Press Release
July 28, 2009

Transcript of interview in DZBB with Mike Enriquez with Sen. Manny Villar

Q. Sumipot po ba kayo kahapon sa SONA, hindi po kasi naming alam kaya kami nagtatanong?

Villar: Hindi ako sumipot sa SONA at meron tayong ibang ginawa, naimbita kasi ako sa iglesia ni kristo, pero hindi ko naman talaga binalak na pumunta sa SONA at makikibalita na lang tayo ng mga nangyari.

Q. So sinadya nyo talagang hindi umattend ng SONA, kesyo anibesaryo ng Iglesia or hindi, ganun ho ba yun senador?

Villar: Oo, ganun naman yun.

Q. Pero alam nyo na yung nilaman ng talumpati ni pangulo Arroyo kahapon?

Villar: Alam mo, sa aking paniniwala kung sino man ang nanunungkulan may magrereport ng isang bagay na maganda sa kanyang nagawa. Wala naman akong nakita na nanunungkulan na hindi magrereport ng maganda, syempre ganun yan. Bahala na ang mamamayan na siyang humusga kung tama ang sinabi ng nanunungkulan o sang-ayon sila o hindi, pero sasabihin ng pangulo ang marami niyang ginawa na maganda syempre expected na yon.

Q. Palaban po ang talumpati kahapon ng pangulo, hindi lang po sa sinasabi nyo na natural lang na kahit sinong pangulo na i-ulat ang mga nagawa ng kanyang administrasyon, okey nandun na po tayo pero bukod po dun, palaban at matapang yung talumpati ni pangulong Arroyo kahapon senador?

Villar: Palagay ko naudyukan yun at baka naman sa tingin niya ito na ang kanyang kahuli-hulihang SONA at baka hindi na siya makasagot, alam mo minsan ganyan at tao din yan. Bagamat ako personally, hindi naman ako sang-ayon din dahil sa aking pananaw ang talagang tunay na kalagayan ng isang bansa ay doon makikita sa kalagayan ng pinakamababang bahagi ng ating lipunan, dumadami ang walang trabaho, dumadami ang nagugutom, dumadami ang nahihirapan, mahirap natin sabihin na gumaganda ang ating buhay.

Q. Mr. Senator may bahagi po ng talumpati akong papakinig sa inyo: "The campaign unfolds and the candidates takes it in the air wave, I ask them to talk more about how build the nation rather that tear down their opponents. Give the illectorate real choices and not just sweet talk". Bigyan nyo daw po ang mga botante ng totoong pagpipilian at hindi puro matatamis na pananalita lamang.

Villar: Dyan naman ako sumasang-ayon sa pangulo. Kahit marami akong hindi sinasang-ayunan katulad ng kalagayan ng ating ekonomiya at kalagayan ng ating bansa, sumasang-ayon naman ako na dapat sabihin din ng mga kandidato ang kanilang mga nagawa, hindi kasi tama na sasabihin lang natin yung mga gagawin natin, dapat sasabihin din natin kung kaya nating gawin yun sa pamamagitan ng pagsasabi ano na ba ang nagawa natin nung nakaraang panahon, kapag sinabi natin na pamamahalaan natin ng maayos ang ekonomiya, meron na ba tayong napamahalaan sa buhay natin, pagkasinabi mo na ako ay magiging magaling na lider, meron ka na bang na-lead o napangunahan sa buong buhay mo, baka naman wala ka pang karanasan sa dalawang bagay na yan, baka naman mag-eksperimento ka pa o mag-on-job-training ka pa, kaya maganda din siguro kapag sinabi mo na kaya mo yan dapat sabihin mo din yung nagawa mo na, ang totoo nga nyan, alam mo naman tayo kapag daldal ka ng daldal, minsan sabi nga nila ang tubig na maingay ay mababaw lang yon, ang tubig na tahimik ay malalim. Sa akin sa palagay ko, ipakita din yung mga nagawa nung nakaraang panahon kasi yung daldal ng daldal wala rin naman nagawa ,kaya sa akin dun lamang sa aspeto na yun ako sumasang-ayon sa pangulo, dahil ako sa pag-iikot ko sa buong Pilipinas kasama ng mahihirap, kung tutulong ka, ngayon na, yun ang lumalabas na gusto nila, wag mo nang idaan sa pangako na kapag nahalal ka, tutulong ka, ipakita mo na, tumulong ka na ngayon.

Q. Buti po nabanggit nyo na ang pagtulong tulong na yan, sapagkat ito po katatanung ko lang po sa inyong katunggali o magiging katunggali kapag nagkatuluyan na sa pagtakbo sa pagkapangulo na si Sen. Roxas , na nabanggit o special mention sa SONA kahapon, mr senator. Ang tanong ko po, yung tinanung ko kay Mar, kayo pong dalawa bukod po sa iba, kitang-kita po ng taumbayan ang may pinakamalaking nagagastos sa mga patalastas sa radio, telebisyon, sa mga media etc bukod sa pag-iikot ninyo, alam ko po alam nyo ito sa kapakanan ng mga nakikinig sa radio ng ganitong oras, primetime po ito sa radio senador. May mga nagsasabi po na natatakot sila, nalulula sila sa laki ng inyong nagagastos sa mga patalastas, papano raw yan kapag kayo ang maging pangulo, pano daw yang ginastos nyo, ano yun basta wala yun, wala nang bawian yun, ganun ho ba yun senador, papano ho ba ito?

Villar: Alam mo mike, paano ma lalagyan ng presyo ang isang pangarap. Ang pangarap natin ma-iahon ang ating kababayan sa kahirapan, ang pangarap din natin makatulong sa mahihirap kung saan naman ako nanggaling, ako naman buong buhay ko ay naghahanap-buhay naman tayo, pinalad tayo, papano mo naman lalagyan ng presyo ang isang pangarap, yan e hindi natutumbasan ng pera yan, kung malaki man ang nagastos mo, yan ay para sa katuparan ng iyong pangarap na ma-iahon ang ating mga kababayan.

Q.So ang gastos na ito, wala nang balik ito senador?

Villar: Wala na kasi alam mo dapat naman magbalik ka rin sa lipunan, kung ikaw naman pinagpala ng diyos, dapat ibabalik mo yan sa mga kababayan mo na mahirap yan kaya huwag mo nang hangarin na lahat naman ng kinita mo ay para sa iyo, dapat ibabalik mo din sa tao ang iba.

News Latest News Feed