Press Release
December 8, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW
with ROD VEGA/DZXL-RMN

On Martial Law declaration in Maguindanao

Q: Reaction niyo po dito sa ilang araw ng martial law sa Maguindanao

MAR: Mali ito. Over-acting. Over-reaction ito ni Gloria at ng Malakanyang. Simula't sapul pa lang ay tinututulan ko na ito. Sa kabila ng matindi nating pagnanais na magkaroon ng law and order, mahuli, maimbestigahan, ma-file-an ng kaso itong mga salarin sa masaker na ito, mali naman itong martial law na ito. Kumbaga, ginamit ang maso samantalang ang kailangan ay martilyo - mahusay, matuwid at tamang paggamit ng martilyo. Bakit maso ang gagamitin? Eh di mas lalong nasira, nasawak iyong gamot supposed to be kesa dun sa original.

Q: Aasahan ba namin ang isang Senador Mar Roxas na tatayo bukas sa joint session para kwestyunin ang martial law?

MAR: Maaasahan niyo po. At lalo po ninyong maaasahan ay tatanungin po natin kung meron ba talagang invasion, meron bang rebellion? Anong nangyari nung Biyernes kumpara sa Sabado? Bakit nung Biyernes ay kasama, kasangga, ka-alyado ng gobyerno itong mga Ampatuan at ang kanyang mga puwersa? Samantalang pagdating nung Sabado ay rebelde na sila? Anong nangyari? Talagang nakakapagtaka at hindi kanais-nais itong nangyayaring ito. Ang gusto natin ay manumbalik ang kapayapaan, ang katahimikan, 'yung normal na pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino, lalo na diyan sa Maguindanao na kung saan makapag-aral ang mga anak, makapag-trabaho ang mga ama at ina, pero hindi po martial law ang sagot diyan.

Sa akin pong palagay ay OA (over-acting) masyado itong Malakanyang na ito. Naisip nila ito kasi magandang headline, nagpapakita na may ginagawa sila samantala, sabi nga ng mga abogado, wala pong legal o military advantages ang martial law.

On LP harassment

Q: Umpisa na ba ng political harassment sa LP ang mga ginagawa sa mga ka-alyado niyo na sina Grace Padaca, Among Ed at Jonjon Mendoza?

MAR: Tama po iyon. Kitang-kita nating lahat na itong mga gobernador na tumatayo para sa sa katarungan, para sa reporma, para sa pagbabago ay isa-isang kinakasuhan o minamadali ang kanilang mga kaso. Itong si Gov. Jonjon, biglaan na lang nanalo pala daw ang kanyang kalaban noong nakaraang halalan. Ito namang si Gov. Grace, mamayang hapon daw ay papatawan na or bibigyan din ng desisyon na gayundin, na nanalo din po iyong protest laban sa kanya. Gayundin kay Among Ed Panlilio sa Pampanga. Isa-isa po itong mga governor na ito ay hinaharass na. Pero hindi po kami matitinag, matibay po ang aming paninindigan para sa pagbabago. Senador Noynoy, Senador Mar, at ang buong pangkat ng Liberal Party, tatayo po para sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na magkaroon ng matino, mahusay at matapat na gobyerno.

News Latest News Feed