Press Release
September 3, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' interview with DZMM's Ted Failon

Q: Pati si Ms. Ballsy nakikita ang bigat ng responsibilidad ng pagtakbo ni Noynoy...it's not so nice to be up there...Ano ba talaga ang pinag-usapan ninyo? Ano ba ang nangyari at pati kapatid ni Noynoy ay nagulat?

MAR: Nung pinapakinggan ko si Ballsy ngayon, para kong nadidinig ang ate ko. Si Balsy at ang ate kong si Ria, mag-classmate sa Theresiana. Matagal na ang pagkakaibigan nila. Si Noy at ako naman naka-short pants pa lang magkakiklala na at ganun din ang mga magulang namin, magkasama silang mga nag-anti Marcos, habang Martial Law. Sa mga causes ay magkasama kami ni Noynoy. Masasabi ko sa iyo, yung unang pagsabak ko sa pagkakampanya para sa isang kandidato, hindi nga sa ama ko eh kasi bata pa ako masyado noon. Pero para kay Tita Cory. Nagta-trabaho ako sa Amerika noon at nung sinabing tatakbo si Tita Cory sa snap elections, nag-leave of absence ako at umuwi dito para ikampanya si Cory Aquino bilang pangulo.

Bilang paliwanag na din ito kung bakit napakabilis. Mahaba at malalim ang pagkakaibigan namin ni Noynoy. Hindi naman kami estranghero sa isa't-isa, wala na 'yung paligoy-ligoy, wala na 'yung posturing...tapatan, usapang magkaibigan, magkapatid. Parehas ang aming karanasan: pasan namin ang legacy ng aming mga magulang. So TOTAL TRUST. Ako, total trust ako, walang kaduda-duda sa isip ko na kung manggaling kay Noy, kapakanan ng bansa ang iniisip niya, hindi iyong pang-personal. So 'yung mga trust issue, 'yung mga tiwala issue, wala na iyon eh. Kaya mabilis ang aming pag-uusap. Masinsinan kaagad, puso sa puso. At iyon ang dahilan kung bakit mabilis ito. Wala ng ibang steps, katulad ng ibang politika. Usually, mga adviser muna ang mag-uusap, konting horse-trading, cover. Para sa akin, kung totoo... sinabi ko sa sarili ko: 'Mar, kung totoo na sinabak mo ito para sa bansa, wag mo ng dalhin ito na magkakagulo pa, magkakawatak-watak pa, magkakasiraan pa.' Yan ang dahilan kung bakit nag-usap kami agad ni Noynoy, one-on-one, masinsinan. Ilan beses kaming nag-usap ngayong long weekend na ito. At napag-desisyunan ko na kung may magsasakripisyo man, ako na.

Q: Kung may magpapaubaya, ikaw na. Hindi ka na makikipagtagisan pa...ibibigay mo. Nung ito'y iyong ibinigay, anong sagot ni Noynoy?

MAR: Nagpasalamat si Noynoy na mabibigyan siya ng pagkakataon na ituloy ang laban ng kanyang magulang. Yan naman talaga ang pinakamatimbang na pinag-usapan namin, hindi naman ang aming mga sarili. Simula't-sapul pa lang, napag-usapan na namin na hindi ito tungkol sa akin, hindi ito tungkol kay Mar o kay Noynoy. Pinag-usapan namin ang pangarap ng aming mga magulang, magkasama na sila since pre-Martial Law. Lumaban sila kay Marcos, hindi sila bumigay kay Marcos. 'Yun ang konteksto ng aming mga pag-uusap. Hindi iyong kung ano ba ang ambisyon ni Mar, ano ba si Noynoy, hindi eh. In fact, nung unang nabanggit yung vice, ang sabi ko kay Noynoy ay 'Huwag nating haluan ito ng ganung uri. For every reason na mag-vice ako, pwede ko ding sabihin na ikaw ang mag-vice sa akin. So imbes na mag-usap tayo ng ganun, huwag na lang kasi ang pinag-uusapan natin dito bansa, pinag-uusapan natin dito ang mga magulang natin, pinag-uusapan natin ang mga sakripisyo ng mga magulang natin. Alam natin lahat kung ano ang naging sakripisyo ni Ninoy, isinakripisyo niya ang kanyang buhay. Si Tita Cory...ang magulang ko, sa Plaza Miranda na-bomba sila. Ang nanay ko hanggang ngayon hindi makaluhod sa kanyang pagdadasal dahil tadtad nga ng shrapnel ang kanyang buong katawan. Mahaba at matagal na tayo dito sa public service. Public service na tuwid, tapat at walang mantiya. Kaya huwag nating bahiran ito, huwag nating haluan ito ng ka-cheap-an ba, ng horse-trading, ng dealing kasi hahaba lang. 'Yun ang konteksto ng aming pag-uusap: ang dangal ng ating bansa, ang pangarap natin.

Ako accepted ko si Noynoy, at si Noynoy ganun din siya sa akin. Pumasok kami dito para ituloy ang laban ng aming mga magulang at matupad ang pangarap nating lahat na maging okay ang bansa natin, mailagay natin sa mas maayos na sitwasyon.

Sabi niya (Noynoy), 'Salamat, hindi ko tatalikdan itong laban na ito.' So okay na, maaliwalas na ako dun.

Q: Categorical ba ang sagot sa iyo ni Noynoy?

MAR: Sabi niya: 'Mar, alam mo mabigat itong hamon na ito. Alam mo naman, Mar, na hanggang pumanaw si Mom eh wala naman ito sa aking pag-iisip. Lamang nangyari ito, at sa nakita natin, at ako man sinabi ko sa kanya, damang-dama ko, ilang oras ba 'yun? 8 hours plus? Nandun kami, nakasunod kami sa cortege. Damang-dama ko na talagang napukaw, naramdaman ng ating mga kababayan 'yung 'ibangon naman natin ito.' Sa kanilang pagbibigay salamat, sa kanilang pagpupugay kay Tita Cory, 'yung ugat nun...kasi kinilala nila ang ginawang sakripisyo ni Tita Cory para sa bansa. At kasama na dun si Ninoy at iba pa.

Para sa akin, kung mabibigyan ito ng pagkakataon na maibangon muli itong feeling na ito, hindi ko naman gusto na ako ang tatayo para lamang sa personal ko na interest o ambisyon, na siyang hahadlang dito o magiging balakid pa. Hindi ko mahaharap 'yung mga ninuno ko, hindi ko mahaharap ang sarili ko...kasi parang nagsimula na ako eh, nandun na ako eh...hindi ganun, hindi pwede. Kasi pinag-uusapan naman dito ang bansa natin at mahal nating lahat ang bansa natin.

Q: When you relinquished it, parang tinanggap ni Noynoy?

MAR: Ayaw kong pangunahan si Noynoy, may tamang panahon naman para dito. Nag-re-retreat siya ngayon sa Zamboanga. Pagdating ng tamang panahon. Sabi ko nga sa kanya, 'Noy, alam ko kung gaano kahirap ito. Ako lang mismo, buwan, kahit taon pa, unti-unting naluluto ito sa kaisipan, sa puso, kung sasabak ba ako dito, ito ba ay para sa akin, ito ba ang tamang role na magagampanan ko. Sabi ko sa kanya, pare alam kong mahirap itong dinadaanan mo, biro mo biglaan lang. Pero sabi ko din sa kanya, 'Noy sa totoo lang, tayong 2, hindi naman parang parachute lang tayo dito na itinapon lang tayo dito. Kahit nung nasa pribado pa lang tayo, kahit nung nag-aaral pa lang tayo, naririnig na natin, nararamdaman na natin, 'yung mga pangarap ng ating mga magulang na magkaroon ng pagbabago dito. At alam din natin, kongresman ka, senador ka...alam naman natin na 'yung lugar kung saan pinaka-malakas ang impact, pinaka-malawak, pinaka-matindi ang impact para sa pagbabago ay sa puwesto ng pagka-pangulo. Senador ka...puwede tayong magtalumpati araw-araw, press release, imbestigasyon...okay, nakakatulong din iyan. Pero 'yung reform na gusto mo sa bansa, matindi at malawak ang gusto nating reporma...sa puwesto ng pagka-pangulo lang talaga iyan. Kung ako man ay hinangad ko ito, it's for that reason. Hindi ko pinagdududahan na 'yan din ang kanyang motibo.

Q: May iba ba kayong kasama sa inyong miting? May isang present dun, na-corner ko siya. Ikaw daw nagsimula at kinilabutan siya nung maglatag ka na ng posisyon mo.

MAR: Meron. Apat na beses kaming nag-usap, mahahaba at matitindi at masinsinang pag-uusap. Meron kaming isang kaibigan, mutual at ka-partido din na nandun. In fact, ako ang nag-suggest na may kasama kami. Gusto ko kasi na may iba para just in case na magkainitan or whatever, kasi sa sa isyu na ito naisip ko na hindi puwedeng mauwi din ito sa away, sa pagkakahati. Hindi naman pumasok ako dun sa miting na iyon na 'yun at 'yun na. Sa unang miting, sinabi ko na kandidato ito at gusto ko ito. Pero sinabi ko din na, 'Gusto kong malaman mo Noy na meron akong awareness, merong may sensitivity sa puso ko na iyong paghahangad kong ito ay para sa pagbabago. Kung meron kang gusto kong sabihin, bukas akong makinig talaga.' Hindi 'yun na 'Ah basta hindi, ganito, ganito...' Ako naman ang pangulo ng partido namin, ako ang nakakatanda sa amin at alam ko kung gaano kahirap para sa isang tulad ni Noynoy na pasan niya 'yung pangarap ng napakaraming tao rin. Sabi ko, eto ang sitwasyon ko pero mag-usap tayo ng masinsinan, bukas ako na makinig sa puso at sa kaisipan sa iyong mga gustong sabihin.

Q: Buo na sa aming isipan na hindi gagawin ni Mar Roxas ang ganyan katinding sakripisyo kung hindi siya sigurado na tatanggapin ang sulo, ang torch...ayaw mo lang siguro na pangunahan pero nakakasigurado na kami na ang sagot ni Noynoy ay oo...

MAR: Mula kay Noynoy ito, kagabi sa kanyang statement...magmula pa sa kanyang ama, sa kanyang ina...hindi niya tatalikdan ito. Iwan na lang natin iyan diyan. Gusto kong bigyan siya ng respeto. Mataas ang aking respeto tungkol sa pamilya Aquino, kay Noynoy at alam ko na ginagawa niya ito...ang kanyang pag-re-reflection, ang kanyang pagre-retreat, para talaga maging buong-buo ang diwa, ang puso ang kaluluwa niya kasi mabigat talaga ito.

Q: Kasi kagabi dun sa panayam ng TV Patrol kina Butch Abad...puro daw OO ng OO. Paano kung sumagot ng hindi? Paano if all of a sudden ma-realize na mabigat pala at hindi niya kaya. Paano kung bumalik siya at sabihin niyang hindi niya kaya? Hindi siya handa?

MAR: Hindi ko nakikita iyan na mangyayari. Tawarin na lang natin ito kung nangyari na ito pero palagay ko hindi mangyayari iyan.

Q: Sa panahon na hinahamon ka ng tadhana, na kasama mo ng kakampi, panahon na kailangan ng isang nanay para tumulong, ako ulila na ako katulad ni Korina. Ikaw, nandiyan ba ang nanay mo? Ano ang sabi ng mother mo when you decided about this?

MAR: Sinabi lang niya na: 'You've always made us proud. Make us proud.' 'Yun lang. Ni-remind niya ako tungkol sa tatay ko, sa kapatid ko, sa lolo ko. At ang aking ama nung namatay siya, ang sabi niya: "Make us all proud."

Q: Siya ba ang una mong kinonsulta?

MAR: Alam nila kung ano ang nangyayari, Si Korina, ang nanay ko. Si Korina ang payo niya sa akin, 'Do what's in your heart.'

Q: Sa ibang tao, malaking konsiderasyon ang pera. Ang laki na ng nagastos niyo. But that's quantifiable. Ang mas matindi, ang pagod...sa akin hindi masama na kumonsulta sa ina, sa nanay at sa tatay...ano ang sabi ng mother mo?

MAR: Alam mo, kahit minsan wala siyang sinabi na 'Paano 'yung mahigit isang taon na paghahanda.' Ang kanya lang is...sabi niya, 'Naalala mo yung daddy mo, bago ang Martial Law, siga siya, pangulo siya ng opposition party, ganun, ang daming tao dito palagi. Nung nagka-Martial Law na, wala na. Pati mga ka-golf niya hindi na gustong maka-golf siya kasi oposisyon siya. Pero ang tatay mo hindi bumigay kahit sa dami ng peligro, sa dami ng tukso....prinsipyo at pagmamahal niya sa bansa ang naging matimbang sa kanya." 'Yun lang, ni-remind niya ako nun atsaka niya sinabi na 'You've always made us proud, make us proud.'

Q: Proud na proud siya lalo ngayon?

MAR: I hope so. Pero ang alam ko, ang sabi niya sa akin, 'You've made your father proud.'

Q: Umiyak ka ba nung nag-desisyon ka? Sabi ng iba drama lang, baka bumalik ka din...maraming skeptics...bottomline, sa desisyong ito, magkaka-alaman kung ano ang pagkatao ni Mar Roxas. Lumuha ka ba dito sa pinakamalaking desisyon na ginawa mo, so far?

MAR: Sa totoo lang, nung ginawa ko itong desisyon, malungkot pero hindi ako naluha. Naluluha ako kung...ngayon lang, naalala ko ang ama ko. 'Yung interview niyo kahapon hindi ko nadinig eh pero nai-kuwento sakin, hiningi ko sa opisina...ano ba sinabi ni Korina? Nunng nadidinig ko si Korina, narinig ko ang boses niya, dun naluha ako. Palagay ko iyong kanilang kalungkutan ay dahil nalulungkot sila para sa akin. Kaya na-ta-touch ako...'yung mga nagtiwala sakin, nung tinawagan ko sila ang sabi nila... 'We are for you...naging mas malaki kang tao.' Sinasabi ko sa kanila na hinding-hindi ko makakalimutan ang tiwala nila. at dun ako naluluha. Kasi pinapahalagahan ko ang tiwala, ang confidence na binigay sa akin ng taumbayan at ito ang nagsisilbing konsuwelo at inspirasyon na tama ang ginawa ko. Naluluha ako, naalala ko 'yung kapatid ko, 'yung pamilya ko, 'yung mga may malasakit sa akin kasi sinsero silang nagmamalasakit sa akin. Nalulungkot ako kasi malungkot sila. Na-ta-touch talaga ako.

Q: There is no turning back for you, senator? Nakapag-desisyon ka. Hindi ka na babalik sa pampangulong contest?

MAR: Tulad ng sinabi ko, I am all out supporting Noynoy Aquino for president in 2010. In fact 'yung mga miting ngayon, kung paano ako makakatulong...matagal na akong nagsimula, marami na tayong kakilalal, marami na tayong nakausap. Paano ko matutulungan si Noynoy. Sinserong-sinsero ako: gusto kong manalo si Noynoy. Gusto kong manalo ang puwersa ng pagbabago. Kasi may kahulugan lang, may saysay lang ang aking ginawa kung manalo ang puwersa ng pagbabago. Kasi ginawa ko ito...pero kung magka-kanya-kanya lang tayo, wala din. Kung manalo pa rin ang puwersa ng ka-trapo-han, hindi iyan ang gusto natin. All out ako, gusto kong manalo ang puwersa ng pagbabago. Ito yung baon ko, ito 'yung bitbit ko bilang pampalakas-loob na magawa itong desisyon na ito at magpatuloy sa adbokasiya natin, sa paglalaban natin.

Q: Nabanggit mong gusto mong manalo si Noynoy, gusto mo ng pagbabago at reporma sa gobyerno...and you are all out support. When you say support, 2 bagay iyan: moral and financial...tutulungan mo ba financially sa kampanya ni Noynoy Aquino? Are you willing to give Noynoy financial support?

MAR: Oo naman. Tutulong po ako kay Noynoy, sa kanyang kampanya at alam ko na marami rin ang tutulong sa kanya. Hindi natin matatawaran, nakamarka ito sa kaisipan ko...hindi natin matatawaran ang emosyon, 'yung pagka-uhaw ng mga kababayan natin para sa pagbabago. Kung si Noynoy ang maging tulay o paraan para mapakita nila ito, para ma-express nila ito, gusto kong bigyan ng lahat ng pagkakataon na mangyari ito. At handa akong tumulong diyan, alam kong napakaraming tutulong diyan.

Q: Mas makatulong si Mar Roxas kung maging bise presidente ni Noynoy?

MAR: Walang dahilan kung bakit hindi ako tatakbo sa pagka-bise. Pero gusto ko muna talagang iwasan ang usapan ng pagka-bise dahil hindi ko gusto na mabahiran ito. Para sa akin, ginawa ko ito para mapagbigyan ang lahat ng nagnanais ng reporma na magsama-sama. 'Yung pride natin, 'yung dangal natin na tayo malaya na nagsasabi na gusto natin ng pagbabago at kahit mayor, vice mayor pero kung sa pangulo, iba yan eh...alam naman natin na kung tuwid ang pangulo, kung nasa tama ang pangulo, siguro kalahati ng mga problema natin mawawala na 'yun. 'Yung iba naman ay nasa teknikal. Basta tama ang pamamalakad sa taas, sa takot lang ng iba diyan, titigil din ang katiwalian. Unang-una, wala ng magsisimulang mag-plano o magtangka ng pangungurakot. So, para sakin, 'yan ang pinakamahalaga. And vice...iba yan eh.

Q: Kung mag-bise ka sa kanya, iisipin yun ang deal...sa ngayon, open ka lang dun sa usapan.?

MAR: Actually na-bring up ni Noy iyan. Pero sabi ko kay Noynoy, 'Noy, huwag muna tayong pumunta doon. Kasi puwede ko ding sabihin mag-vice ka sakin. Papangit ang usapan natin. Ang pag-usapan natin para sa bansa at may tiwala ako na iyan ang nasa puso mo. Dun lang tayo mag-usap para sa bansa.

Kung kalmado na, napag-isipan mo na, naka-set up ka na, hindi ka na masyadong nag-iisip, nakapag-retreat ka na at gusto mo pa rin, mag-usap tayo uli. Pero mas maganda na buo ang desisyon natin dito hindi dahil may kalkulasyon ba na magiging vice ako.

Q: Hindi mo ibibigay ang sulo ng pagbabago kay Noynoy kung hindi ka kumpiyansa na kaya niya iyon, tama?...marami ngayon sa mga radyo ang mga nagsasabi na hindi pa hinog si Noynoy? Wala daw siyang dating eh...

MAR: Simpleng-simple ang sagot ko: hinog na hinog na si Noynoy. Ang pinakamahalaga at marahil ang kaisa-isang katangian na dapat taglay ng isang mabuting puno ay iyong KARAKTER, iyong PUSO. At alam ko na ang karakter, ang puso ni Noynoy ay nasa tama. Taglay niya 'yung kadakilaan ng kanyang magulang. Walang mantsa, walang bahid, pinag-iingatan ang pangalan, ang reputasyon, walang transkasyon sa gobyerno, walang isyu...kahit solo na lang siya ipinaglalaban kasi iyon ang prinsipyo niya. 'Yun lang naman talaga ang kailangan. You can trust the heart. 'Yung diwa, yung puso...para sa akin na kay Noynoy iyon. Iyong mga teknikal, alam naman niya iyon, siguro hindi lang nabibigyan ng pagkakataon na ipakita. Sino ba naman ang alam ang lahat? Pero ang kaisa-isang katangian at ang pinakamahalaga ay iyong puso. 'Yung pagmamahal sa bansa, na selfless, hindi pansarili, para sa taumbayan, para sa bansa...yan ang nakikita ko kay Noynoy.

Q: Pag-iingatan niya ang imahe ng kanyang ama at ina,...

MAR: Pag-iingatan mo talaga iyan. Hindi ako kasama dun sa bus ng pamilya pero nakikita ko sa mukha ng mga tao hindi lang ang pasasalamat kay Tita Cory pero nasa mata nila ang pag-asa eh. Paano mo bibiguin yan? O kaya...nilalagay ko ang sarili ko kay Noy. Si Josh, pamangkin niya...ako para kay Noynoy, may tiwala ako na hindi niya bibiguin ang pag-asa, ang mga pangarap natin para sa matino at malinis na pamamalakad.

Q: Ano ang inyong gagawin sa Liberal Party...doon sa mga Nacionalista na nagpapagulo nito?

MAR: Hindi sila Liberal (laughs). Ang importante dito, mabuo natin ang partido, mabuo natin ang bansa. Hindi lamang ito laban ng Liberal Party. Laban ito ng lahat ng mga nagnanais ng pagbabago. Halimbawa, 'yung partidong Akbayan, nagtiwala sila sa akin. For the first time, nag-endorso ang grupong ito ng presidential candidate and that's yours truly. Alam ko rin na mataas nag pagtingin nila kay Noynoy...ito ay isang halimbawa ng trabahong kailangan kong gawin ngayon, ang endorso ito...alam ko namang ang pananaw at pagtingin nila kay Noynoy ay mataas din. Hindi lamang ito sa loob ng Liberal Party. Sa lahat ng taga-pakinig, laban natin ito. Hindi lang ito sa pagitan ni Mar at si Noynoy. Hindi kami mahalaga dito. Hindi lang ito laban sa Liberal o ca Nacionalista o sa iba pa. Ang pinakamahalaga dito ang kinabukasan natin, ang pagbabago, ang pag-asa natin na may magandang kinabukasan pa tayo. At ito po ang ipinaglalaban natin. Ito po ang dahilan kung bakit ako sumusuporta kay Noynoy Aquino. Nakikita ko sa kanya ang puso, ang malasakit, ang sinseridad na nasa akin man, nasa kanya din. At kung may kailangan na mag-sakripisyo, ako na iyon. Para kay Noynoy ito.

News Latest News Feed