Press Release
November 24, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas interview at DZRH

On the Announcement of Chiz

Lakay Deo: Nag-declare si Senador Chiz Escudero na hindi na tatakbo at mukhang lilipat na, mukhang susuporta na sa Liberal Party. Anong reaksyon ninyo, Senador Roxas?

MAR: Una, nirerespeto ko yung desisyon ni Senador Chiz Escudero. Mataas ang pagtingin namin, ng aming partido, kay Chiz. Kaibigan natin siya sa personal at kasama natin sa marami nating ipinaglaban na causa. So yung aming pagkakaibigan, yung aming respeto ay nasa sa kanya. Mataas ang aming respeto sa kanya.

Bukas po kami at talagang inaanyayahan po namin si Senador Chiz na sumama sa causa ni Senador Noynoy, ni Senador Mar, ng Liberal Party at ng People's Campaign para sa pagbabago. Iyan ang gusto natin: malawak at tunay na pagbabago. At of course, bukas na bukas, welcome na welcome po si Senador Chiz sa aming kampanya.

Pangga Ruth: Malapit na po ang pagtatapos ng filing, nasa filing period na tayo. Ngayon na lumalabas, sino ang nakikita ninyong pinaka-mahigpit na kalaban sa pagka-bise presidente?

MAR: Ang pinakamahigpit na kalaban ay ang pagwawalang-bahala ng ating mga kababayan, at para sa amin ay hinihimok namin ang ating mga kababayan na sumama sa ating kampanya. Dahil yung mga nagnanais na magpatuloy yung tayo-tayo system, yung "you-scratch-my-back-I-scratch-yours," yung trapo-ism ba, yung transaksyon, yung pagbabalewala sa mga prinsipyo ay gagawin nila ang lahat para manatili sa poder. Para sa amin naman, kami ay para sa pagbabago.

On the Maguindanao killings

MAR: Halimbawa lang, Lakay at Ruth, itong nangyari sa Maguindanao. This is an exact example kung ano ang ino-oppose ni Senador Noynoy, ni Senador Mar at ng ating movement. Itong warlordism, itong pagkalat ng baril. Kung kami ang tatanungin, ikukumpiska natin lahat ng baril para magkaroon ng kapayapaan.

Biruin mo, 100 men na fully-armed, hindi alam ng pulis? Hindi alam ng military? Parang outlaw-ism na talaga iyan. Wala nang law and order, wala nang peace and order at wala nang gobyerno. Kung may mga lost command na mas malaki sa 100, mas mahigit pa iyan sa isang kumpanya ng military natin. So ito ay isang halimbawa ng kung ano ang nilalaban ni Senador Noynoy sa kasalukuyan.

Pangga Ruth: Senador Mar, ito rin yung issue na nai-raise namin kanina kay Secretary Teodoro, kasi if you're going to disarm the whole of Maguindanao, for example, lalabas dito yung MILF and other groups that we talked to already. Ano ang stand ninyo po dito sa ganitong problema natin?

MAR: Para sa amin, i-disarm lahat ng nasa sa Mindanao. Hindi naman puwede na ang umiral dito ay kung sino ang may baril. E bakit pa tayo nagkaroon ng gobyerno kung takot pala tayong disarmahan yung mga lumalabag sa batas? Dito ba sa Metro Manila papayagan ba natin na isa, lima, sampu o kahit isandaan na mga armado na naggagala? Hindi po, diba? Bakit doon, iba ang rules doon? Iisang bansa po tayo, at dapat gamitin po natin ang kapangyarihan ng gobyerno para magkaroon ng kapayapaan, magkaroon ng tigil-putukan.

Itong nangyaring ito, masasabi in fact natin that there will be another round of violence. Kasi babawi ang kabila, e. Kung hindi tayo manghimasok diyan, yung national government mismo, ay patuloy ang karahasan na ito, patuloy ang patayan at bombahan. At yung tinatawag na "strong republic" o "strong government" ay wala lang talaga.

Lakay: At ang malungkot dito, Senator Roxas, ang mga inaakusahan dito sa masaker ay ang mga Ampatuan na ka-alyado ng administrasyon.

MAR: Ang punto po rito, lahat po ay dis-armahan. Kasi wala naman pong karapatan na ang bawat isa ay magdala ng long arms in public. May judicial system tayo. File-an ng kaso kung sinuman, tingnan kung sino, saan ba ang 100 armed men na ito at gamitin, gamitin ang lakas ng gobyerno para masugpo, mahuli ang mga ito.

On Liberal Party Matters

Lakay: Totoo bang merong konting hidwaan diyan sa inyong partido, lalong-lalo na ngayon nang pumasok si Senador Recto sa inyong partido ay kumalas naman itong si Senador Osmeña. May mga hidwaan nga ba sa inyong partido?

MAR: Walang hidwaan. Unang-una, si Senador Serge ay hindi miyembro ng aming partido. Nirerespeto natin si Serge, mataas ang pagtingin natin sa kanya. Kung hindi niya sinasang-ayunan ang policies ay nasa sa kanya kung sasama siya o hindi.

Pero gusto kong sabihin ay welcome na welcome sa amin si Senador Serge. Palagay ko mas marami ang parehas na pinaglalaban namin kaysa pagkakaibang-pananaw tungkol sa isang kandidato lamang.

News Latest News Feed