Press Release
January 25, 2010

Transcript of interview of Senate President Juan Ponce Enrile
with Arnold Clavio of Unang Hirit, GMA 7

Q: Wala naman daw sinasabi si Sen. Pimentel na kayp'y magresign pero sinasabi nya na mas makabubuti o dispersonal na umalis na kayo sa pwesto.

SP JPE: Alam mo Arnold, ang naglagay sakin sa pwesto bilang pangulo ng senado ay isang grupo ng senador. Yung mga minorya hindi bumoto sakin yan. Kaya sa akin paningin, ako ay iniluklok sa kapangyarihan bilang Senate President ng isang grupo, sila lang at hindi ko sila puwedeng talikuran sapagkat may responsibility rin ako sa mayorya sa senado kaya sinasabi ko kahapon nung ininterview ako, ang pwede lang magtanggal sa akin ay yung grupo na naglagay sa akin sa pwesto. Hindi ko hiningi yun, yung pwestong yun. Yung grupo ng mayorya sa senado ang nagbigay sa akin. Hindi ko inambisyon yun. Kaya yung pangkat ni Manny Villar, sa akin paningin, wala silang karapatan na magsabi na ako'y magbibitiw. Kung mayron silang sapat na mayorya upang ako'y tanggalin, okay lang sakin na ako'y umalis. Pero kung wala silang number ay ang makakapag-tanggal lang sakin ay majority sapagkat I'm responsible to them. Sila ang gumawa sakin na pangulo ng senado.

Q: Senador, mamaya ay papasok daw sa session si Sen. Pimentel at baka maumpisahan na itong pagtalakay sa committee report nyo.

SP JPE: Dapat lang sana spagkat miyembre sila ng senado at wag sana silang palaging pasyal ng pasyal at magtrabaho sila.

Q: Sinasabi nya kanina na ang punto nya ay mali daw yung rules sa simula kaya yung resulta ay ganito din.

SP JPE: Panong mali yung rules? Nagpunta nga sila sa korte suprema at kinuwestyon yung sinasabi nya na kami ay gumawa ng maling rules. Hanggang ngayon ay walang reaksyon ang korte suprema sapagkat nakita nila, pinadala ko lahat sa korte suprema yung record nung proseso nung hearing. Nakita nila ang salita ng bawat isa sa amin. Ang mga ruling ng pangulo ng senado na sya ang chairman ng committee of the whole at alam nila na tama ang ginawa naming.

Q: Senador Enrile, ilang araw nalang po yung session ng senado, nararamdaman nyo po ba na lahat gagawain para hindi malabas itong committee report ng kampo ni Villar?

SP JPE: Ang paningin ko ay mayrong malakas na pwersa na gustong i-suppress at hindi ipadinig sa bayan ang katotohanan. At ako'y magtataka kung bakit lagi sinasabi nila na magkakron ng failure of election at dahil dyan ay nananawagan sila na palitan ang pangulo ng senado. O kaya gagamit pa sila ng kanilang malaking pera upang umawa ng gulo sa ating bansa para hindi matuloy ang eleksyon dahil alam nila na baka matalo sila ng ibang kumakandidato sa pagka-presidente. Tinatanong ko lang ito dahil sapagkat alam ko na matututuloy ang halalan kung tayong lahat ay magtutulungan upang matuloy ang halalan. Baka mayroon silang plano dahil dyan ay gusto nilang ilagay yung kanilang puppet doon sa senado. Ngayon, kung magkakaron ng failure of election, saka-sakali, bakit sila ang magdedesisyon king sino ang magiging pangulo ng bansa? Kailangan nyan, pagtapos ng halalan sa Mayo 10 o kung totoong walang halalan, edi magpulong-pulong lahat ng lider sa buong bansa at pagusapan kung ano ang mangyayari sa bansa natin. Hindi yung mga minorya nay an o yung maiiwan na mga senador.

News Latest News Feed