Press Release
January 21, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW
WITH CES DRILON

Q: On the C5 Road Mess...

MAR: Ang masasabi ko lang naman kay Senador Villar: 'Magpakatotoo ka.' 'Harapin mo ang charges.' At kung delicadeza ang pag-uusapan, hindi ba ang paggamit mo ng iyong kapangyarihan bilang chairman ng Senate finance committee at Senate President para ilihis ang isang proyekto ng gobyerno para pakinabangan ng iyong mga lupain ay ang pinaka-halimbawa ng walang delicadeza?

Q: On the coup against SPJPE? Villar is allegedly behind it?

MAR: Wala akong alam. Ang alam ko lang ay sinusuportahan namin ang posisyon ni Senator Enrile na isiwalat lahat itong mga anomalya, itong mga insertion na ito. Ang pinaglalaban naman namin dito ay ang transparency. Para mapag-usapan, mapag-debatihan at maprisinta sa taumbayan ang nilalaman ng committee report, na nagsasasabi na inabuso ang kapangyarihan ni Senador Villar dahil nga inilihis niya itong kalye para nga pakinabangan ng kanyang mga kumpanya. So, para sa amin dapat pagdebatihan ito, hindi patayin ito sa limot, hindi na lang ibaon ito sa parliamentary procedure ng walang quorom.

News Latest News Feed