Press Release
September 15, 2009

Transcript of interview of the Majority Leader

On Lakas-Kampi execom meeting

SJMZ: Unang-una bukas ng umaga meron po kaming meeting ng mga executive committee ng Lakas-KAMPI at paguusapan namin ang final decision ng grupo kung sinong magiging presidential standard bearer ng aming partido. So, bukas ng umaga po iyon, 9 o'clock.

Q: Malalaman na agad after the meeting?

SJMZ: Yes, after the meeting magkakaroon po ng announcement and final decision dito sa aming standard bearer. At least medyo malinaw na meron po tayong timeline at bukas po iyan mangyayari. Kaya abangan niyo po bukas ng umaga.

Q: Out na ba si Noli?

SJMZ: Well napaka-importante iyong mga kandidatong ipinapakita nila ang kanilang willingness na sumama sa grupo ng Lakas-KAMPI. Iyong mga ibang potentials na parang ayaw at medyo matamlay kapag binabanggit po natin ang mga pangalan nila ay sa tingin ko ay dehado sa selection bukas.

Q: So si Noli iyon?

SJMZ: ((Laughs)

Q: Saan gagawin?

SJMZ: I believe it's a hotel in Metro Manila. I cannot tell (laughs). Maraming bang hotel sa Metro Manila? Kayo talaga.

Q: Si Teodoro sir?

SJMZ: Right now malakas ang ... ang matunog na pangalang lumalabas ay ang pangalan ni Sec. Gilbert Teodoro. Meron po siyang endorsement of over 49 governors and almost 80 congressmen coming from Lakas-KAMPI. So, napakabigat po ng mga endorsements na iyan. So, right now he's the frontrunner in the selection process followed by Bayani Fernando.

Q: Sir vice? Vice president?

SJMZ: Vice President wala pa. Hindi pa po namin alam ang vice presidential candidate. Wala pa po kaming pangalan na binibigay.

Q: Si Ronnie Puno?

SJMZ: He's declared but also you have to look at the others that are available if one of the two names that I mentioned. If Sec. Gilbert Teodoro is not chosen then he is also a possible vice presidential candidate. If Bayani is not chose, he could also be a vice presidential candidate and they will have to slug it out with Sec. Puno and possibly Ate Vi. Vilma Santos who is a very, very strong contender as well, as mentioned by our party president Sec. Ermita.

Q: Si Noli hindi na kasama?

SJMZ: Hindi kasi hinihintay pa namin. Ang deadline namin sa kanya ngayong araw. Imbitado siyang pumunta bukas sa aming executive committee meeting pero mukhang hindi pa siya nagco-confirm kung siya ay pupunta. At kung hindi siya pumunta bukas ay pinipakita po niya na hindi po siya interesado sa aming grupo. Bakit ba namin pipilitin ang isang tao kapag hindi siya intersado na sumama sa aming grupo.

Q: Ibig sabihin out na rin siya? Until midnight?

SJMZ: We will know by tonight. We'll know by this afternoon.

Q: Sir iyong hotel na lang?

SJMZ: Ha? Sogo? (laughs) ... thank you, thank you.

Q: Formality na lang for Teodoro?

SJMZ: Well hindi naman. We'll still have to discuss it. Magkakaroon pa rin ng debate tomorrow kaya executive committee meeting. That is not the convention yet where we will going to announce the winner. It's an executive committee hearing.

Q: Iyong kay Ate Vi for president or vice?

SJMZ: Possible vice president.

Q: Tanggal na si Lapid as standard bearer?

SJMZ: Hindi kasama si Sen. Lapid sa partido. Dahil nga sa mga endorsement na binigay ng congressmen kaninang umaga at ng mga governors medyo liyamado si Sec. Teodoro. Ang execom siguro mga 50n kami. Ibat-ibang regional leaders, provincial leaders and vice president.

Q: Sir member kayo ng execom?

SJMZ: I'm a member of execom. VP ako for Mindanao of the Lakas-KAMPI.

Q: Nagpahayag ng marami ang administration congressmen kay Sec. Gilbert Teodoro, so ano pa?

SJMZ: Well malaking development po iyan para kay Sec. Teodoro. Mabigat po iyan. That's almost 79 congressmen ang pumirma po ng manifesto for Sec. Teodoro. So, that will carry a lot of weight in tomorrows decision sa executive committee meeting.

Q: Pero ang ipinaglalaban naman ni chairman Bayani is iyong execom nga daw ...

SJMZ: Well marami po sa ating mga miyembro ng execom ay nakapirma doon sa manifesto. For example members of the execom ay provincial governors, as well as congressmen. So, malaking bagay po na inindorso na nila si Sec. Gilbert Teodoro at iyan po ay napakabigat na advantage para kay secretary. But anything can still happen tomorrow and chairman Bayani Fernando is still up for the possibility of being nominated.

Q: Kung sakaling si Teodoro, anong meron siya na wala iyong ibang presidentiable?

SJMZ: Ikaw talaga iniintriga mo na kaagad iyong iba. Hindi, hindi I think, I believe that Sec. Teodoro together with possibly Sen. Chiz Escudero, Noynoy Aquino and Sen. Villar and the others, together with Sen. Gordon will take the elections to a higher level of information campaign. It will be a level of debate and discussion of policies, programs and scenarios that could happen to the Philippines. These people are highly intelligent individuals kaya maganda po itong kampanya na ito sa 2010. Napaka-ganda po ng makikita nating mga kandidatong ilalabas ng ibat-ibang partido.

Q: ...

SJMZ: Wala tayong magagawa. Kailangan lang kumampanya at kumayod tayo ng mas double time na lalong makilala si Sec. Teodoro. That's their only chance but were a party men and women so, what can we do? We stick with the party decision, we stick with the candidates of the party and that is the most important. And You have to fight for the people you believe in.

Q: Kapag biglang dumating si Noli bukas at sinabing yes I'm now interested?

SJMZ: Then that will open the gates for his entry to the selection process.

Q: Wouldn't that offend the 70 or so congressmen practically endorsing Gibo?

SJMZ: Kaya sabi ko mabigat ang endorsement ng 79 congressmen kasi marami diyan ay miyembro ng execom pati iyong governors.

Q: You pratically endorsed Gibo na e, without the formal meeting of the executive committee

SJMZ: Alam mo hindi ko rin masisi iyong ating mga kasamahan dahil tanong-tanong sila kay Kabayan kung sasama ba siya o hindi ang sagot naman niya ay pinag-iisipan ko pa. So kapag medyo hilaw ang ...

Q: Ang tawag sa tagalong nun pakipot?

SJMZ: Sumobra naman iyong pakipot.

Q: Kung biglang dumating si Bayani Fernando at sinabing interesado ako?

SJMZ: Alam mo ganito iyan boss parang nanliligaw ka ng babae di ba? Kung sobra naman pakipot ayaw ka naman pansinin ay mawawalan ka rin ng gana sa kanya lilipat ka rin sa iba ...

Q: So wala na si Noli?

SJMZ: Hindi sinasabi ko lang kung Sobrang pakipot iyong tao talagang mawawalan ng gana iyong mga miyembro. I'm talking about Noli ha. I'm not talking about Bayani.

Q: Comment lang dun sa bangayan nila Erap ngayon at saka Ping at Jinggoy?

SJMZ: Alam mo iyong bangayan po ng ating mga kasamahan dito unang-una bilang majority floor leader ay hindi po magda-damage. Hindi po babagal ang galaw ng ating legislative agenda. Hindi po namin papayagan na-madelay ang ating legislative agenda. Iyan lang po ang ma-assure ko sa taong bayan na ang trabaho namin sa senado ay tuloy maski nag-aaway ang aming mga kasamahan dito. As a matter of fact kahapon pagkatapos ng privilege speech ni Sen. Lacson meron kaming na-approved na dalawa o tatlong national measures. So, tuloy pa rin natin ang trabaho natin dito.

Q: May plano ba kayong pagbatiin din tulad ng ginawa ninyo kay Enrile and Pimentel?

SJMZ: Mukhang malalim itong away na ito. Mukhang mahirap. I think kailangan nito ay kaunting panahon hindi lamang madadala sa ice cream diplomacy ito, kailangan ng kaunting panahon para lumambot at medyo kumalma ang kanilang mga puso.

Q: Anong effect nito sa magiging standard bearer ng opposition kung sino man?

SJMZ: Ayaw kong mag-comment doon sa strength and weaknesses sa opposition dahil kami sa partido namin meron din kaming sariling problema, napakaraming problema.

Q: and do you think meron itong dagdag na pogi points sa admin na nagkakagulo ang opposition?

SJMZ: Well pabor sa amin iyon. Siyempre nagaaway-away iyong mga kasamahan ng opposition pabor sa amin iyon pero at the end of the day masyadong malayo ang election at the end of the day baka magka-ayusan sila. Masyado pang maaga.

News Latest News Feed