Press Release
December 16, 2009

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Sen. Manny Villar

Q: On NP senatorial slate

Villar: ... Natutuwa ako at naayos na, 12 na kami uli. Nagkaroon lang ng konting diperensya noon. Nagkaliwanagan na sina Ka Satur at si Liza Maza at si Bongbong Marcos. Naipaliwanag ko sa kanila na ang ating hangarin ay maiangat ang ating mga kababayan mula sa kahirapan. Dito naman sa adhikain na ito ay maliwanag naman na sama-sama kami at doon naman kami nagkasundo.

Q: At sana naman ay iwasan ang palitan ng salita para hindi lumalala ang problema.

Villar: Totoo naman iyon. Bagama't minsan nakikita ko na pinapaandar kasi sila at ang totoo naman niyan ay ayaw naman nila at gusto na lamang nilang magkampanya. Pero nakikita ko at ipinaliwanag ko din na marami kaming mga pare-parehong mga adhikain kamukha nitong sa kahirapan, kalikasan, karapatang pantao. Sa mga bagay na ito ay sama-sama kami. Ito ang mga ipaglalaban ng Partido Nacionalista. Sa akin namang sarili, mahalaga na ipakita natin sa ating mga kababayan ang ating kapasidad para ang iba't ibang sector ng ating lipunan ay magawa nating magkaisa. Napakahirap na hindi nagkakaisa ang ating mga kababayan sapagkat kung magsisimula tayo o ang sino mang pangulo nang watak-watak tayo ay hindi natin makakamtan ang ating mga adhikain.

Q: Sa pinakahuling survey ng SWS ay dire-diretso ang inyong pag-angat. Ano ho ba ang tingin ninyong dahilan at ganito ang trending?

Villar: Sa palagay ko mas nakikilala na tayo ng mga kababayan natin. Nakikita nila na iyong mga nagawa natin noong nakaraang taon, konkreto naman ang ating mga nagawa at karanasan at ang ating ginagawang pagtulong sa mga kababayan natin ay matagal na nating ginagawa at ipagpapatuloy pa natin ano man ang mangyari sa 2010. Syempre pangatlo rin ang sinseridad at integridad, nakikita nila na tayo ay binato nang kung ano-ano n gating mga kaaway sa pulitika subalit wala silang napatunayan. Kaya itong mga bagay na ito habang tumatagal ay lumiliwanag sa isipan ng ating mga mamamayan kaya naman patuloy tayo ng pagtaas. Bagama't malayo pa ang eleksyon, ipagpapatuloy ko lang ang aking mga ginagawa.

Q: Hindi ho ba kayo nababahala bilang isa sa mga presidential candidates ukol dito sa mga bagong development sa Commission on Elections, desisyon ng Korte Suprema, particularly ang paga-adjust ng deadline sa registration ng voters. Mukhang labis na nakakaapekto sa timetable ng Comelec?

Villar: Ako ay nababahala din. Hindi lamang diyan, kundi sa preparasyon din para sa automation. Mukhang maraming problema tulad ng nababalitaan ko na nangyayari diyan sa loob. Ngayon ay merong nagsasabi na maaring hindi matuloy itong automation kaya binabantayan namin ito. At itong pagbibigay ng extension tulad nito ay nababahala din tayo at baka ito ay may hindi magandang resulta. Ito ay minomonitor namin at inuulit ko sa ating mga kababayan na talagang mahalaga na magkaroon tayo ng isang matahimik na eleksyon sa 2010 para na rin sa ating ikaasenso. Dahil kapag sa 2010 ay magulo pa, mahihirapan na tayong umangat pa sa ating kinalalagyan.

News Latest News Feed