Press Release
January 26, 2010

Transcript of interview after the hearing of the committee
on constitutional amendments, revision of codes and laws
chaired by Sen. Escudero on early voting bill

On the early voting bill approved in the committee level

Klaro na hindi kakayanin at kinakaya ng Comelec na mag-allocate ng sapat na resources para mabantayan bawat sulok ng bansa, kailangan mayroon silang leeway, kapangyarihan at ng pagkakataon na makapag-concentrate ng resources sa ilang area na kailangan naman talagang tutukan dahil sa mag nagdaang karanasana natin o kasalukuyang sitwasyon na maaaring hindi magiging malinis ang halalan doon.

Basically peace and order at may history ng fraud yung mga areas (na magkakaroon ng early voting)

Ang ilalagay doon, una violence, terrorism or threat of violence and or terrorism or any analogous situation whereby the holding of clean, honest and fair elections cannot be have.

Have you identified kung anong areas?

Hindi, delegated authority yan sa Comelec pero ang ilalagay namin doon criteria at cap, baka naman mamaya kasi kalahati ng Pilipinas biglang early voting na hindi naman pupuede yon.

So yung Comelec ang magde-decide?

Ng areas and they will be submitting to us the list according to them in so far as the 2010 elections are concerned by 5 pm this afternoon.

Maihahabol ba sir?

Sana, umaasa akong maihahabol basta malalamig ang ulo ng mga kasamahan namin mamayang hapon.

Yung mga areas na yan pede pa bang madagdagan?

Transitory tayo ngayon dahil huli na eh, and we discussed earlier na meron kang 90-day campaign period for national officials, magsisimula na yan sa February 9, kahit na maaprubahan namin yan ngayong linggo meron kang 15-day publication kahit pirmahan pa yan kinaumagahn ni Pangulong Arroyo, so kakainin yung 90-day period for this election, so dapat may transitory provision na nagsasabing kukulangin na yung 90-day period para sa national officials in these areas. But in subsequent elections dapat i-set nila yung mga lugar kung saan magkakaroon ng early voting, 150 days before the date of the elections para mabigyan ng notice yung mga kandidato at botante na maaga ang botohan doon sa kanilang lugar.

May list na ba yung Comelec?

They will give it to us this afternoon, they don't have it right now.

How many days before the elections yung pinaka-practical na application nito?

Anywhere between 10 to 14 days from the date of the elections, not earlier than that.

Sa early voting wala yung canvassing at counting?

Meron, automatic na yan pagpasok ng balota kung automated kasama na yung counting eh, canvassing lang, sabay-sabay na yon.

Matatapos kaya nila yun sir (TWG)?

Yes hopefully they would be able to finish it before lunch and i would be able to see it before lunch and We can file the committee report this afternoon.

Madali kaya itong maaprubahan?

I think it's a simple enough bill, it's an open-and-shop bill, either gusto mo ayaw mo, yun lang naman yon eh at sana mag-express yung maraming senador na suportado nila ito. We have five session days left.

Confident kayo na mapapasa?

Hindi naman kumpiyansa, umaasa ako. (Pero aabot kayo?) It's an open-and-shop bill, madali naman siguro yung bicam, baka nga mapagkasundo.

Kailangan ba na i-certify?

Kailangan i-certify, pero nagpahayag na rin naman ang Malacanang na pabor at suportado nila ang panukalang batas na ito so umaasa ako na mace-certify yan.

Tungkol sa kaguluhan sa C-5 report mag-i interpellate ka?

Pagganong klaseng level ng debate hindi. Kasi hindi napag-usapan yung isyu eh, nadala sa level na personalan. Hindi naman talaga nadiscuss masyado yon eh.

Ang solusyon don dapat pumunta si Sen. Villar...

Yun naman ang matagal ko nang sinasabi, harapain kaysa naman ganyang ang sitwasyon, institusyon ito na kinabibilangan niya na dati rin niyang pinangunahan bilang pangulo, kung yon ang kinakailangan para mabawasan ang tensyon ba, sana ikonsidera nyang gawin.

Sabi kasi wala daw siyang justice na makukuha pag sa senate...

Nong lumabas yung resolusyon na inaabsuwelto siya ang sinisigaw niya noon it's a numbers game, na-editorial pa nga yon sa isang pahayagan an it's a numbers game according to him, when he had the numbers. Nong wala na yung numbers biglang mali na yung numbers game, hindi naman tama yon. At whether kung makakakuha ka ng hustisya o hindi sa loob, ang mahalaga nga una para sa institusyon, pangalawa sa pananaw ko utang nya yon hindi lang sa institusyon pati rin sa mga kababayan natin.

Yon nga yung sinasagot nya, sinasagot nya sa media, sa bayan...

Pero binoto siya dito eh. Bahagi siya ng institusyon at ano bang problema, hindi ko makita eh. Pero sana nga mapag-usapan yung isyu at yung ibang mga bills din na nakabinbin sa hapong ito.

Sir dapat mag-caucus na lang muna bago magsession.

May problema kasi kung minsan, sa House ganyan palagi ang ginagawa, sa tuwing may isyu at away magsu-suspend at pagnagresume tapos na ulit, ni hindi nalalaman ng tao, hindi nalalaman ng third party, ano bang nangyari bakit biglang nagkaayusan. So maganda na rin yung out in the open yung debate pero preserve pa rin sana yung pagtawag ng third party hindi ba. Sa debate kasi sa parliamentary practice bawal naman yung direkta kayong mag-aaway eh o mag-uusap, hindi ba palagign third person through the senate president. Sana ma-maintain yon para mabawasan yung initan.

Gaano kaimportante na matapos yung isyung ito para sa ibang mga bills?

Isa sa mga dapat gawin ng senado yon, ikanga sinimulan, siyempre dapat tapusin, anumang bagay ah, pati yung mga bills na nakabinbin.

Marami bang mga bills na nakabinbin dahil dito sa isyu na ito?

Hindi naman, i think that was unfair comment made yesterday na inuuna ito at nadidisgrasya tuloy yung ibang mga bills, it's a question of spending more time on these bills and if at all on this resolution and seeing it through until it's passed.

News Latest News Feed