Press Release
August 21, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW WITH TED FAILON
AND LYNDA JUMILLA OF DZMM

Q: On ad in broadsheets re: Kalipi (Kabataang Liberal ng Pilipinas) recognizing Lito Atienza as LP leader. Sino na nga ba talaga ang tunay na lider ng Liberal Party?

MAR: Itong Kabataang Liberal, sila po ay hindi recognized. Ang pangalan lang po nila ay Kabataang Liberal at sila at si Secretary Atienza ay magkasama. Subalit, malinaw na malinaw, Korte Suprema na ang nagsabi, Comelec na ang nagsabi, iisa lang ang Liberal Party at iyan ang pinamumunuan ng inyong yours truly bilang pangulo, ni Sen. Franklin Drilon bilang chairman, ni Sen. Noynoy Aquino bilang vice chairman and Rep. Jun Abaya bilang sec-gen. Palagay ko, pag-aagaw eksena lang ito. At hindi na sila nahiya na sa araw na ito, kung kailan natin ginugunita ang dakilang pagka-bayani ni Ninoy Aquino ay makiki-agaw eksena pa sila.

Q: Nabanggit din ang Plaza Miranda bombing. At ang description dito kay Lito Atienza ay "the last remaining survivor of the Plaza Miranda bombing still active in Philippine politics today." Ano pong reaction niyo dito?

MAR: Sila na lang po ang tanungin ninyo. Hindi na ako makikipag-eskrima diyan. Malinaw naman po na si Senador Jovy Salonga, aktibong-aktibo sa pagbabantay ng ating mga karapatan, sinusulong din niya ang kapangyarihan ng mamamayang Pilipino para sa ating demokrasya at kalayaan. At hindi naman masasabi na si Sec. Atienza ang last surviving na biktima. Marami naman pong iba pa. Siya na lang siguro makakasagot niyan kung paano niyang nasabi iyan.

Q: Is this laying the groundwork para kuwestiyunin ang mga plano at gagawin ng Liberal Party, particularly patungo sa 2010 elections?

MAR: Matagal na nilang kinukuwestiyon iyan. Ang dahilan kung bakti kinukuwestiyon nila iyan ay dahil utos ito ng Malakanyang. Hindi ba secretary ng DENR iyang si Lito Atienza? Secretary ni GMA? Gusto naman talagang tibagin ni GMA ang Liberal Party dahil ang aming partido ay tumatayong oposisyon. In fact, ikinararangal ko na isa ako sa mga pinitik ni GMA nung kanyang SONA. Ito ay nagpapakita na talagang tumatayo kami para sa ating mamamayan, para sa ating bansa. Kaya matagal na nilang kinukuwestiyon iyan. Ang problema nila, matagal na rin silang sinusupalpal. Supalpal sila sa Korte Suprema. Supalpal sila sa Comelec. Ang lahat ng kanilang mga hakbangin ay nasusupalpal sila. So sa palagay ko ay hindi na namin bibigyang importansiya ito. In fact, may utos ang Comelec, na sinang-ayunan ng Korte Suprema, na nagsasabi hindi nila pwedeng gamitin ang salitang Liberal Party or Partido Liberal dahil hindi sila otorisado.

Q: Ano ang inyong balak gawin, will you consult your chairman or whoever...kasi ako as an observer, kung ako ay walang alam diyan sa SC ruling na iyan, gugulo ang isip ko sa LP.

MAR: Pag-uusapan siguro ng aming legal panel. Pero ang huling desisyon namin, ay hindi na namin bibigyang importansiya iyan. Kasi parang ano yan eh, patent or trademark infringement. Comelec na ang nagsabi, hindi nila pwedeng gamitin iyong logo, hindi nila pwedeng gamitin 'yung pangalan...eh makapal ang mukha eh. Anong magagawa namin? So para sa amin, kung mamarapatin po ninyo ito...hindi ko na sana bibigyan ng importansiya ito kasi itong araw na ito ay napakamakasaysayan at sana ay huwag ma-divert ang atensyon ng ating mga taga-pakinig, ng ating mga kababayan, sa kahalagahan ng araw na ito.

Kung iisipin po natin, August 21, 1971, dun nagsimula ang bangungot ng ating bansa. Na-bomba ang Plaza Miranda at dun natanggal iyong writ of habeas corpus patungo sa Martial Law noong panahon ni Marcos. And nung 1983 naman, dun naman sa pagpaslang kay Ninoy Aquino, dun din nagsimula 'yung pag-alis ng demokrasya dito sa ating bansa. Napakamakasaysayan nitong araw na ito at para sa akin, diyan natin dapat ilagay ang ating atensyon.

Q: 'Yung pong parents ninyo, nandun sila at nasagutan....

MAR: Yes, tadtad sila ng shrapnel. Kaya hayaan na lang natin 'yung iba na mag-agaw eksena.

Q: Kumusta na ang usap-usapan sa Mar-Noynoy tandem....Gaano ba kaseryoso ang usapan na ito?

MAR: Sa totoo lang ay nararamdaman din namin 'yung mga udyok o sinasabi ng napakarami ng ating mga kababayan. Pero sa totoo lang ay wala pang talagang seryosong pag-uusap tungkol diyan. Dahil hindi pa nga nagbabang-luksa si Noynoy. May panahon naman para pag-usapan ang politika. Hindi pa naman tapos ang 40 days of grieving at nirerespeto natin iyan. Pagdating ng tamang panahon, mapag-uusapan din iyan. Pero ang alam ko, sabi sa akin ni Noynoy, 'yung hamon na ngayon ay ipinasa sa kanya, binabalikat na niya. 'Yung hamon ng panahon, 'yung hamon na ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ama't ina ay hindi niya tatalikdan ito.

Q: Kung baga, hindi pa nagsisimula ang pag-uusap at hindi pa rin tapos?

MAR: Oo.

Q: Wala na bang effort sa inyong part na ibalik itong grupo nila Atienza?

MAR: Matatag ang Liberal Party, nag-iisa ang Liberal Party, kinikilala ng Supreme Court, ng Comelec, at ito ang partido na kinatatayuan ni Frank Drilon, ni Mar Roxas, ni Noynoy Aquino, ni Sen. Pong Biazon, ni Sen. Kiko Pangilinan at ito ang Liberal Party na tumatayo ngayon at nagbabantay sa interest ng taumbayan.

Nakita na natin ang ugali na gagawin at gagawin ang lahat basta utos ng Malakanyang. Kaya para sa akin, hindi na dapat pag-ukulan ng pansin iyan.

Q: Ano itong report na natanggap, sa inyong home province sa Capiz, si Joc-Joc Bolante daw ay namamayagpag at ang mga mayors dun sa kanya na lahat...

MAR: Baka sa panaginip lang ho niya iyon. Ang punto ko, dun po sa Capiz, makakaasa po ang ating mga kababayan na hinding-hindi po kami hahalal ng isang mangungurakot, ng isang magnanakaw, isang sinungaling at isang tiwali.

News Latest News Feed