Press Release
January 12, 2010

Phone Patch Interview with Senate President Juan Ponce Enrile
and DZRH's Joe Taruc

Q: Medyo samantalahin naming ang pagkakataon, mahinghan lang po naming kayo ng ilang paglilinaw kaugnay nitong isyu ng paghirang ni PGMA ng bagong pagmamahistrado ng korte suprema?

SP: Ako ang posisyon ko dyan tungkol sa Chief Justice, hindi yung bakante na iiwanan ni Renato Puno, yung posisyong Chief Justice ay pwede syang pumili dun sa naiiwan na labing-apat na mahistrado at hindi kailangan dadaan sa Judicial and Bar Council. Sapagkat kung babasahin mo yung Saligang Batas, ang sinasabi ang Supreme Court ay binubuo ng isang Chief Justice at labing-apat na Associate Justice. Itong Chief Justice at 14 na Associate Justice sila ay to be appointed by the President. Sinasabi din sa Saligang Batas na ang mga miyembro ng Supreme Court dahil yung labing-limang miyembro kasama na roon ang Chief Justice ay kailangan dumaan sa JBC. Kailangan irerekomenda sa bawat bakante dun sa 15 slot ng miyembro ng Korte Suprema yung i-a-appoint ng Presidente na Associate man o mahistrado. Ngunit walang sinasabi ang Saligang Batas tungkol sa Chief Justice kung papaano i-a-appoint ng Presidente ng hindi dadaan sa JBC at hindi i-co-confirm ng Commission on Appointments.

Q: Yung punong mahistrado, yun ang kwestiyon ngayon dito, yung magiging kapalit ni Chief Justice Renato Puno?

SP: Yung pwesto na iiwan ni Chief Justice Puno, yun ang pinaka-junior na maging mahistrado. Kaya ang Preisdente pumili dun sa mga Monsenior Justices, 14 na maiiwan na Chief Justice dahil hindi nya pwedeng lagyan ng kapalit yung bakante sapagkat kailangan ang rekomendasyon ng JBC. Pero yung Chief Justice pag sya ay pumili hindi kailangan ang rekomendasyon ng JBC.

Q: Pero meron po bang kapangyarihan ang Pangulong GMA, meron bas yang karapatan na humirang ng bagogn punong mahistrado, considering hindi pa nagreretiro si Chief Justice Puno?

SP: Hindi pwede ngayon, kailangan hintayin nya na makaretiro. A 1 minute after retirement pwede na syang magre-appoint ng taona pipiliin nyang Chief Justice.

Q: Isang scenario, kung halimbawa na magkaroon ng failure of elections at walang naiproklama ang pangulo hanggang May 17 na pagreretiro ni Chief Justice Puno, ano po ang mangyayari dito?

SP: Wala, kung walang mahalal na presidente, bise presidente, hindi mahalal na kongreso dahil nagkaroon ng failure of elections, yung mga senador hindi nahalal, ang mangyayari dyan ang magtuturo kung sino ang magiging presidente ng Pilipinas ay yung Chief of Staff at tsaka yung PNP Director General.

Q: Posible ba, halimbawa na magretiro si Chief Justice Puno ng May 17 at sa bakanteng ito habang wala pang nahihirang, ang mga mahistrado ng Korte Suprema yung Associate Justices among themselves, pwede bang silang mag-usap at pipili ng kanilang punong mahistrado?

SP: Hindi pwede, presidente lamang ang makaka-appoint nyan, pwede silang ipili ng pagiging taga pirma ng Administrative matter. But Chief Justice na mamumuno ng Suprema kung pwede may kailangan na EN BANC na decision o head ng Supreme Court as Presidential Electoral Tribunal o as yung nagce-certify ng proseso sa paggawa ng desisyon ng Korte Suprema ay hindi pwede. Kailangan Chief Justice mismo, walang puwang ang panahon.

Q: Lilinawin ko lang mabuti yung ipinaliwanag ninyo. Anytime pwedeng humirang si PGMA ng Associate Justice para punan ang vacancy sa Korte Suprema kahit di dumaan sa JBC.

SP: Hindi, ihiwalay mo yung Chief Justice dun sa bakante ng posisyon sa Korte Suprema. Yung mga 15 na posisyon ng mahistrado yun ay kailangan dadaan sa JBC. Kapag Chief Justice hindi kailangan kung ang pipili ay nasa loob ng Korte Suprema na.

News Latest News Feed