Press Release
January 13, 2010

Transcript of interview of Senate President Juan Ponce Enrile - DZBB-Bigtime Balita with Rene Sta.Cruz

PGMA, pwedeng mag-appoint ng chief justice kahit walang nominee buhat sa JBC ayon kay SPJuan Ponce Enrile

Ipinaliwanag ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile na may kapangyarihan si Pang. Arroyo na magtalaga ng bagong chief justice ng korte suprema sakaling mag retiro si Chief Justice Renato Puno.

Ayon kay Enrile, kung wala mang listahan ng nominees buhat sa JBC, maaring mag-appoint si PGMA ng kapalit ni Puno buhat sa 14 na incumbent na associate justices ng korte suprema. Kakailanganin lang aniyang dumaan sa JBC ang magiging chief justice kung sa labas ng korte suprema kukuha si Pang. Arroyo. Tugon ito ni Enrile sa kani-kanilang pasiklaban ng legal opinion ukol sa kung maari pang mag-appoint si Pang. Arroyo ng chief justice sa gitna ng ban sa pag-aapoint sa gobyerno sa loob ng 60 araw bago mag eleksyon.

Ayon kay Enrile, pag nag retiro si Puno sa Mayo 17, puwede ng mag appoint ang pangulo. Kontra naman sa mga hamon at panawagan na ipaubaya na ni PGMA sa kasunod na administrasyon ang pagpili ng chief justice, sinabi ni Enrile na kritikal na mag appoint agad si PGMA ng kapalit dahil matapos ang eleksyon, ang Supreme Court ang magiging presidential electoral tribunal kaya kailangan ng chief justice.

News Latest News Feed