Press Release
January 14, 2010

Transcript of ambush interview of Senator Richard J. Gordon

On hearing (maritime disdaster)

Sir, last na po ba itong hearing?

Sen. Gordon: Yes at ang output dito ay malinaw na talagang may gross negligence doon sa pagpapatakbo ng mga barkong yan at talagang nakita natin ang babayaran natin. Unang-una nakikita ninyo na yung barko mismo ay hindi pang-laot, yung kapitan mismo ay di panlaot, siya'y mayor. Yun isa tunay na kapitan pero yun mga crew ay hindi maayos ang kakayahan. Nakita ninyo hindi tinali yung mga sasakyan kaya nang gumalaw, patay. Pabaya ang kapitan, pabaya ang may-ari. Bakit? Dahil naglagay sila ng mga taong ganyan at pagkatapos ay wala silang mga senyales na nagsasabi sa mga tao na wag silang matulog sa kotse at umakyat sila sa taas. sa pa lumalabas na ang marina ay gumagawa ng approval ng design na hindi pala qualified yun naval architech na nag-a-approve ng design. kapag binago mo ang design ng barko katulad ng ipinakita ko last time, konting pitik lang ng alon ay babaligtad yan. at yan na nga ang nangyayari sa ating mga barko. napatunayan dito ay talagang kailangan nating gawin ay una, sino ba talaga ang in-chatrge at ano ba talaga ang fine. napatunayan na overloaded ang barko at sinabihan ng Marina na wag lumakad pero lumakad pa rin. Ang magagawa lang nila ay administrative fine sapagkat hindi nila talagang pigilin dahil dinidemanda sila. pero sa akin, kung ako ang coast guard commander ay talagang patitigilin ko yun kahit na masira ang career ko wag lang malagay sa alanganin ang mga taong sumasakay. ang conclusion ko dyan. there is no governance. tila pabaya tayo. nakakasakay ang tao kahit wala sa manipesto, pinapalitan ang manipesto kapag lumubog na ang barko at walang pasintabi ang mga taong yan na lumakad at pagkatapois kapag lumubog ay walang pasintabi na mag-offer ng tulong doon sa mahihirap nating mga kababayan and what are we doing lahat ng mga taong sumasaskay sa mga ferries natin ay delikado kaya dapat ayusin yan lalo na yan sa Batangas. Kung lumalayag dapat may karapatan ang tao na pagsabihan ang gobyerno na ito ang mga dapat pag-ingatan na at mayroon kaming mga rekomendasyon na gagawin para maalis ang mga bagay na yan at ngayon pa lang kaya kami nag-technical working group ay para sa ganoon ay mapairal kaagad yung mga dapat ipairal na mga batas o safety precaution. Wag ka nang maghintay sapagkat lalo pang madaming masasaktan.

Q: Sir, nagkaroon ng strong earthquake sa Haiti. As chairman of the Red Cross, comment pls.

Sen. Gordon: Thank you, I'm glad you asked that. I just gave instructions and prepared a memo na magkaroon lahat ng welfare desk ang lahat ng chapters ng PNRC. Sa tulong ng media, gusto ko sanang ipaabot sa lahat ng may mga kamag-anak sa Haiti. Kung alam niyo ang name, address at yung mga members ng family nyo na nandun, makipagkita kaagad sa lahat ng chapters ng Red Cross - dito sa Maynila, sa headquarters, sa Manila Chapter, sa Rizal Chapter o sa Quezon City Chapter o sa Antipolo o sa iba-ibang chapter sa probinsya. O kaya tumawag sa 143 at sabihin na kayo ay may kamag-anak na nawawala doon para maisulat na ang pangalan. Kunin niyo ang mga telepono nila, yung mga address nila, kung may litrato, mas maganda para kung itatawag namin dun sa counterpart namin sa Haiti at saka sa International Red Cross, yung counterpart namin na Asian Red Cross, na hanapin nila yung mga taong dapat hanapin para sa ganon makilala kaagad. At mabigyan ng tulong critical stress de-briefing yung mga kamag-anak na naghihimatay, nagwo-worry dahil sa nangyari dito, dahil sa nawawala.

Q: Kailangan bang mag-resign si Enrile pag nagkaroon ng failure of elections?

Sen. Gordon: I don't think so. Hindi naman magkakaroon ng failure of elections. Bakit ba pinagdadasal natin na magkaroon ng failure of election. We have never had a failure of election in this country. Itong automated elections is parang binago mo, parang nagkaroon tayo ng cellfone bigla at natutunan natin lahat iyan. Hindi ako natatakot sa mga report na nade-delay, o baka magkakaroon ng kalokohan. Pero let's all pray and let's all see to it that the automated election system will be ready at the time when it is required to be used

Q: Sino ang behind these scenarios?

Sen. Gordon: Kung meron mang behind dyan, ang pagsususpetsahan mo ay yung presidente, yung grupo ng presidente o di kaya naman yung mga gustong humawak ng kapangyarihan ng wala sa lugar. Maaring certain members of the military, sila lang naman may pwedeng humaltak ng gobyerno. I hope that isn't the case. I don't think the president or any member of the military is planning for that. Realistically speaking, yung mga yan ang may kakayahang gawin, kaya nilang gawin. grupo

Q: Dapat bang sa pag-aappoint ng kapalit ng chief ng Korte Suprema?

Sen. Gordon: Sa tingin ko hindi, at sa tingin ko ang Korte Suprema, hanggang ang vacancy I think is on May 17, habang nanjan pa si Chief Justice, hindi sila dapat mag-appoint. Pag nawala na si Chief Justice, pwedeng mag-usap ang Korte Suprema na ito muna ang temporary chief natin. Ginagawa naman yan e kung absent si Chief. Acting muna at sandali na lang naman iyan, aabot na yan pagkatapos. GMA is still president until July. After that, the next president may appoint subject to the concurrence of the JBC, yung listahan i-appoint niya. Para wala ng mapuna dyan, dapat maayos na maayos ang proseso ng pag-appoint ng presidente sa Chief Justice.

Q: Pwedeng di na dumaan kung dun sa current na 14 manggagaling?

Sen. Gordon: pwede siyang mag-appoint ng bago, she could even appoint somebody from outside the 14

Q: May JBC?

Sen. Gordon: Usually, the general rule is may JBC talaga. Judiciary is a co-equal branch of government kaya dapat maingat lalo sa pag-aappoint niyan. Lalo na at kaya ng pangulo na i-tilt yung balance, yung separation of powers, kapag naglagay siya at talagang ipilit niya ang gusto niya at wala sa lugar

News Latest News Feed