopedeng bumalik siya sa NPC?

Hindi panaman siya umaalis o inaalis sa NPC, bahagi naman siya ng NPC so ni hindi pa dapat pag-usapan ang pagbalik o hindi pagbalik dahilsa punto de vista namin siya ay bahagi ng NPC.

Sir wala pang reaction ang NPC sa declaration ni Loren?

Magandang tanungin natin sila ng sabay-sabay dahil hindi ko pa rin sila nakakausap.

So wala kang intensyon na alamin?

Desisyon nila yan, dahil kung saka-sakali interested party ako dyan at hayaan na lamang natin na magbigay sila ng sarili nilang pahayag tungkol dito.

Wala naman isinama ng loob si Loren sa NPC kaya...

Hindi ko rin alam, hindi kami nagkakausap lately tungkol don, puro trabaho lamang sa senado ang pinag-uusapan at pinagsasamahannamin at wala naman akong nalalaman na pedeng pag-ugatan ng anuamng bagay tungkol dyan.

Ayoko ring pangunahan, ayokong pangunahan, magspeculate o manghula tungkol sa bagay na yan.

In the end it will be the decision of the party or the personality?

In the end it will always be the decision of the individual, tulad ng madalas kong sinasabi, hindi ko kayang sabihing kapagka inendorso ng partido, diko kayang sabihinh kapagka nanawagan ang sambayanan, dapat hayaan natingmaging first test of leadership yan ng sinuamang kandidato o kakandidato, akuin yung pagpapasya kaugnay ng pagtakbo at harapin anumang consequence o responsibilidad kaugnay ng pagdeklara niya sa anuamng posisyon. Mahirap naman pagdeklara laamng pinapasa na at isinisisi na sa iba. Dapat unang hakbang pa lamang balikatin na ng kakandidato ang responsibilidad kaugnay sa pagdesisyon.

Sir yung Unioil nagpatupad ng malaking rollback unlike the Big 3...

Tulog na naman sa pansitan ang DOE, hindi na naman nila ginagawa ang kanilang trabaho, barker na naman silang pagtaas o pagbaba ng presyo ng langis at gagalaw na naman, reactionary kapagpaka meron nagbaba at hindi nagbaba ang ilan o ang iba. Patuloy ang aming hamon at panawagan sa Department of Energy, sana bago isipin ng mga opisyal sa Department of Energy ang pamumulitika, ang pagtakbo o halalan sa 2010, sana asikasuhin muna nila ang trabaho nila sa kani-kanialgn departamento at kung talagang ninanais na lang nila magconcentrate sa kanilang pagtakbo sa darating na eleksyon, siguro dapat ibigay na nila ang puwestong yan sa ibang mas responsable na kayang gumanap ng tungkulin partikular sa kasong ito ng Department of Energy.

So si Secretary Reyes naka-focus na sa kanyang political plan...

Isa siya sa mga napapabalitang may balak tumakbo at lumahok sa halalan sa 2010 at para patunayan siguro na hindi ito totoo, maganadng tutukan sana niya ang kanyang trabaho at ipakita na yung matagal nanialng pinagmamalaking accounting daw na isasagawa sa mga oil firms, yungkanialng audit na matagalna nialng sinasabi, magdadalawang taon na, magbi-birthday na ng pangatlong taon, matanda pa sa mga anak ko, hindi pa rin lumalabas. Sana gawin nila ang kanilang trabaho at kapangyarihan sa ilalim ng oil deregulation law dahil nasa batas naman yon.

Sir ano yung pumipigil bakit hindi mabuksan-buksan yung mga libro?

Aba'y hindi ko talaga maintindihan sa kanila kung bakit, paano, saan at kailan, inanunsiyo yan, inutos pani GMA at matagal hinintay ng marami, nakalagay naman sa batas, hindi ko alam kung bakit hanggang sa ngayon hindi magawa at hindi mailabas.

Dapat pa bang manatili si Angelo Reyes?

Matagalko ng pinanawagan, ito'y pang-apat na niyang departamento sa pamahalaan, marahil magkakaroon pa ng pang lima kung patulyo na ganito ang magiging performance ng Department of Energy, dalawang bagay lang naman yun kung saka-sakali, sobrang husay ng isang kalihim o hindi pa nakikita ng Pangulo kung saan talaga ang talento niya. Di ba DND, DILG, DENR ngayon DOE.

Sir reaction lang patuloy ang pagbaba ng rating ni GMA sa SWS survey?

NR (no reaction) na siguro dahil hindi na rin naman nakakagulat yon, base sa mga iskandalo na pumuputok at lumalabas sa gobyerno, base sa kawalan ng aksyon nila sa kasalukuayng krisis, kahirapan at kawaaln ng trabaho ng marami sa ating mga kababayan, base sa pagpili niyang bumyahe imbes na manatili dito sa bansa at tutukan ang problema. Huwag na tayong magulat kung bakit mababa ang rating trust man o approval ng atingmga kababayan kay Pangulong Arroyo at sa kanayng administrasyon.

Hindi pa naman siya lameduck president?

Hanggat nandyan ang usapin ng Cha-chat at hanggat binabandera nila ng usapin ng Cha-cga marami pa ring mga politiko at opisyal sa gobyerno na hindi siya ituturing na lame duck at marahil yan din ang dahilan kung bakit nandyan pa ang Cha-cha para hindi siya ituring, tingnan at itratong lame duck president less than one year bagomatapos ang kanayng termino.

Kung supposed bribe ng Pfizer para hindi maimplement ang cheaper medicine law...

Nilagay sa batas ang price control, hindi ko maintidihan kung bakit naghuhunos-dili pa at urong-sulong pa si Pangulong Arroyo gayundin si Secretary Duque kaugnay sa bagay na ito. Kapangyarihan yang ibinigay sa Pangulo na sa aking palagay napapanahong gamitin yan, partikular sa panahong ito ng krisis at mayroon tayong epidemya na kumakalat sa ating bansa. Hindi na nga sana kinakausap o pinapakiusapan pa angmga kumpanya ng gamot dahil itoy isang bagay na ginagawa dapatng gobyerno para sa ating mga kababayan, gusto man o ayaw man ngmgakumpanya ng gamot.

News Latest News Feed