Press Release
February 1, 2010

Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
on GMA 7's Unang Hirit and Rhea Santos

Q: Tuloy po ba yung botohan sa committee report sa Miyerkules o may nakikita kayong pagharang dito?

SP: Palagay ko pagbobotohan namin yan eh. Didispose namin yan, one way or the other, sapagkat matatapos na yung session naming. Wala ng panahon upang tapusin yan kaya malamang tatapusin namin dito sa week na ito.

Q: Ano po yan, simple majority o 2/3 kasi nagkaroon ng pagtatalo kung simple majority or 2/3 ng Senado yung gagamitin?

SP: Ang pinipilit ng panig ni Villar 2/3. Ang intindi naming sa Saligang Batas ay hindi 2/3 kung ipapataw na sanction sa kanya ay expulsion o suspension, if majority ang paningin.

Q: So 12 lang po?

SP: Majority of the quorum.

Q: May pag-asa pa po ba na humarap si Sen. Manny Villar sa Senado at sagutin yung lahat na ito?

SP: Hindi ko alam. Nasa kanya yun.

Q: Sapat na po ba, kasi nakalagay dun pinapa-censure. Yun ang parusa nya at isoli yung perang ginastos nitong P6.2 billion. Tanong ng taong bayan, sapat na bang pagsabihan lang sya?

SP: Alam mo, yan ang sanction ng Senado bilang parusa sa kanya sa ethics misconduct. Pero kung dadating ang panahon na may magsasampa ng kaso sa kanya, maaring mas mabigat yung parusa sa kanya.

Q: Meron pa po bang nakabinbing panukala na kailangan talakayin para sa mga natitirang session days at ano-ano ang magiging prayoridad sa Senado?

SP: Meron pa. Yung re-organization ng National Telecommunications Commission para harapin itong problema ng cellphone. Yung disappearing load, yung mga mahal na bayad sa voice calls at iba pa. Yung Mindanao Economic Development Bill at saka yung tungkol sa Disaster Control & Management Bill. Pagkatapos, itong Reproductive Bill pero medyo mahirap siguro talakayin yung Reproductive Bill sapagkat maraming debate yun.

News Latest News Feed