Press Release
January 18, 2010

ZUBIRI: Transcript Unang Hirit Live interview

Q: Priority measures?

SJMZ: Well marami naman na po tayong natapos na measures. Ang priority po natin ngayon, ang meron na pong committee report at debate na lang sa second reading sa senado at ipapasa namin from 2nd reading to 3rd reading. At itong mga ito iyong Expanded Senior Citizens Act. Magandang balita po iyan Igan dahil iyan ay magbibigay ng VAT exemptions sa lahat ng ating mga senior citizens. Matagal na nilang pinaglalaban ito dahil kapag bumibili sila ng gamot after the 20-percent discount, lalagyan pa nila ng 12-percent VAT so, parang 8-percent lang. Ngayon po mawawala na iyong VAT, so parang 32-percent po ang discount nila.

Q: Sa House may counterpart?

SJMZ: Meron na po. Ito ay magkakaroon ng bicam within next week. Iyan ang magaganda nating batas na darating hopefully for Valentines.

Q: Ano bang nakapila diyan sa Order of Business mo mamaya?

SJMZ: Iyong Expanded Senior Citizens Act, iyong Magna Carta for Persons with Disabilities, iyong mga handicap nating mga kaibigan. And of course, meron tayong isang panukalang batas iyong mga government employees na matagal ng job order, contractual matutuwa po ito, numbering by the thousands. Five years straight sa ating gobyerno regular na sila at retroactive po ito. Marami pong mabibigyan ng regular work dahil kailangan uunahin natin. Alam mo ang sinasabi nila charity begins at home, siyempre dapat uunahin natin iyong mga government employees na ang tagal na po, minsan job order, walang security tenure. At meron pa pong Anti-Camcording Act, Anti-Cable TV Pilferage at ito po iyong nagnanakaw sa TV.

Q: Iyong mga binanggit mo sa akin kanina halos medyo iyon din ang priority bills ng House

SJMZ: Actually Igan iyong mga hindi ko pa nabanggit dito ay naipasa na namin into in 3rd reading nagaabang na lang kami sa kanila (House). Alam mo masasabi ko without batting an eyelash Igan itong Senate performance ang record namin is record breaking. Hindi naman sa pagyayabang under the leadership of Senate President Enrile isa mo pa iyong 11th, 12th at 13th Congress na naipasa na batas, mas marami po tayong naipasa na batas ngayong 14th Congress.

Q: Siyempre iyong sector na nakinabang diyan mas malaki?

SJMZ: Masa, senior citizen, iyong OFWs halos lahat ng sector po, environment. Napakaraming environmental bills ang ipinasa po natin ngayong taong ito. At least masasabi ko the start of the Senate it is a very well performing Senate.

Q: Dapat maging batas iyan kasi ang magpapatupad niyan baka manggaling nga sa senado, bagong pangulo at pangalawang pangulo hindi ba?

SJMZ: Maganda siguro ang gawin nating bagong batas iyong "work for pay"

Q: Iyon nga e, kapag absent bawas ng pork barrel, tama hindi ba?

SJMZ: Pork barrel, allowance, suweldo and that will also apply sana doon sa aming sa mga senador. Ipa-file ko iyan.

News Latest News Feed