Press Release
February 2, 2010

Transcript of interview after the approval of the immigration bill
at the bicameral conference

Ina-approved na namin yung reconciled version ng immigration bill, lilinisin na lang yon at sana mapresent for ratification sa House at sa Senate bago kami mag-adjourn bukas.

Yung mga salient point?

Well to begin with siyam lang ang permanent employees ngayon ng Bureau of Immigration, ngayon may complete staffing pattern na at diretso na resposibilities ang kada opisyal ng bagong Commission on Immigration na kini-create natin sa ilalim ng batas na ito. Commonwealth Act pa yung gumawa ng lumang batas ng Bureau of Immigration, panahon naman na talaga para mabago at ma-update yan.

Term ng commissioner?

Walang term ang commissioner, walang term ang deputy commissioners, may security of tenures ang mga empleyado ngayon ng Bureau of Immigration sa ilalim ng proposed measure, may carry over lang sila ng isang taon mula maging effective ang batas para maimplement nila ang batas na pinagpaguran at sila naman din mismo ang gumawa.

Yung authority to collect?

Meron may authority to collect fees subject to the decision and discretion of the board, but not taxes.

Yung visa?

Hindi binago yon, Department of Foreign Affairs pa rin ang mag-iisyu at hindi itong Commission on Immigration.

Pero yung next commissioner i-aapoint na ng presidente?

Well if he is doing a good job, nasa kamay na yan ng susunod na presidente kung ipapanatilihin siya, ire-retain o hindi.

Pag-ordinary employee ka kasi may security of tenure, meaning civil service ka, hindi ka pedeng tanggalin except for cause, walang term yon, security of tenure ang tawag don. Yung proposal nila noon is termed, three, five, seven years, tinanggal yon.

Yon employees pero yung upper ....., yung commissioner, deputy commissioners carry over lang sila to implement tha act for one year.

Yung term nila?

Wala, co-terminus na sila. Subject to the appointing power of the president, they can be replaced at any time, walang term. At the pleasure of the president kumbaga. Kung magaling, pede tulyo tuloy.

Walang fixed term?

Binigyan natin ng security of tenure, hindi fixed trem yung mga rank-and-file employees ng Bureau of Immigration at tinanggal natin yung fixed term na originally proposed sa commissioner at deputy commissioners, may carry over lang sila ng one year, hindi bilang reward, bialng recognition sa trabahong ginawa nila sa paghubog ng batas na ito para matiyak natin na ang implementasyon nito sa unang taon ay naaayon s aintensyon ng kongreso.

Bakit inalis yung fixed term at naging acceptable ba ito sa mga taga immigration?

Acceptable sa kanila at hindi naman talaga nanggaling sa kanila yung original pa na proposal noong 8th Congress na may fixed term talaga para madepoliticized sana yung bureau of immigration.

Yung authority na mangolekta ng fees?

Lahat yon ay pinasa na sa DFA muli, pati yung pag-isyu ng visa in consultation na lamang with the commission on immigration.

Ano yung inaasahan natin kapag naging ganap na batas ito?

Sana mamodernize na nang tuluyang ito (immigration) at hindi tulad ngayon na Commonwealth Act pa, panahon pa ng Commonwealth government ang batas na umiiral kaugnay na ito.

Itong bicam report to be ratified today?

Hindi siguro abot ngayon, baka by tomorrow, tomorrow at the latest.

On cellp hone jammers

Yung cellphone jammers to affect the automation of election?

Alam nyo nong na sinabi sa amin ng Smartmatic at ng Comelec na na ang gagamitin daw nila ay satellite technology o yung yung tinatawag nilang BGAN sa buong Pilipinas sa pagtransmit, nang nagkapalpak-palpay yung satellite technology biglang cellphone na alng yung gagamitin nila, samantalang Mayo pa lamang hinihingi na namin sa kanila o sa telco yung plano at mapa ng mag sites na mayroong cellsites at wala. Sabi nila satellite daw na lang gagamitin dahil hindi kaya ng kanialgn satellite, cellphone technology na at cellsite ang gagamitin nila kaya biglang nagkaroon ng problema sa mga jammer jammer na dapat wala to begin with kung talagang satellite technology ang kanilang gagamitin.

This is reason for an alarm and cause for alarm not only because it will delay transmission, baka din kasi maapektuhan o mabago yung ita-transmit na resulta. Mulat-mula ang posisyon ko, yung hard copy pa rin dapat ang pagbabasehan ng official result hindi yung electronically transmitted copy. Pang verify lang dapat yung electronically transmitted copy doon sa actual hard copy ng resulta ng halalan.

Hindi ba magpi-print out yung machine eh, yun gang dapat na basehan pa rin ng official count, kahit sa Estados Unidos yung electronically transmitted result hindi yon an gofficial count nila, pero sa sobrang tagal na nilan gginagawa yon nasanay na sila na mirror image yung e-copy don sa hard copy at walang rason para pagdudahan yon, ang official pa rin sa kanila yung hard copy, hindi yung e-copy.

Sino ang may fault ba dito kaya hindi na-push yung satellite technology na dapat gagamitin?

I don't want to finger-point and I don't want to simply lay the blame on anyone, all I am saying is we're clearly rushing into this, there's still time for the Comelec to determine and decide how to go about clean and honest elections whether it's fully automated, partially automated or partially manual and partially automated. Ang importante malinis yung halalan, automated man o manual, huwag tayong mabulagan sa konsepto na pag automated lahat na ng problema mawawala, ang solusyon dapat lahat pamamaraan lang yon, dapat ang resulta malinis na halalan.

Halimabawa yung tinatanong lang nila ay yung pag-import ng jammers na alam nila, paano yung hindi nila alam, paano yung nandito sa Pilipinas at matagal nang nandito? Anumang bagay na minamadali kasi hindi talaga napaghahandaan at napaplanuhan nang maayos.

Unforseen daw yung jammer?

I disagree that this is an unforeseen, they should have been foreseen it, they planned accordingly. If they should have been prepared for kun talagang pinag-aralan at pinaghandaan ito na matagal ko nang sinasabi na kulang ang preparasyon, may panahon pa namana ng Comelec para magdesisyon kung papaano papatakbuhin ang halalan sa ibat-ibang parte ng Pilipinas. Kung talagang duda sila sa mga jamming devise na ito, kung talagang hindi mata-transmit nang maayos they can still correct it by appropriate regulations that the Comelec en banc can issue.

Yung broadband anong nangyari doon?

Hindi ko alam, hindi naman kasi din napipirmahan yata yung kontrata doon parang yung mga balota, kakapirma pa lamang ng kontrata para i-print yung balota, lahat ay hinahabol.

Sir parang pre-shaded na raw yung iba (balota), parang there's no way of knowing it?

Depende kaya nga gusto naming i-inspeksyunin yung makina, kung parang NCEE yan noon doon sa mga umabot sa NCEE, pagnalubak yung makina, yun na rin yung bilang non, me shade man o wala pagnalubak bilang na yon, yon siguro yung sinasabi mong posibilidad, pero kung mangyayari yon ibig sabihin, susobra sa boto yung mareregister sa makina sa ilalim ng regulatino ng Comelec hindi na bibilangin yon.

Yung sa sistema ng BGAN pedeng pa-explain sa Comelec...

Hindi pa nga nila naipapaliwanag yung sistema ng transmission, in the 82,000 polling places, dapat pagnagbigay ka ng isang lugar don kaya nilang sabihin ah yan ay BGAN yan, ah yan cellsite yan, ah yan landline yan, ah yan kung ano mang mode of transmission. Nong nag-pilot test sila, pilot test pa nga lang yon, kailangan nilang ilabs yung makina doon sa isang sulok ng eskuwelahan kung saan nakakatanggap lamang ng transmission, paano nilang sasagutin yon sa 82,000 polling places, ni hindi pa nila nama-mapa yon, at pag-i-eksperimentuhan pa lang ng mga BEI pagdatin ng araw ng halalan.

Sir dapat talaga may back-up?

Dapat talaga may back-up at contingency plan ang Comelec para sa lahat.

News Latest News Feed