Press Release
October 29, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR CHIZ ESCUDERO
AT GMA 7/UNANG HIRIT/TALAKAYAN WITH IGAN

Arnold Clavio: Magandang umaga Senador Chiz Escudero.

Francis Escudero: Magandang umaga rin sayo Igan.

AC: Bakit ka umalis sa partido? Ito yung nag-alaga sa iyo, yung nag-alaga sa political career mo kasi biglang bigla e. Yung mga kapartymates mo medyo nagulat. Parang may pader sa mga mukha nila. Willing ka ban a sabihin kung ano yung mga dahlian?

FGE: Tatlo ang dahilan na binanggit ko kung bakit kumalas ako sa NPC. Una, para mas Malaya ako makapagdesisyon sa papel na gagampanan ko sa 2010. Pangalawa, sa prinsipyo't paniniwala. Sino man nagplaplano, sino man ang tatakbo, kung sino man ang magiging pangulo ng bansa, mas tama yung pagtulong kesa sa pakinggan lamang ang malapit sa kanya o mga kapartido nya. At pangatlo, naniniwala ako na sino man ang tatakbo o magiging pangulo dapat ganun din: malayang magawa ang mga nais nyang gawin para sa ating bansa na hindi nakatali sa sino mang grupo o partido.

AC: Ok, kumpara dati kay Senador Roxas, direksyon nya dati Pangulo e. Nagslide down sya dahil sa public pressure. Ikaw din ba ganun? Naapektuhan ka ban g pressure ng paligid kaya umalis ka na lang sa karera ng pagka-pangulo?

FGE: Igan, walang ganun. Hindi ito dahil sa hindi pagkakaintindihan o mga tsismis na hindi sinusuportahan ng partido, walang ganun. Naging mabigat sa akin na magpaalam sa aking partido at sa aming chairman,

AC: Chairman?

FGE: Danding Cojuangco.

AC: May katotohanan ba na hindi ka sinuportahan ni Danding kaya ka umalis sa NPC kaya ka bumitaw?

FGE: Isa yan sa mga tsismis na lumalabas. Hindi totoo yun at walang katotohanan yun. Nanatili ang kanyang posisyon noon na kung sino man ang babasbasan ng partido, yun ang kanyang susuportahan.

AC: Ngayon naman, kayo naman ni Senator Loren, wala naman kayong away na nangyare? Eto yung naging resulta ng...kasi kayo ang initial na magkatambal di ba senador? Medyo naiba na sya, naunahan ka nya sa announcement.

FGE: Walang galitan. Walang away, walang hindi pagkakaintindihan Igan. Hiling ko ang kabutihan ni Senator Legarda. Kung mangyayari man na magkasama kami, possible at bakit hindi? Pero ngayon, malaya na nyang pagdesisyunan yun at ako din.

AC: Gusto ng mga partymates mo na personal na marinig sa iyo ang iyong dahilan. Pagbibigyan mo ba yun? Ang iyong sariling dahilan kung bakit kumalas ka na?

FGE: Kung hihilingin, kung nararapat, Oo Igan. Magkakaibigan naman kami at matagal kaming magkakasama. Wala naman kaming pinagawayan.

AC: Ang intesyon mo dati tumakbo bilang pangulo. Ngayon ba pangalawang pangulo na lang ba?

FGE: Walang pagbabago sa direksyon Igan. Nagkaroon lang ng mas maraming pwedeng pagpiliang daan na pwedeng daanan. Kung paano mararating yun, pagiisipan ko pa.

AC: Gibo at Chiz Escudero, ano ang masasabi mo doon?

FGE: Ahhm, matagal na ako sa oposisyon at wala akong planong sumali sa administrasyon o kumampi sa administrasyon. Mukhang imposible at malabo.

AC: Yung Chiz, Gibo?

FGE: Imposible rin na mangyari.

AC: Yung Chiz at Loren, Malabo na yun?

FGE: Posible. Depende. Malaya sa pagpapasya nya at pagpapasya ko.

AC: Chiz o Manny at Chiz?

FGE: Nagsalita na ako tungkol dyan, Igan-

AC: O sige, Erap-Chiz?

FGE: Kumpleto na din yata yung sa kanila Igan.

AC: Mukhang natitira na lang ang Chiz-Wish

FGE: Hahahahahaha!

AC: Ano ba ang wish mo? Pwedeng hindi ka rin tumakbo. Ang ibig kong sabihin termino mo hanggang 2013. Pwedeng maging minority ka na muna, mag-obserba tapos sa 2013 doon mo na lang ituloy ang plano mo.

FGE: Lahat ng bagay possible pati ang Presidential elections sa 2013. Midterm elections ,hahahaha! Lahat ng bagay ay possible pati ang hindi pagtakbo sa darating na eleksyon.

AC: Ito ba ay kinonsulta mo kay tatay?

FGE: Ahhhmmm, personal na desisyon ko ito. Kaya ang tatay ko ay nagulat din.

AC: May mga malalaki ka bang plano sa 2010 sa ngayon o hahayaan ka muna namin magsarili?

FGE: Uuwi lang siguro ako sa probinsya at gagamitin ko ang panahon para sa pagpapasya ko.

AC: Sabi ng mga political analysts, nung nagdeklara si Noynoy Aquino, ikaw ang direktang tinamaan. Nasaktan ka ba nun sa naging desisyon ni Noynoy na tumakbo?

FGE: Hinde. Isa sa malalapit kong kaibigan si Noynoy sa Senado at anuman ang pasya o desisyon na gagawin nya, gagalangin ko yun.

AC: So ang lumalabas ngayon ay isang idenpendent candidate na hinahangad na masira itong traditional na pamamaraan sa eleksyon natin na may machinery, political party, so yun ba ang pinaplano mo ngayon na iharap ang sarili mo bilang isang independent?

FGE: Yun ang tinitignan naming isang bagay, isa sa mga options. Titignan kung kakayanin.

AC: So kamusta ang pakiramdam mo?

FGE: Nakatulog na ng mabuti dahil sa palaisipan ko at sa mga nagdaang araw. Mas maganda ang gising ko dahil dito.

AC: Napansin ko sa t-shirt mo nakalagay #1 Philippines, pangkarera po ba ito?

FGE: Hehehehehe!

AC: Parang pinapalabas mo na ang tao ang magpapatakbo sa iyo at hindi partido.

FGE: Hindi lang ako. Sino man ang tatakbo, sino man ang nagplaplano, sino man ang magiging pangulo, dapat ganun. Hindi man ako, sana lahat.

AC: Sino ang magiging running mate mo?

FGE: Posible lahat ng bagay Igan.

AC: O kamusta naman ang anak mo?

FGE: Ok naman Igan, katabi ko kanina.

AC: E yung pangalan na Chiz Escudero, maasahan po ba namin sa listahan ng mga kakandidat sa eleksyon?

FGE: Posible uyun Igan. Posible ring hindi. Bukas po ako sa lahat ng options at tulad ng sinabi ko, pagpapasyahan ko po yan. Hiling ko ang panahon para makapagisip.

AC: Sa mga nagulat mong partymates?

FGE: Pasensya na sa mabilisan o biglaan na pagpasya. Hiling ko na sana, maging kapartido man o hindi, makakapagtulungan para sa layunin ng ating bansa

AC: Ok Senator Chiz Escudero good luck.

FGE: Salamat.

News Latest News Feed