Press Release
July 28, 2009

Transcript of Interview with Sen. Richard J. Gordon re Blue Ribbon Committee Hearing on Delinquent Housing Loans

Sen. Gordon: Napakapangit ng nangyayari sa bayan natin na magpapautang tapos hindi makolekta. I am disappointed. Wala bang kakayahan ang bayan natin na maiayos yan? Ang nakikinabang iilan, hindi mapaikot ang pera para makautang pa ang mas marami. Kung nagbabayad lahat yan mas marami tayong pabahay. P53 to 63 billion ang hindi nababayaran. Syempre pag pinapautang mo yun at hindi nagbayad, hindi makakautang yung ibang kayang magbayad o gusto magbayad. Dapat kasi pag hindi nagbayad singilin mo kaagad, hindi mo dapat pabayaan yan. Sasabihin mo ayaw magbayad, eh hindi ganun, i-file mo kaagad yung kaso. Kung talagang mahigpit ang enforcement mo hindi mo sila pababayaan na lumawig yung utang sapagkat habang lumalaki at pumapatong ang interes hindi na talaga magbabayad yan.

Q: Kahinaan ba yan ng liderato?

Sen. Gordon: Kahinaan ng sistema natin at liderato.

Q: Liderato ni vice president?

Sen. Gordon: No, dahil nangyari na yan bago siya eh. Pero ngayon kahinaan pa rin dahil hindi niya kinokolekta.

Sabi ko nga, limited ang resources na yan, hindi ganun kalaki ang pera ng gobyerno kaya pag pinahiram mo yan dapat mabilis din ang pagbawi pag hindi nagbayad. That should go for everybody. Dapat credit-conscious ang Pilipino. Pag umutang ka babayaran mo, at pag hindi ka nagbayad paparusahan ka.

Q: Would you say competent naman si vice president dito sa housing?

Sen. Gordon: I asked him kung ano ang housing program. Sabi nya failure eh. That means dapat ayusin niya. Sabi ko nga ano ang grading mo, sabi niya failure. Talagang failure, sabi ko.

Q: Sir, kung failure po dito sa pabahay pa lang, what more if he aspires for a higher position like that of the presidency?

Sen. Gordon: That has nothing to do with it. Pag nahawakan mo ang posisyon, you either pass or fail, and if you fail ipaliwanag mo. Syempre halimbawa pag hawak mo ang tourism, pananagutan ko kung ano ang kulang ko kahit na nangyari before my time aayusin ko para maipakita ko sa tao na kaya kong ayusin ang ginagawa ko.

News Latest News Feed