Press Release
August 10, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW
AT THE SESSION HALL

On Cheaper Medicines law

MAR: Matagal na silang garapal na sumisingil dito, ito 'yung mga pharmaceutical companies. Para sa mga ospital naman, I am sure meron mekanismo para hindi sila malagay sa alanganin kung nakabili na sila mga mamahalin na mga imbentaryo. Sa lahat ng pag-implement ng malawakang reporma ay may mga gusot, lubak sa daan. Pero tuloy-tuloy pa rin ang ating laban, tuloy-tuloy pa rin ang ating biyahe tungo sa mas mababang presyo ng gamot

Q: Hindi dapat mag-hospital holiday?

MAR: Siyempre dapat hindi. Dahil may tungkulin sila na tanggapin lahat itong mga pasyente, itong mga dumudulog sa ospital para makatanggap ng serbisyo. Kasama iyan sa democratic roles ng mga doctor.

Q: On hospital holidays? (Part 2)

MAR: Itong pagbabanta nitong mga hospital ay hindi nararapat. Unang-una, may tungkulin sila na tanggapin ang lahat ng mga pasyente na tumatakbo sa kanila, lalong-lalo na iyong mga emergency cases. Lahat naman ng malawakang at matinding reporma ay may kasamang gusot o konting lubak. Biro, binababa natin ang presyo ng gamot dito sa ating bansa. At unang bunsod pa lang ito, hindi pa ito ang pangkalahatang pag-implement ng batas. Of course, may konting lubak iyan. Hindi naman inaasahan na mapeperwisyo ang publiko dito...para sa mga ospital, I am sure may mga paraan ang DOH at DTI na bigyan sila ng sapat na palugit kung totoo nga na nakabili sila ng imbentaryo ng gamot na mas mahal kesa sa kasalukuyan. Ang mahalaga dito ay yung sa Mercury, sa Watsons at iba pang malalaking chain simula August 1chain simula August 15 ay mangangalahati na ang mga presyo ng gamot dito sa mga itinakdang gamot na ito. Ito yung unang batch pa lang, tuloy-tuloy nating rerepasuhin lahat ng gamot dito. Na ayon sa batas ay kailangan naman talagang lahat na repasuhin para mailagay sa tama ang singil ng mga gamot na ito.

Q: Ang problema ng hospitals, 6 months ang kanilang mga imbentaryo...malulugi daw sila dito sa 50% discount...

MAR: Kung government hospital sila, ang kailangan nilang pagreklamuhan ay si Health Secretary Francisco Duque. Lahat naman ng mga ito ay na-take into consideration. Kilala ko si Sec. Duque, masinop magtrabaho ito. In fact, siya ang nag-rekomenda na 21 na gamot ang dapat isailalim sa MRP pero ang Pangulo, lima lang ang isinama diyan. Gayunpaman, first batch ito, at tuloy-tuloy nating rerepasuhin ito.

Q: The hospitals' positions, is that meant to sabotage or derail the implementation of the law?

MAR: Palagay ko naman ang ospital ay tinitingnan lang nila ang kanilang loss from medicine, kung malulugi sila pero may sapat naman na kapangyarihan ang DOH para tugunan ito. Eh kung ang ospital ay nangangailangan ng isa, 2 or 3 buwan na dagdag, wala namang problema dito. Ang importante dito, 'yung Mercury, 'yung Watsons at 'yung ibang malalaking botika, simula sa August 15 ay nandiyan na at sa DSAP ay September 15.

On 2010 elections

Q: On demands for Noynoy to run for president?

MAR: Bakit naman hindi? Kwalipikado naman siya. At siya naman ay nagpakita ng maganda sa ating bansa. Taglay niya, pasan niya ang napakalaking responsibilidad na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang ina at ama. So pinagmamalaki namin sa Liberal Party na marami talaga ang mga talents na hindi kami nahihiyang iprisinta sa taumbayan. Tatlo iyong aming Ramon Magsaysay awardees. Si ka Jovy Salonga, si Mayor Jess Lobredo ng Naga City at si Governor Grace Padaca ng Isabela. Meron kaming Noynoy Aquino, meron kaming Kiko Pangilinan, meron kaming Pong Biazon. So napakaraming napakagandang talents at tunay na nagseserbisyo sa ating bansa.

Q: As possible running-mate niyo?

MAR: Kasama naman talaga siya, magka-partido kami. Pero sa totoo lang, hindi pa namin napag-uusapan ito lalo na ngayon na binibigyan natin ang pamilya Aquino ng puwang para magdalamhati, magluksa sa pagpanaw ni Tita Cory. Darating din ang panahon na iyon. Pero sa ngayon ay binibigyan natin ng respeto, bilang isang kaibigan...ang pinag-uusapan lang namin iyong kung sinong naghahanda ng pagkain niya, or gaano kalungkot ang Times Street ngayong wala na dun ang mommy niya. Bilang kaibigan, iyan ang aming pag-uusap.

Q: The clamor from Pampanga and Tarlac is for Noynoy to run for president?

MAR: Why not? Nasa kanya iyon. At palagay ko naman pagdating ng tamang panahon ay pagpapasyahan niya kung anong nararapat para sa kanya.

On Unexplained Wealth of GMA

Q: Mabilis daw na lumaki iyong wealth ni GMA?

MAR: Nakakataas kilay. I am sure na hihintayin ng buong sambayan ang paliwanag kung paanong nangyari iyon. Kasi wala naman ibang negosyo at wala naman ibang pagkukunan.

Q: Sino ang dapat na mag-investigate nito?

MAR: Ang nag-iimbestiga niyan ay 'yung class mate ni First Gentleman na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Q: Sa tingin niyo malabo itong investigation na iyon?

MAR: Eh kung yung general dito mismo sa Senado umamin na unauthorized, walang pahintulot, walang permiso at kinuha na lang niya 'yung P10 million at inilabas, nagsinungaling siya sa Customs hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa Russia�hanggang ngayon wala pa ring nafa-file na kaso. Sa fertilizer scam, sa NBN-ZTE...lahat ito ay nakabinbin sa tanggapan ng Ombudsman. Wala na tayong Maaasahan diyan.

Q: Another news item lang ito?

MAR: Sana naman hindi pero wala tayong maaasahan eh. Lahat nung mga hakbang na isinasagawa para magkaroon tayo ng imbestigasyon, pagbubukas at para maging transparent ang mga finances ng public officials ay hindi naman nabibigyang pansin.

Q: 'Yung ballooning assets ni Gloria, does that not fall under ill-gotten wealth?

MAR: Ang pangulo dapat at ang kanyang financial adviser ang siyang dapat na magpaliwanag niya... Gayunpaman, simpleng-simple lang iyan. Ano ba ang antas ng stock market nung 2000 at nung 2001 at ano ang antas ng stock market ngayon?

Q: 'Yung $20,000 dinner, is there a way to address that? Like in the budget, for example?

MAR: Hindi naman public money. Ang punto dito is, 'yung gaano kalayo na sa reyalidad 'yung pananaw ng pangulo at ng kanyang mga kasamahan. Na okay lang na gumastos ng milyon para sa isang dinner.

Q: You will not spend that much in your credit?

MAR: Iba naman ang pakakainin ko noon, mas marami at sa Jollibee lang.

Q: Ang Ombudsman ba may jurisdiction over GMA? Do you expect the Ombudsman to come with a report on that?

MAR: On the Statements of Assets and Liabilities, pwede nilang tingnan iyon, imbestigahan. Tingnan nila. Tapos kung kinakailangan ay mag-issue sila ng report. I don't expect that. She's there precisely to protect the president.

News Latest News Feed