Press Release
September 14, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

On 2010 plans

Q: Ano na ang update sa pagtakbo mo as VP?

MAR: Malaking desisyon ito at malaking pagbabago ito sa direksyong tinatahak ko kaya pinag-iisipan ko itong mabuti. Wala namang dahilan kung bakit hindi. Gusto ko lang na mapag-isipang mabuti ito. Hindi naman tayo roller-coaster na basta-basta nagdedesisyon tungkol sa mga bagay na ganito kabigat na basta-basta lang.

Q: Wala pang malinaw na desisyon sa oras na ito?

MAR: Napag-uusapan namin at nagpapasalamat ako kay Senador Noynoy na inulit niya ito at mag-uusap naman kami.

Q: Kelan ang deadline?

MAR: Wala namang deadline. Ang importante dito ay isinusulong ko ang kandidatura ni Senador Noynoy. Nitong nakaraang linggo, bumalik nga ako doon sa aming probinsya, dun sa mga lalawigang mga Ilonggo, nagpaliwanag ako doon at isinulong ko ang kandidatura ni Senador Noynoy.

Q: Considerations to accept?

MAR: Wala naman, Katulad ng nasabi ko na dati, hindi kami maghihiwalay ni Senador Noynoy. Kabahagi ako sa isinusulong na pagbabago dito sa ating bansa at sa ating bansa. Ang 2010 ay 'yung tuwid kontra sa baluktot, 'yung tama kontra sa mali, 'yung kabutihan kontra sa kasamahan na nakikita natin ngayon. At kabahagi ako diyan sa laban na iyan.

Q: Kelan ka mag-a-announce?

MAR: Darating at darating din iyan. Siguro sa mga susunod na mga araw ay darating tayo diyan.

Q: Aside from the VP position, are there any other positions that you are considering?

MAR: Sa tamang panahon ay malalaman din natin iyan. Importante dito ay isulong natin ang kandidatura ni Senador Noynoy at kung sinuman ang kanyang mapili na gusto niyang ka-running mate ay respetuhin po natin iyon.

On Sen. Noynoy topping SWS Special Survey

Q: Any reaction?

MAR: Nabasa ko nga kaninang umaga iyan at natutuwa naman ako na nakatulong ako para maisakatuparan, matuloy itong matinding kahilingan, matinding kauhawan ng ating mga kababayan para sa pagbabago, para sa tuwid at tapat na pamamahala na siyang na kay Senador Noynoy Aquino. Walang record, walang mantsa, walang kontrata sa gobyerno, walang pakinabang sa mga gawain sa gobyerno.

Q: Hindi ba isa yan sa considerations niyo para mag-decide na VP ni Sen. Noynoy?

MAR: Ang aking desisyon na suportahan si Senator Noynoy ay wala naman iyon sa survey-survey. Kung ano ang para sa kabutihan ng ating bansa, ang pangunahing konsiderasyon dun. At 'yun din ang gagamitin kong konsiderasyon dito.

On Onion Smuggling hearing

Q: Ano na ang consensus na napag-usapan niyo?

MAR: Malinaw na ang kalakaran ng Customs ay kabahagi sa problema. "Yung mga patakaran, 'yung mga reglamento ng Customs ay siyang katulong pa ng mga smugglers. Dahil hindi nabibigyan ng impormasyon ang mga apektadong sector, tulad ng ating mga mang-sisibuyas. Kaya iminumungkahi natin, at Mukhang tinatanggap naman ito...na itong Inward Foreign Manifest na kung saan bago pa dumating ang barko, ang kargamento dito ay malalaman na kung ano ang nilalaman niyan at ma-che-check na, malalaman na kung anong mga container ang dapat buksan, ang dapat bantayan. Bukas ang Customs na ipamahagi ito sa mga sector. Importanteng-importante iyan laban dito sa mga ini-smuggle na ito. Kawawang-kawawa ang mga kababayan, nawawalan sila ng trabaho at hanap-buhay. Ang kalaban nila hindi lamang itong mga smugglers. Ang kalaban nila ay ang Bureau of Customs na kabahagi sa problema na ito.

On Hacienda Luisita issue

MAR: Nagpahayag na si Senador Noynoy ng kanyang stand dito at nirerespeto ko iyon.

News Latest News Feed