Press Release
January 7, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW
WITH DZRV-RADYO VERITAS

Commentary: Masuwerte ata itong ating guest ngayong taon na ito kasi 'Blue' daw ang lucky color this year...

MAR: Good morning. Happy New Year sa lahat.

Q: Lucky color daw this year of the Tiger ay blue. Maganda bang senyales ito?

MAR: Sabi nga po nila. Dahil nung New Year, nung bisperas ng New Year, full moon daw at blue moon. 'Yun nga din ang sabi ng mga astrologers at mga humuhula sa atin...iyan ang kulay ni Mama Mary.

On Cheaper Medicines

Q: May we have updates on the implementation of the Cheaper Meds law?

MAR: Nagsimula na ito, pahirapan nga ang pagsimula nito. Hindi nga ba at nahuli pa natin si PGMA na kinausap pa niya 'yung mga pharmaceutical companies kaya imbes na maging mandatory, naging boluntaryo ang naging pagbaba ng kanilang mga presyo. Gayunpaman ay kulan na kulang ito. 22 pa lang ang mga gamot na pinatawan nitong Maximum Retail Price. Parang pakitang-tao lang eh. Kaya pinupukpok natin ito. At bago mag-Pasko ay nag-hearing ulit tayo at pinupukpok natin ang Department of Health at tuloy-tuloy po nating pinupukpok na hindi lamang ito pakitang-tao na 20 o 50 na gamot pero sa pangkalahatan. Kasi itong batas na ito, supposed to be, lahat nitong mga gamot na ito na super garapal ang kinikita nitong mga kumpanyang ito ay pababain naman nila ang presyo. Kaya binigyan natin ng kapangyarihan ang gobyerno upang, kung ayaw nilang ibaba ang kanilang mga presyo, kung hindi sila ma-konsiyensa, ay gobyerno na ang pupukpok sa kanila, ang gobyerno na ang magpapataw nitong maximum retail prices na ito.

Q: In fairness naman po Senator, meron naman po tayong benepisyo na na-e-enjoy na dahil dito sa Cheaper Medicines law....

MAR: May fruits na, oo, but these are only about 20 medicines. Ang pagkakaalam ko, there are about 30,000 medicines. So itong 20 o 50 na mga gamot na ito, maliit na bahagi lamang ng lahat ng gamot na ininom natin. Halimbawa, sa diabetes, araw-araw na iniinom 'yan eh. Lifetime maintenance na iyan. Kahit P10 bawat tableta kung dalawang beses araw-araw, malaking bagay na iyan. Ang P20 ay kalahating kilong bigas na iyan eh. O kaya 2 latang sardinas. Malaking bagay ito para sa mga kababayan natin.

On Surveys

Q: Sir, according to this survey na ginawa sa Davao, number 1 na naman kayo ni Noynoy. Ano pong masasabi ninyo dito?

MAR: Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga sumusuporta. Kung maaari lang po nga sana ay eleksyon na eh. (Laughs)

Q: Nakakatakot po ba? Kasi ilang buwan pa bago mag- eleksyon at marami pa ang pwedeng mabago?

MAR: Oo. Pero ito naman ay tinatanggap namin bilang hamon, sagradong obligasyon na hindi dapat biguin. Itong mga survey na ito, ito'y nagpapakita ng tiwalang ipinagkakaloob sa amin ng mga kababayan natin. Alam naman natin na hindi basta-basta ibinibigay ito. Ilang ulit ng nabigo ang mga kababayan natin. Ang daming mga pangako, ang daming mga pangarap, ang daming magagandang sinasabi pero napapako. So, ito naman ay lagi namang napag-uusapan ni Senador Noynoy: 'Chief, talagang sagradong obligasyon ito." Ganun din ang kanyang paningin, na hindi namin dapat biguin ang ating mga kababayan.

Q: Pero senator, tingnan din natin at isaisip din natin, na noong mga nakaraang mga eleksyon, kagaya nung nangyari kay FVR, hindi siya nagta-top sa mga survey and yet na-i-translate po iyon sa pagkakahalal sa kanya bilang pangulo....

MAR: Noong 1992, noong simula, malayo si FVR. Pero nakahabol siya, atsaka neck and neck sila ni Senador Miriam noong panahon na iyon. Ito naman, kahit na SWS, Pulse Asia, atsaka iyong iba pang pribado kagaya ng Manila Broadcasting Company sa nationwide na survey, halos ganun din ang ipinapakita nila: na malaki ang agwat ni Senador Noynoy sa kanyang mga katunggali. And yours truly, mahigpit-higpit ang laban pero angat pa rin. Pero kami, hindi naman kami nagpapabaya. Nakikita naman po namin, ito yung parati naming sinasabi sa isa't-isa, itong mga survey na ito, galing sa ordinaryong tao ito, hindi ito galing sa politiko, hindi galing sa mga power blocs, pero galing talaga sa bawat mamamayang Pilipino. Kaya dapat ilagay namin sa tama kung sino ang kinikilala naming pinagkakautangan ng loob, hindi iyong mga politiko kundi ang mga mamamayang Pilipino.

News Latest News Feed