Press Release
January 26, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' PORTIONS DURING THE
LP ANNIVERSARY PRESS CONFERENCE

Q: WHAT MAKES LP DIFFERENT FROM THE OTHER POLITICAL PARTIES?

MAR: Malinaw na malinaw ang pagkakaiba ng LP. Wala ho kaming kalyeng inilihis para dumaan sa lupa ng kahit sino sa amin. Hindi kami naging Senate finance committee chair para o Senate President para pakiusapan ang DPWH o ang DBM para ang kalye ay kusang kumurba o mabale ang alignment ng kalye para dumaan dun sa lupain namin. At hindi kami kasama sa mga hakbang na ayaw mapag-usapan itong isyu na ito.

Malinaw na malinaw po. Kami para sa katotohanan. Ipinaglaban namin sa executive privilege, ipinaglaban po namin ito sa fertilizer, sa 464...sa lahat ng bagay, consistent na consistent po. Kaya hindi po kami kabahagi ng bulok na sistema na sinisikap naming baguhin.

Q: 2 things: (1) LP daw po ang nag-leak sa media noong C5 report? (2) Ano ang reaction ng LP dun sa PNP reshuffling and harassment of LP local bets?

MAR: (On local bets' harassment) Pumanig ang mga gobernador na ito kay Senador Noynoy Aquino. Ang kanilang mga provincial director ay biglaan na lang pinalitan. Bukod dun sa sinabi ni Senador Noy, kasama diyan ang Leyte, Capiz, Negros, Northern Samar. Ang dami po nito. 21 po lahat ito. Biglaan na lang. At hindi po ito sang-ayon o sumusunod sa reglamento. Malinaw na political harassment ito.

Ngayon, hindi pa iyan ang pinakamasama. San Cavite, ang isang project na napakahalaga para dun sa mga kababayan natin dun, iyong extension ng LRT para hindi na ma-trapik. Ang tagal ng tinatrabaho nun, DTI pa lang ako tinatrabaho na iyon. Dati, iyong nanalo dun sa BOT, taga-Canada na engineering company. Tapos pinalitan ng bago. Ngayon, ang kontrata, kinansela tapos mag-bi-bidding na naman. Bakit? Kasi ang proyektong ito, maipagmamalaki ito ng kasalukuyang senador na siyang pumapanig kay Senador Noynoy. Ganyan ba ang pamumuno na gusto natin? Na kasi hindi mo gusto ang kandidato ng administrasyon, iyong proyekto para sa mamamayan, ang tagal-tagal ng nakasalang, ay biglaan na lang na papalitan?

Iyan po ang aming ipinaglalaban. 'Yung pag-abuso ng kapangyarihan para sa pansariling interest. Ngayon, anong kaibahan nun dito sa C5 na proyekto na ito? Hindi ba pag-aabuso din ng kapangyarihan iyan?

(On Villar claims that LP leaked the C5 committee report) MAR: Imbes na tangungin sino ang nag-leak nun - hindi po kami ang nag-leak nun...hindi po ang Liberal Party, certainly hindi po si Sen. Mar Roxas, hindi po si Sen. Noynoy...

Pero imbes na tanungin sino ang nag-leak, bakit hindi umuusad ang kung ano-ano pa, bakit siya lang...ang tanong, MAY KALYE BA? Itong kalye na ito dumaan ba sa lupain niya? Kung dumaan sa lupain niya, siya ba ang nakipag-usap sa DPWH para dumaan itong kalye na ito sa kanyang lupa? Simpleng-simple lang ito eh. Kung ang sagot dun sa 3 taon na iyon ay no, no at no, eh di wala ng tanong pa. Kung ang sagot naman ay yes, yes and yes, kahit anong...sinong nag-leak...wala eh. Ang isyu dito ay ginamit ba ang kapangyarihan bilang Senate finance committee chair at bilang Senate President para lang mailihis ito?

Si Engr. Adriano ba - mataas na opisyal ng Camelle, Villar, Adelfa companies - sinungaling ba? Sinungaling ba si Atty. Dublon, secrteary o head ng LBRMO? Sinabi niya. kaharap sila - si Atty. Adriano, si SP Villar atsaka si Atty. Dublon - nung inutusan, in fact ang term niya ay nung dinictate sa kanya, ni Engr. Adriano sa harap ni Senador Villar na pondohan ang proyektong ito? Iyon lang. Bakit kung saan-saan pa tayo napupunta? Bakit kung ano-ano pang issue ang sinasabi? Iyon at iyon din lang naman po ang issue eh. HUWAG PO NATING LOKOHIN ANG TAUMBAYAN. Sagutin lang po niya.

Q: 2 things: (a) PARANG LUMALABO ANG POLL AUTOMATION. ANO ANG POSISYON NG LP SA POSIBLENG PAGBABALIK SA MANUAL VOTING? (b) Nag-apologize na po ba sa inyo si Sen. Pimentel?

MAR: (On poll automation) Dun sa automation, pinag-mitingan ng mga abogado ng Liberal Party - ang mga experts po namin sa IT at sa legal - kung ano na ang tayo ng poll automation. At merong napakahalagang Joint Election Automation Committee sa Jan 27 kung saan aalamin talaga mula sa Comelec, nasaan na ba talaga tayo? Pagkatapos nun, magpupulong ng pormal ang Liberal Party - tatanggap kami ng reports ng aming mga It experts and from our legal experts - pagkatapos po ay magpapasya ang partido kung isusulong pa rin namin ang poll automation o kung magmumungkahi na kami na maghanda na tayo para mag-manual.

Malaki po ang slippage sa timetable...aalamin natin on the 27th... ano ang mga slippage, how far back, mahahabol pa ba ang mga ito, hindi lang basta mahahabol ha...magagawa pa ba pero hindi naman makokorek...kailangan talaga na nasa wasto ang lahat.

(On Nene Pimentel) MAR: Kahapon, hindi ko na gustong alalahanin pa kasi masakit na masakit iyon. Pero kung kelan kasi tumanda na, dun pa naging bastos. Pero sa totoo lang, ala pa siyang apology at hindi naman ako nag-e-expect ng apology. Ang sa akin lang, misis ko iyon, ipagtatanggol ko siya...iyong kanyang dangal ay inapakan at hindi ako papayag sa ganun.

(After statements of senatorial candidates on Pimentel's remarks vs Mrs. Sanchez-Roxas)

MAR: Gusto ko lang magpasalamat sa aking mga ka-partido sa suportang kanilang ipinakita. Maraming salamat. Pero sa totoo lang, dun sa itinanong sa akin, hindi naman kailangan na mag-apologize siya sa akin si Sen. Nene. Mag-apologize siya sa misis ko dahil siya ang naging biktima ng kanyang kabastusan.

News Latest News Feed